Si Cielo. Siya ang black sheep ng pamilya niya. Ayaw niyang makihalubilo dito, lalong lalo na sa tatay niya. Dahil iyon sa nalaman niya tungkol dito... 5 years ago. Napakatagal na panahon. Napakatagal na rin nitong niloloko ang kanyang ina. Bale wala ang mga pangakong pinakawalan nito noong ikinasal sila. Hindi siya makapag sumbong dahil pinagbantaan na siya nito. Na sasaktan silang magiina at papalayasin sa bahay na tinitirahan. Parehong may trabaho ang dalawa pero ang kaibahan, ang nanay niya ang laging wala. Ayaw niyang nakikita ang ama sa bahay lalong lalo na kung galit ito, siya lagi ang pinaglalabasan nito ng galit. Naisip niya na mas mabuti na iyon kaysa ang mga nakababata niyang kapatid ang magdusa. Lagi nalang niya itong nadadatnang lasing o nakikipaglandian sa ibang babae.

Nang nagsimula ang mga problema nya sa pamilya, hindi na rin niya nabigyang pansin ang buhay niya sa eskwelahan. Unti unting nawala ang mga matatalik niyang kaibigan... hanggang sa wala nang natira. Ang iba ay nagagalit o nasasaktan dahil sa kanila inilalabas ni Cielo ang galit sa pamilya. Wala na siyang kasama sama. Wala nang karamay.

Isang lugar ang lagi niyang pinupuntahan, kung saan nakakalimot siya. Ang Tree House















Tree House [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon