Chapter 1: The Beginning (part 1)

198 9 14
                                    

**
C H A P T E R  1: The Beginning (part 1)
All rights reserved © 2016 by RyllastixGirl

"T-tulong!" Isang matinis at nakakabinging sigaw kasabay ng malakas na pagkatok nito sa mga bahay na kanyang nadadaanan.

Na parang magigiba na ang buong bahay dahil sa lakas ng pagkalabog nito. Ngunit wala na siyang pakielam, dahil ang gusto niya lamang ay makaligtas mula sa humahabol sakanya.

"T-tulong! Maawa k-kayo, buksan-niyo! Tulungan n-niyo ako!!" Malakas at puno ng takot ang kanyang boses, hindi na mapakali kung saang banda pa siya pupunta para magtago dahil lahat ng kanyang kinakatatok ay para bang walang pakielam, at hindi naririnig ang kanyang pagmamakaawa dahil ni isa ay walang nagbukas at nagpatuloy sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo na lang  para makalayo, kahit natatapilok ito dahil sa taas ng kanyang takong, at hirap mang kumilos dahil sa kanyang masikip na kasuotan na punong puno na ng mga dugo dahil sa natamo nitong mga sugat at galos ay pinilit pa rin niyang tumakbo papalayo sa isang nilalang.

Nilalang na kilala ng lahat bilang isang halimaw, ngunit kakaiba ang halimaw na ito, sapagka't hindi ito nakikita ng mga ordinaryong tao.

Taglay niya ang nakatakot na itsura, payat at kulay itim nitong balat at kasing tangkad ng mga poste ng mga ilaw sa kalsada, mas kinakatakutan ito dahil mayroon itong mahahaba at matutulis na kuko na may taglay na kakaibang lason na siyang ginagamit nila para pumatay ng isang tao.

Hindi niya alam kung saan ito nagmula basta patuloy lang siya sa  paghingi ng tulong, pagsisigaw at pagtakbo. Takbo lang siya ng takbo, lumiliko at tatakbo pa rin sa bawat kalyeng kanyang madaraan.

Unti unti na siyang nawawalan ng pag-asa pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo, dinaig pa nito ang isang kalahok sa labanan ng takbuhan.

Ngunit ramdam niya na ang pagkapagod at pagkahina ng kanyang katawan, unti unti itong naninigas dahil nakalmot siya ng halimaw kanina lamang.

Hanggang sa napahinto siya ng mapagtantong wala na siyang ibang mapupuntahan. Dahil isang mataas na pader na lamang ang kanyang kaharap.

Dead End.

Tumalikod siya muli para sana maghanap pa ng dadaanan ngunit sumalubong naman na sakanya ang kamatayan.

Sobra sobrang sakit ang kanyang nadama ng makaramdam siya ng isang malaking kalmot na bumaon sakanyang harapan, hangga't sa unti unti niyang naramdaman ang pagangat nito sa lupa at nakarinig ng isang nakakapangilabot na unggol ng halimaw.

Labis takot na kanyang nararamdaman, takot dahil alm niyang wala na siyang pag-asang makatakas pa.

Hindi niya malalabanan ang kaaway dahil hindi niya naman ito nakikita. At wala na siyang sapat na lakas para magpumiglas pa, masyado ng nalason ang buo nitong katawan kung kaya't wala na siyang magagawa kundi ang magdasal.

"M-maawa kayo! P-pakawalan niyo ako! P-please wag, w-wag po! Waaaag!" Patuloy ang kanyang pagmamakaawa hanggang sa mapunta siya sa tapat ng bibig ng isang halimaw. Isang malakas na sigaw na lamang ang kanyang huling nagawa at tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa kasabay ng pagtapos ng kanyang buhay.

**

"AHHHHHHHH!"

Nagulat ako at agad na bumangon ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal mula kanino.

"Jusko! Salamat at nagising 'ka na, okay 'ka lang ba Carah?" Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Xena. 'Siya ba ang sumampal sa akin?'

Her Everlasting CharmWhere stories live. Discover now