Chapter Five

15 1 0
                                    

Batid ni Ymago na ang kaniyang kaibigang si Miguel ay may pagtangi para sa nakababatang kapatid. Hindi man ito magsalita ay nahahalata naman niya sa mga ikinikilos nito--ang paggawa ng paraan para mapansin ni Khash. Kung paanong nagpapansin ang kaibigan sa kapatid na si Khash ay siya namang kuntodo iwas nito sa kakambal nitong si Chase na may pagtingin sa binata.

Kung tama nga ang sapantaha ng binata ay isang malaking gulo ito sa pagitan ng kambal, lalo ba't wala sa karakter ni Chaselyn ang nagpapadaig kahit na sa kakambal niya.

"You really like her, am I right?" Hindi mapigilang isatinig ni Ymago.

"Sino?" maang na sagot nito.

"Naku Miguel, don't deny it, you're too obvious my friend, para kang plastic cover, bukod sa plastic na, masyado ka pang transparent," sabad ni Miko.

"Ano bang tinutukoy ninyo at sino ang tinutukoy ninyo?" maang-maangan niya.

"Don't act like you really don't know, kutusan kita riyan nang matauhan ka." Akmang kukutusan naman ito ni Miko ngunit pinigilan din ang sarili.

"Bro, kaibigan kita pero magkakasira tayo kapag mga kapatid ko na ang sangkot." that was Ymago.

"I don't get it," anito.

"We all know that Chaselyn likes you so much, Miguel pero alam din natin na hindi mo siya gusto pagkat itong si Khashlyn ang may puwang sa puso mo." Walang kagatol-gatol na pahayag ni Ymago.

"Am I really obvious?"

"Alam mo bro, kulang ang salitang sobra para sabihing halata ka masyado," singit ni Miko.

"Mukhang wala na rin akong lusot. Okay, I admit...I do really like Khash so much and I know that the feeling is not mutual. Second I know that Chase likes me, pero ayoko namang samantalahin ang bagay na iyon lalo na't alam kong bukod sa lolokohin ko siya na gusto ko siya ay parang niloko ko na rin ang sarili ko. Saka isa pa, loyal ako kay Khash. Another thing, mas 'di ko kayang ipagpalit ang friendship natin para lang sa kapatid mo, unless Khash will choose me." Pag-amin nito.

"Bakit si Khash? Bakit hindi si Chase?" Gustong malaman ni Ymago ang dahilan ng kaibigan.

"Ewan, 'di ko rin alam. Basta kapag nasa malapit si Khash iba ang pakiramdam ko, parang gusto ko lagi siyang nakikita kahit pa sinisimangutan at sinusungitan lang niya ako okay lang, ang mahalaga ay napansin niya ako. Ang weird pero masaya ako kapag binibigyan niya ako ng atensiyon." Mababakas mo sa mga mata nito ang ningning habang nagsasalita.

"How about Chase?"

"I didn't feel the same as what I feel for Khash, walang kilig factor. Kahit anong lapit at papansin niya I didn't feel anything. Wala 'yong parang paru-parong umiikot sa sikmura ko, wala 'yong pakiramdam na parang may kabayong naghahabulan sa didbdib ko. But with Khash kahit matanaw ko lang siya sa malayo para na akong sinukaang uod na 'di makali sa kinalalagyan ko." Bakas sa mga mata nito ang ningning--ang labis na admirasyon para sa dalaga.

"Ang cheesy mo bro!" naiiling na lamang na wika ni Miko.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Ymago.

"Kontento na lang muna ako sa ganito, kapag handa na ako at mas handa siya...kapag ramdam kong tamang pagkakataon na doon ko na siguro sasabihin. Sa ngayon masaya na ako sa ganito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon