Chapter One

109 6 0
                                    

Ako pala si Khashlyn Ymarie P. Saavedra, Khash for short. I'm 14 years old at Grade 9 students this coming school year. Excited na akong magpasukan, on second thought, parang tinatamad ako. P'wede bang i-extend ang vacation kahit isang linggo lang? Ang daya naman kasi, ba't ang bilis ng araw, kababakasyon lang, pasukan na ulit, ni hindi ko man lang na-enjoy 'yong bakasyon.

Maalala ko, mamaya nga pala ay pupunta rito ang mga kabarkada ni kuya Ymago. Ewan ko ba kung paano naging kaibigan ni kuya ang mga 'yon, puro mayayabang naman at akala mo kung sino. Oops! Nakalimutan ko, may kayabangan nga rin pala nang kaunti si kuya, pero ang yabang ng mga 'yon, times 10 ng kay kuya Ymago. Dapat ko na palang tapusin ang mga dapat kong gawin sa baba bago pa dumating ang mga kumag na 'yon, mahirap nang maabutan nila 'ko sa baba dahil wala silang ibang gagawin kundi ang buwisitin ako. Mga mapanglait, akala mo kung sinong mga gwapo at macho, mga tingting naman at mukhang palaka. Oops! Sorry, naiinis lang kasi ako sa kanila dahil ginugulo nila ang tahimik ko sanang buhay. Ito kasing si kuya at Caselyn imbis na ipagtanggol ako, pati sila nakikisali.

Haist! Kung nabubuhay pa sana si kuya Yvez, may kakampi sana ako at may tagapagtanggol mula sa mapang-aping lipunang ito, kaso maaga s'yang kinuha sa amin. Miss na kita kuya Yvez, alam ko naman na mula sa malayo binabantayan mo ako.

"Khash, buksan mo nga 'yong gate, baka si Miko at Miguel na 'yon." Narinig kong utos ni kuya mula sa kung saan.

Si kuya talaga, may mga katulong naman, ako pa ang inutusan. Kung 'di lang kita kapatid, nungkang sundin kita.

"Khash, narinig mo ba 'yong inuutos ko?"

"Opo, bubuksan ko na po 'yong gate, young master Ymago."

Inis na pinagbuksan ko ng gate ang mga bisita ni kuya at dali-dali akong naglakad palayo pagkabukas ko ng gate, 'di ko na inintay na makapasok pa sila.

"Ba't ba ang sunggit mo, hah Khash?" narinig kong sigaw ni Miguel.

"Ano naman sa 'yo kung masungit ako, bakit close ba tayo?" inis kong sigaw sa kaniya.

Isa si Miguel sa mga kabarkada ni kuya na wala nang ibang ginawa kundi ang buwisitin at pagtripan ako. Tulad ni kuya at Caselyn, popular din sa school itong si Miguel dahil ito ang captain ball ng basket ball team ng school at bukod doon s'ya rin kasi ang mister campus last school year. Actually, classmate ko itong si Miguel, pareho kaming nasa star section, obviously dahil sa pagiging varsity player niya kaya siya napunta sa section, lahat kasi ng varsity player ay inilalagay sa higher section. Naalala ko, section 3 siya noong first year; classmate kasi sila ni Caselyn, pero simula nang sumali siya sa basket ball team, inilipat na siya sa star section. Naalala ko pa no'n, walang ibang bukang bibig ang kambal ko kundi si Miguel, crush niya kasi ito, 'yon nga lang, wala naman itong gusto sa kaniya. How pathetic! Panay ang pagpapapasin ni Caselyn kay Miguel, pero deadma lang ang huli. Bakit kaya? 'Di naman nalalayo sa taste niya si kambal-- maganda at sexy rin naman ito tulad ng mga naging girlfriends nito.

"Khash, paghanda mo naman kami ng miryenda."

Si kuya talaga, ako na naman ang nakita, may mga katulong naman.

"Khash!"

"Kuya, nandyan naman si Nanay Karing, siya na lang ang pagawain mo ng meryenda niyo."

"E, ikaw nga ang gusto kong gumawa, saks wala ka namang ginagawa. Si Nanay Karing, busy 'yon."

"Ikaw na lang kaya ang gumawa kuya, tutal, wala ka namang ginagawa. O kaya si Caselyn na lang, 'yon willing 'yon, lalo na kung si Miguel ang pagsisilbihan niya". 'Di naman lingid sa kaalaman ni kuya ang pagkagusto ni Caselyn kay Miguel.

"'Yon nga ang problema, wala si Caselyn. Alam mo naman ang isang 'yon, hindi basta-basta pumipirmi ng bahay."

"Sige na Khash, miss ko na kasi 'yong cake mo. Kaya please, pag-bake mo na ako nang matikman din ng mga kabarkada ko ang pinagmamalaki kong cake na ikaw ang nag-bake."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon