“Alam mo na ba?” that was Miko.
“Ang alin?” naguguluhang tanong ni Miguel sabay inom ng juice, nasa sala kasi sila ngayon at nanunuod ng Spiderman2.
“Tingin ko hindi mo pa nga alam,” wika nito sabay ngiti nang makahulugan.
“Sa tingin mo ba kung alam ko, tatanungin pa kita?” seryosong tugon niya.
“Sabi ko nga. Lumabas na 'yong list ng pairs ng mga contestant para sa ballroom competition.” Pagsisimula nito.
“And then?”
“Kayo ni Khash ang napili bilang representative ng klase ninyo at bukas na ang elimination para naman sa magiging representative ng grade level natin,” dagdag pa nito.
“Teka, paki-ulit nga? Wala akong naintindihan.” Pagkukunwari niya kahit na naintindihan naman niya ang sinabi ng kaibigan.
“'Di ko alam kung bingi ka ba o sadyang makulit lang. Ayoko nang ulitin nasabi ko na,” inis na wika ni Miko sabay inom ng juice.
“Sa hindi ko nga naintindihan.” Pangungulit pa niya.
“Talaga lang? Maniwala ako sa'yo?” Sabay titig dito nang makahulugan habang tinataas-baba pa ang kanyang mga kilay.
“Kung ayaw mong maniwala, e 'di h’wag.” Pagkawika noon ay tumayo na siya sa sofa at nagtungo sa kanyang k'warto.
“Ano'ng drama no'n?” naguguluhang tanong ni Miko habang sinusundan ng tingin ang kaibigan na kapapasok lamang ng silid nito.
Ilang sandali pa ay iniluwa na rin ng pintuan si Miguel.
“Sa'n ka pupunta?” takang tanong nito nang makitang bihis na bihis ang kaibigan.
“Kina Ymago.”
“Ano'ng gagawin mo sa kanila?” Pag-uusisa nito.
“Dadayo ng pagkain, nagugutom ako," pilosopong sagot niya.
“Bigwasan kaya kita nang malaman mo ang sinasabi mo,” inis na wika ni Miko.
“Tinatanong mo 'ko, 'di ba? Sinagot ko lang 'yong tanong mo, ikaw pa ang may ganang magalit!" At tinalikuran na niya ang kaibigan.
“Hintay, sasama ako.” At nagmadali sa paghabol si Miko kay Miguel.
Kita mo 'tong si Migz, sabi niya, wala raw siyang naintindihan. Kunwari pa siya, pero excited naman. Sigurado akong kaya siya pupunta kina Ymago ay para kumpirmahin ang bagay na 'yon. Kita mo nga, walang tiwala sa'kin bilang kaibigan ang mokong na 'yon. Pero alam ko kung bakit nais niyang pumunta kina Ymago, kunwari pa ang loko, akala niya ay 'di ko mahahalatang may crush siya kay Chase. Kunwari pa siyang aayaw-ayaw. Bulong ni Miko sa sarili habang ngingiti-ngiting nakasunod kay Miguel.
“Ano'ng ginagawa ninyo rito?” takang tanong ni Ymago nang mapagbuksan nito ng gate sina Miko at Miguel.
“Makikidayo ng meryenda, na miss ko kasi 'yong cake ni Khash,” sabay pasok ni Miguel sa loob.
BINABASA MO ANG
You and I
Teen FictionAlam mo iyong pakiramdam na ang unang taong hinangaan mo ay sikat sa campus, tapos ikaw ay isang malaking WHO YOU? Baka nga hindi niya alam na nag-e-exist ka pala sa mundong ibabaw. Hanggang sa maging magkaklase kayo at nagbago ang takbo ng lahat. '...