"Khash, nabalitaan ko mula kay Miko na kayo raw ni Migz ang magka-partner at napiling lumaban sa section ninyo para sa ballroom competition." Bungad sa'kin ni kuya ng pumasok ito sa k'warto ko, isang hapon, pagkagaling namin ng school.
"Yes," tipid kong tugon.
"Good luck sa inyo," wika niya sabay upo sa gilid ng kama habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng k'warto ko. As if naman na may makikita siya, e puro paintings at drawings ko lang 'yong naka-display, ni walang family picture, though may isang malaking portrait na nakasabit sa dinding sa gawing paanan ng kama--walang iba kundi ang larawan ni kuya Yvez na ako mismo ang gumawa.
Hanggang mapadako ang paningin ni kuya sa may portrait ng kuya Yvez, his twin brother. Nakita ko kung paano rumehistro 'yong labis nalungkot sa mga mata niya, 'yong sakit at pangungulila sa taong malaki ang bahagi sa pagkatao niya.
Kahit madalas na 'di magkasundo sila kuya dahil sa'kin alam ko kung gaano kasakit kay kuya Ymago 'yong nangyari kay Kuya Yvez. And he's blaming himself all this years, because of that. 'Di man niya sabihin, pero nararamdaman kong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni kuya.
Pareho na kami ngayong tutok na tutok sa larawan ni Kuya Yvez, after a while sinilip ko uli ang mukha ni kuya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya. Alam ko na naalala na naman niya ang nakaraan.
Dahan-dahan akong lumapit kay kuya, ewan ko ba, pero there's an urge na nagsasabi sa'king yakapin ko siya. Kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Kuya," I mouthed.
Alam ko selfish akong tao, alam ko 'yon. Sinarili ko lahat ng sakit, sinarili ko lahat ang hirap, mula nang mawala si kuya Yvez, pakiramdam ko gumuho na ang mundo ko, pakiramdam ko nawalan ako ng taong magtatanggol at proprotekta sa'kin. I know that kuya Ymago is trying his best to be closer on me, but whenever or wherever he does, tinataboy ko lang siya at alam kong nasasaktan ko siya tuwing ginagawa ko 'yon.
Alam naman kasi ng lahat na isa kaming malaking kontrapelo sa isa't isa, tapos si Caselyn talaga ang favorite ni kuya, so bakit pa at para saan pa. Magsama silang dalawa. Wala namang rival sa pagitan namin ni Case, pero siya kasi, itinuturing niya akong mortal na kaaway.
Kuya raise his head up and stare at me, nakita ko 'yong lungkot at pangungulila sa mga mata niya.
"I know how stupid I am,"he started to talk without blinking his eyes while still looking straight into my eyes. Then suddenly I haven't notice that tears started to fall into my eyes.
He holds my face with his hands, "Sorry for everything, sorry." Paulit-ulit s'yang humihingi ng tawad habang patuloy lang sa paglandas ang mga luha mula sa mata niya. Ito ang ikalawang beses kong nakitang umiyak si kuya. Una ay nang iwan kami ni kuya Yvez, 'yong unang araw na nawala ito samin.
"Wala kang kasalanan kuya," sabi ko sa kanyia sa pagitan ng paghikbi while staring at him.
"But..." i put my hand on his mouth para tumiggil siya sa pagsasalita, alam ko naman kasi na uungkatin na naman niya ang nakaraan.
"You don't need to, walang may gusto ng mga nangyari," wika ko habang dahan-dahang tinatanggal ang mga palad ni kuya sa magkabilang pisngi ko. Tumayo ako at nagtungo sa may drawer to get something na matagal ko nang gustong ibigay kay kuya, pero hindi lang ako makakuha ng tyempo.
Inabot ko sa kaniya 'yong bagay na kinuha ko sa drawer, habang siya naman, 'di malaman kung tatanggapin ba o hindi. But afterwards, kinuha niya na rin.
Tangkang tatangalin niya ang balot ng ibinigay ko, kaya agad ko itong binawi sa kaniya.
"Amin na 'yan, matapos mong ibigay babawiin mo," parang batang wika ni kuya. I really wanted to laugh at that moment, first time ko kasi siyang nakitang umaktong ganoon.
"Okay, but promise me na 'pag nasa k'warto ka na, saka mo 'to bubuksan," naninigurong tanong ko sa kaniya.
And he nodded. Then I'll give it to him.
"I'll go ahead," he said. At naglakad na siya patungong pintuan. Bago siya tuluyang makalabas, "Kuya h'wag mong sisihin ang sarili mo. Kuya Yvez won't like that. Palayain mo ang sarili mo dahil kung hindi, hindi ka magiging masaya kung patuloy kang yayakap sa nakaraan." I saw a smile painted in his lips and it was a sad smile.
Si kuya Ymago ang isa sa pinakahinahangaan kong tao aside kay kuya Yvez, magaling siya sa maraming bagay lalo na sa pagtatago ng totoong damdamin, diyan lang ata kami nagkapareho ni kuya. Maybe we're great pretenders, but we're just protecting ourselves from greater devastation na makukuha namin mula sa mga tao sa paligid namin. Hindi kami mapagpanggap, nagkataon lang na kaya naming kontrolin ang emosyon namin.
At last, naibigay ko na rin kay kuya ang regalo ko, ang tagal na kasi noon, ngayon ko lang naabot. Actually, portrait nilang dalawa 'yong dalawa ni Kuya Yvez, kuha 'yon noong mag-celebrate sila ng birthday three years ago.
BINABASA MO ANG
You and I
Teen FictionAlam mo iyong pakiramdam na ang unang taong hinangaan mo ay sikat sa campus, tapos ikaw ay isang malaking WHO YOU? Baka nga hindi niya alam na nag-e-exist ka pala sa mundong ibabaw. Hanggang sa maging magkaklase kayo at nagbago ang takbo ng lahat. '...