"Saan ka nanggaling!" Gulat na gulat ni Cielong tiningnan ang lasing na ama. Hindi niya akalain na andito ito. Nagakmang lumapit ang ama niya sa kanya at sinuntok siya sa tiyan dahilan upang mapaupo siya sa sahig sa sakit. Hinawakan siya nito sa leeg at pinaharap sa kanya. Amoy na amoy ni Cielo ang alak. Uminom nanaman ito.

Iniangat niya ito sa pader at sinigaw sigawan."HINDI NA NAGPAPADALA NG PERA ANG NANAY MO!!! WALA NA KAYONG PANGGASTOS!"

"WALA NANG NAIPAPADALA KASI MAY IBA NANG PAMILYA. KINALIMUTAN NA NIYA KAYONG MAGKAKAPATID!"

"YANG MALANDI MONG NANAY DAPAT JAN PINAPATAY! SALOT!" Lahat ng suntok niya ay tinanggap ni Cielo. Nakita niya ang mga kapatid niya sa isang tabi na umiiyak habang pinapanood nilang bugbugin ng ama ang kanilang kapatid.

Nang kumalma ang ama ay umupo ito sa isang upuan at ipinikit ang mata.

"Pupunta kayo bukas sa kapatid ng mama mo. Doon na kayo titira"

Ang agad na pumasok sa isip ko ay si Emilia. Bukas ako magtatapat kay Emilia. Isa sa importanteng mangyayari sa buhay ko ang gaganapin bukas pero aalis kami... hindi ko iiwan si Emilia.

Lumuhod si Cielo sa harapan ng kanyang ama.

"Pa... ngayon lang. Baka pwedeng ipagpaliban yung pagalis namin... kahit isang araw lang pa" tiningnan siya ng masama ng ama at sinipa palayo.

"Anong pinagsasasabi mo?! Aalis kayo bukas ng madaling araw!!! Walang mababago roon! Magempake ka na. Puro problema ang dinulot niyo sa akin tsk!"

Wala na siyang nagawa. Paika- ika siyang bumalik sa kwarto at sinimulang magempake.

"Patawad.... Emilia..."

Tree House [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon