-10 Years After-

"Daddy... malayo pa ba tayo?"

"Hindi naman baby malapit na"

Simula ng umalis kami, nagaral ako ng mabuti at pinangako ko sa sarili kong babalik ako doon. Hihingi ako ng tawad sa kasalanan ko kay Emilia. Pero di naglaon ay nagustuhan ko ang isang babae at pinakasalan ko siya... nagkaroon kami ng isang anak na lalaki at kasalukuyang nagdadalang tao ang asawa ko. Hinding hindi ako magiging katulad ng ama ko. Aalagaan at mamahalin ko ang mga anak ko ng buong buo at lubos sa aking puso. Hanggang ngayon ay baon ko parin ang mabigat na konsensya dahil sa nangyari dati. Mahal ko parin si Emilia pero bilang matalik na nakababatang kaibigan nalang.

Itinigil ko ang sasakyan ilang kilometro bago ang tree house.

"Dito lang muna kayo ha? May dadaanan lang ako" Tumango lang ang tatlong aong gulang kong anak at si Jessica.

Tree House [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon