**
C H A P T E R 4: Enchanted
All rights reserved © 2016 by
RyllastixGirl"Hindi pa rin siya nagigising, mamamatay na ba ang boo 'ko?"
"Sira, kumalma 'ka nga. Maghintay 'ka lang kasi!"
"Maghintay? Ehh kanina pa siya walang malay! Paano ako kakalma nito?"
"Ano ba hindi naman siya mamamatay! Kita mong nahinga pa 'yung tao ohh--teka umiiyak 'ka ba?!"
"Ehhh kasi bakit ba ayaw niya pang gumising? Magpapakasal pa kami kaya hindi ako pwedeng mabyudo agad! Halikan 'ko kaya?"
"Subukan mo Andrei at sasalubong sayo ang kamao 'ko." Wika 'ko ng maalipungatan ako at maramdaman ang unti unting paglapit ng kumag na 'to sakin. Agad akong bumangon at napagtantong sina Jewel at Andrei pala ang maingay na nagtatalo kanina pa.
"Ehhh boo naman ehh, bakit nagising 'ka agad? Dali higa 'ka ulit tas iki-kiss kita para magising 'ka na!" Tugon naman nito sakin at saka ipinagpilitan na humiga ulit ako sa kama. Sira talaga 'tong isang 'to.
Babatukan 'ko na sana siya ng maunahan ako ni Jewel. "Aray! Bakit 'ka ba namamatok ha? Inaano kita?!" Daing niya at dinaig pa ang bibe sa pagnguso.
"Ehh mukha 'kang tanga eh, kanina lang umiiyak 'ka tas ngayon ang manyak manyak mo na!" Inis na singhal naman pabalik ni Jewel sakanya. Ayan na naman po sila, dinaig pa ang aso't pusa laging nagaaway.
"Ano bang pake mo? Ehh sa mahal 'ko si boo eh, at sakanya lang ako ganito. Alangan naman ikaw ang manyakin 'ko?" Napatigil kami parehas ni Jewel dahil sa mga sinabi niya.
Ugh, kahit kelan talaga napakamanhid ng isang 'to. Alam 'ko naman kasi na matagal ng may gusto si Jewel sakanya, halata naman kasi eh. Ewan 'ko ba diyan kung ilang anesthesia ang tinake nito at napakamanhid.
Hindi na nakasagot si Jewel at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya mula sa pagkagulat. Kitang kita 'ko kung paano gumihit ang sakit sa mga mata niya, at nagiwas na lamang siya ng tingin 'kay Andrei.
"Ehem, dito pa talaga kayo nagtalo sa harap 'ko." I actually don't mind if the both of them are fighting infront of me, sanayan na lang din siguro sa araw araw mo ba namang makasama ang dalawang 'yan sa trabaho, sinong hindi masasanay? Sinabi 'ko lang naman ang mga iyon para mawala ang tensyon sa paligid na unti unting bumabalot sa apat na silid ng kwarto.
"Pasensya na boo, eto kasi ehh. Ano kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"
"Oo nga Carah, mabuti naman at nagising 'ka na."
Nagaalalang sabi nila pero tinignan 'ko lang ang dalawa na may halong pagtataka. Saka 'ko lang napagtanto na hindi pamilyar ang kwarto at kamang hinihigaan 'ko. "N-nasan nga pala tayo?"
Sabay na nagkatinginan ang dalawa at tinignan ako na parang may mali sa sinabi 'ko, "Nasa kwarto kita Carah, ano 'ka ba? Madalas tayo magpunta nina Xena dito, nakalimutan mo na agad?" Automatikong napakunot naman ang noo 'ko sa sinabi ni Jewel. Madalas kami nandito? Pero bakit wala akong matandaan? At tsaka, Xena? Sino naman 'yun, wala akon--"Ahhhhh!"
Napahawak ako sa braso ni Andrei ng maramdaman 'ko ang biglang pagsakit ng ulo 'ko, na tila parang may inuukit na alaala at gumuhit dito ang kakaibang sakit. Hindi 'ko na rin madama ang paghawak sa akin ni Andrei, pati na rin ang mga boses nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/88851575-288-k772696.jpg)
YOU ARE READING
Her Everlasting Charm
FantasiCarah Evergreen thought that everything was normal and usual. A young lady who struggles to be a working student with many part-time jobs to help her family in financial crisis. But when she suddenly invade and appear on the other world - which she...