"I think, everything is clear? May reklamo ba kayo sa ka-partner niyo?"
"Sir, p'wede po bang iba na lang po ang ka-partner ko?" singit ni Khashlyn bago pa tuluyang lumabas ang teacher nila sa MAPEH na si Mr. Santos. Hindi kasi siya pabor na si Miguel ang ka-partner niya. Ss rami ba naman ng kaklase niya ay ito pa ang natapat na makaka-partner niya sa P.E. presentation nila. P'wede namang iba na lang.
"Sige, iko-consider ko 'yan, but give me one valid reason kung bakit ayaw mong maka-partner si Miguel?" may bahid na pagtatakang tanong ni Mr. Santos.
"Ah, Eh..."
"Kitam, wala ka namang maibigay na balidong rason kung bakit ayaw mo. After all, ikaw lang naman yata ang may problema dahil mukhang okay lang naman sa partner mo na ikaw ang natapat sa kaniya." Sabay lingon nito sa direksyon kung saan nakapwesto si Miguel. 'Di tuloy niya mapigilang hindi tingnan ang direksyon kung saan nakatuon ngayon ang atensyon ng lahat.
"Am I right, Miguel?" tanong ng kanilang guro sa binata.
"Yes, Sir! Wala pong problema sa'kin." Saka ito ngumiti nang ubod ng tamis.
"Good. I think everything is settle. Maghanda na kayong lahat dahil ang pares na mapipili mula sa section ninyo ang ilalaban sa Intrams next month para sa ballroom competition." Pagkawika noon ay lumabas na ito ng room nila.
Nanlulumong napaupo si Khash sa upuan niya. Of all people, bakit si Miguel pa ang kailangang maka-partner niya. Pakiramdam niya ay nilipad na ng hangin ang pangarap niyang makasali sa isang ballroom competition.
"Bakit tila malungkot ka ata, Khash?" takang tanong ni Jemielyn, isa ito sa mga kaklase niya na patay na patay kay Miguel. Siguro, kung aalukin niyang mag-swap sili ng partner mabilis pa sa alas kwatro ang pag-oo nito.
"Isn't it obvious, ayokong ka-partner 'yang unggoy na Miguel na 'yon." Sabay pukol ng matalim na tingin dito upang maiparating na hindi niya naiibigan ang sitwasyon nila. Pero parang okay lamang dito at mukhang masaya pa ito sa sitwasyon nila. Siguro, dahil sa mas malaki ang tsansa nito na maasar siya nang mas matagal.
"Gusto mo palit tayo?" Tila excited ito sa ideyang inihain niya kay Khash.
"You know how much I wanted na magpalit tayo ng partner, but I can't take the risk na mapagalitan ni sir, pagtitiyagaan ko na lang ang isang iyon. And I will make sure na hindi na niya nanaisin pang maka-partner ako kahit kailan."
"Ang swerte mo nga at si Migz ang ka-partner mo." May halong pagkainggit ang mahahamig sa mga tinig nito.
"Swerte? Baka 'ka mo, malas!"
Hindi namalayan ni Khash na nakalapit na pala sa pwesto nila si Miguel at matamang nakikinig sa usapan nila.
"So, ikaw pa ang may ganang magreklamo sa'ting dalawa? 'Di ba, parang mas lugi ako na ikaw ang ka-partner ko, baka nga ni sa classroom ilimination, hindi tayo makasampa," sarkastikong wika nito na halatang iniinis lamang si Khash.
"Bakit ba ang daming epal sa mundo? 'Di naman kasali sa usapan, bigla na lang sumusingit. Haist!" iritableng wika ni Khash sabay irap kay Miguel.
"Ano bang problema mo, Khash?"
"Problema? Ako? Imahinasyon mo lang 'yon. Baka ikaw, mayroon?" At tumalikod na ito at lumipat ng pwesto. Siya namang pagdating ng teacher nila sa sumunod na subject.
Kung mamalasin nga naman, may group activity na naman sila, think-pair-share at si Miguel na naman ang ka-partner ni Khash sa activity.
"Bakit ba ang malas ko ngayong araw?" mahinang bulong niya sa hanggin.
Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Miguel kaya napatingin siya sa katabi. 'Di siya manhid para hindi mahalata ang malaking pagkadisgusto nito sa kaniya.
"May sinasabi ka?" Kunwari'y hindi niya narinig ang mga tinuran nito.
"Mayroon, kinakausap ko ang sarili ko, kasi nababaliw na naman ako." Sabay irap niyang muli rito. Kung nakamamatay lang ang irap, matagal nang walang buhay si Miguel.
"Okay, tulak mo 'yan nang pulutin ka sa mental. Don't worry, dadalawin naman kita nang madalas doon para hindi ka malungkot." Sabay ngiti nito.
Patola rin tong si Miguel.
BINABASA MO ANG
You and I
Teen FictionAlam mo iyong pakiramdam na ang unang taong hinangaan mo ay sikat sa campus, tapos ikaw ay isang malaking WHO YOU? Baka nga hindi niya alam na nag-e-exist ka pala sa mundong ibabaw. Hanggang sa maging magkaklase kayo at nagbago ang takbo ng lahat. '...