*Emilia's POV*

Anong oras na ako nakapunta sa tree house dahil natagalan ako sa pagaayos ng sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero isinuot ko ang pinakaiingatan kong puting bestida. Hanggang tuhod lang ito pero simple lang. Tumakbo ako patungo doon. Pagkabukas ko ng pinto ay nagtaka ako kasi wala pa si Cielo. Pero ayos lang, magiintay nalang ako.

*End of POV*

Isang oras....

Dalawang oras...

Tatlong oras...

Apat na oras....

Limang oras....

Naninikip na ang dibdib ni Emilia. Kanina pa niya pinipigil ang pagiyak. Paulit ulit niyang sinasabi sa sarili na dadating si Cielo. Tutuparin ni Cielo ang sinabi niya. Pero unti unti na siyang nawawalan ng pagasa.

Anim na oras...

Pitong oras...

Malalim na ang gabi imposible pa siyang makauwi. Hindi siya tumigil sa pagiyak at ramdam niyang bumubilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang masama ito pero binalewala niya iyon dahil ang tanging nasa isip niya ay si Cielo.

"Emilia! Woy... gising Hahahaha" Ang boses na iyon... minulat ko ang isa kong mata... at sunod na man ay ang kabila. Nagkatulog na pala ako.

"Cielo?" Nginitian siya nito at tumayo. Lumabas siya at isinara ang pinto.
"Oy! Wait lang!" Sumilip ako sa bintana... umaga na pala.

Pagbukas ko ng pinto ay napakaliwanag. Wala akong makita....  Tumingin ako sa kaliwa.... wala... sa kanan.... wala rin. Hindi ko makita si Cielo. Inakap ko ang aking sarili dahil biglang lumamig.

"Cielo!" Wala parin talaga...

Ulan... ulan? Bakit nakakarinig ako ng ulan? Bigla akong nagitla dahil biglang kumulog at kumidlat. Pero wala namang ulan.... Bakit puti lahat? Anong nangyayari. Bigla akong nakaramdam ng takot. Babalik na sana ako sa tree house pero palayo na ito ng palayo. Hinabol ko ang tree house pero hindi ko ito mahabol. Sumasakit na ang dibdib ko at gusto ko nang umiyak. Sumasabay pa ang kulog at kidlat. Isa itong bangungot. Patuloy lang ako sa paghabol. Nang biglang....

Iminulat ko ang mata ko... nasa  labas ako ng tree house. Umuulan ng malakas. Kumukulog at kumikidlat. Nagsleep walking nanaman ata ako.

Tumakbo siya papasok ng bahay at pinagmasdan ang sarili. Basang basa ang kanyang puting bestida. Naalala niya ang sinabi ni Cielo na pupunta siya. Nagsimula siyang umiyak. Bumilis nanaman ang tibok ng puso niya. Hindi ito normal. Naghanap siya ng gamot sa cabinet... wala...

Nanginginig na siya sa lamig. Naninikip na ang dibdib niya. Alam niyang bawal lahat ng iyon sa kanya dahil sa sakit niya sa puso. Pero wala na siyang magagawa doon. Umupo si Emilia sa upuan sa may bintana. Inalala niya lahat ng mga nangyari sa buhay niya... at kung paano lahat ng iyon naging mas masaya ng dahil kay Cielo.

Napangiti siya sa mga memoryang iyon at tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata...

Tree House [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon