**
C H A P T E R 2: The Beginning (part 2)
All rights reserved © 2016 by RyllastixGirlNakahinga ako ng maluwag ng malaman 'ko kung sinong damuhong nilalang na naman ang humatak sa akin papalayo, si Andrei Zarden.
Ang tanging kaibigan 'kong lalaki simula pagkabata. Kung kami ni Xena ay halos magkamukha na dahil laging magkasama, eto namang si Andrei kahit saan ako magpunta dinaig pa aso sa pagbuntot sakin.
Tsk, ewan 'ko ba diyan. Ang gusto niya parati akong nasa tabi niya at hindi nawawala sa kanyang paningin.
"Aray!" Daing 'ko ng maramdam 'ko ang sakit sa noo 'ko, tsk namitik na naman!
"Kanina 'ka pa kasi nakatulala diyan, nakikinig 'ka ba sakin?" Iritang sabi ni Andrei. Tinignan 'ko lang siya ng masama at hinamas 'yung parteng pinitik niya.
"Tsk, konti na lang talaga Carah maniniwala na talaga akong may lihim 'kang pagtingin sakin. Tignan mo nga, napatulala 'ka sa gwapo 'kong mukha!" Dadag niya pa. Tsk, napaka-presko talaga nitong asungot na 'to. Dinaig pa ang habagat sa sobrang kahanginan!
P-pero teka, 'yung kanina, "Nakita mo ba 'yun?" Lumingon lingon ako sa paligid at wala naman na akong makitang kahit ni isang anino ng dalawa. Sht. 'Yung dalawa nasan na?
"Huh ang alin?" Kunot noo nitong tanong sakin at tumingin tingin din sa paligid. "'Y-yung matandang lalaki pati 'yung nabibisikleta kanina. 'Yung dalawang 'yun bago mo ako hatakin?" Mabilis naman na pagtanong 'ko sakanya. Ngunit nagtatakang tingin lamang ang ibinigay niya sa akin bago siya muling magsalita.
"Wala naman akong nakita, ikaw lang na mukhang tanga nakaupo sa lapag at pinagtitinginan ng mga tao kanina. Pfft." Nagpipigil niya naming tugon. Hindi 'ko na lang siya pinansin at tumigin muli sa paligid.
Strange.
Marami - rami naman ang tao kanina dahil marami din ang mga estyudante at mga nagtratrabahong nagsisipasukan. Pero bakit parang ako lang ang nakakita?
Tsaka 'ko lang din napagtanto na nasa tapat na kami ng pinapasukan naming trabaho. Well yes, kasama 'ko siya sa pinagtra-trabahuhan namin ni Xena, Ang 'Gemina Anima Café'.
"Hoy! Ohh kita mo na, kita mo na nakatulala 'ka na naman diyan. Naku Carah my boo, alam 'ko namang makamandag talaga ang kagwapuhan 'ko! Wag mo nang gawin obvious, masyado 'kang napaghahalata--hoy! Teka naman boo antayin mo 'ko!" Hindi 'ko na siya pinatapos magsalita at dumiretso na agad sa entrance ng café.
Napakadaldal niya talaga kahit kaylangan, isama mo na 'yung ugali niyang kakairita sa pagiging mayabang, sobra!
"Hoy boo, wait lang!" Tumigil ako at hinarap siya saglit. Ugh, the nerve of this guy. Gustong gusto niya talaga akong tinatawag na boo. Sinamaan 'ko na lang siya ng tingin at dumiretso sa staff's room nang makapasok ako sa café.
Ugh, mahirap na mamaya andito pala si boss matanggal pa ako sa trabaho nito ng wala sa oras. Napamura na lang ulit ako ng makita 'ko kung anong oras na sa wall clock ng kwarto.
Dali - dali 'kong binuksan 'yung locker ko at nag-ayos. Tumingin ako sa maliit na salaming nakakabit sa likod ng pinto ng locker 'ko, habang nagba-bun ako ng buhok ay naalala 'ko muli ang itsura ng matandang lalaking iyon. Tinignan 'ko 'yung braso 'ko at nakakagulat na kahit ni isang bakat na kuko ay wala dito.
Weird.
"Carah, nandiyan 'ka ba? Pinapatawag 'ka kasi sakin ni boss eh." Agad 'kong isinara ang pintuan ng locker 'ko at saka mabilis na dumiretso agad sa pintuan.
YOU ARE READING
Her Everlasting Charm
FantasyCarah Evergreen thought that everything was normal and usual. A young lady who struggles to be a working student with many part-time jobs to help her family in financial crisis. But when she suddenly invade and appear on the other world - which she...