Nakatayo si Cielo sa labas ng pinto ng tree house. Ramdam na ramdam niya ang pagkalabog ng dibdib niya sa nerbyos. Pinihit niya ang door knob at pinagmasdan ang loob. Hindi parin ito nagbago sa sampong taon niyang pagkawala. Pero nanlambot ang binti niya pagkakita sa isang babaeng nakaputi at may mahabang itim na buhok. Hindi na siya nagdalawang isip pa at niyakap niya ito ng mahigpit habang patuloy na tumutulo ang luha.

"I'm sorry Emilia.... sorry....." niyakap siya ni Emilia pabalik. "Ayos lang..." humiwalay ang dalawa sa pagkakayakap at nginitian ang isat isa.

"Balita ko may asawa't anak ka na ah. Hahaaha bat di mo sinama dito... gusto ko sana silang makita"

"Ahhh eh di ko kasi akalaing makikita kita dito"

"Hindi parin nagbago ang hitsura mo... Cielo..."

At tuluyan na silang nagkwentuhan katulad ng dati. Tumawag si Jessica kay Cielo at naiinip na daw si Earl, ang anak nilang lalaki.

"Emilia alis na ako ha. Nagiintay na kasi sila eh" nginitian siya nito at tumango. Nang sinasara niya ang pinto ay nakita niya si Emilia na lumuluha at bumulong ng "Natahimik na ako...

Noong una ay hindi niya alam ang dahilan nito... pero nalaman niya rin ito kinabukasan.

Tree House [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon