**
C H A P T E R 3: I'm not normal
All rights reserved © 2016 by RyllastixGirlMalapit na magalas-otso ng gabi, at lahat ay busy sa pagaayos ng pagsara ng café. Malapit na kasi magbukas ang party bar, at marami rami na rin ang mga taong nakapila sa labas.
Napasilip ako kaunti sa labas ng kusina, at nakita 'kong lahat ay may kanya kanyang ginagawa, andito na rin si pinsan kasama si Jewel na abalang nagaayos ng mga lamesa't upuan. Pati na rin ang ibang babaeng kasamahan namin ay tumulong na sa paglinis dito sa unang palapag ng café.
Dalawang palapag kasi ang meron dito, pero hindi kapansin pansin ang isa dahil nasa ibaba ito, kumbaga isang underground floor ang ginaganap ang party bar.
Isinasara na lang namin ang unang palapag at ang tanging daanan lamang papunta sa baba ang bukas. Kaya andun naman si Andrei kasama ang iba pa naming katrabahong lalaki.
At ako? Kasama 'ko si nanay sa kusina. Kami kasi parati ang inaatasan sa pagaayos ng mga pagkain, mapa-drinks man o ano, basta pagkain.
At heto ako ngayon nakatunganga at napatingin na lang sa pagkaing nasa harap 'ko. Hanggang ngayon kasi, andito pa rin 'yung inorder nung lalaki kanina. At hanggang ngayon, hindi 'ko pa rin lubos maisip ang mga naganap kanina.
Hindi 'ko nga alam kung totoo ba lahat 'yun o baka nananaginip na naman ako.Hindi 'ko na rin pa tinanong pa sa iba ang nangyari dahil mas maguguluhan lang naman ako. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala 'ko muli ang mga pangyayari kanina, bakit ganun? Its weird, everything seems so weird. Bakit ba parati na lang?
--
• F L A S H B A C K •Napatigil ako sa paggagawa ng kape ng makarinig ako ng malakas na kalampag sa loob ng opisina ni kalbo.
Binalewala 'ko na lamang iyon dahil madalas na namin 'yan marinig lalo na kapag tumatawa siya ng malakas sa pinapanuod niya o kaya naman ay may pinapagalitan na naman siyang empleyado, tsk.
Pero maya maya pa ay isang malakas na tunog na naman ang narinig 'ko, parang may nabasag na kung ano sa loob. Tinignan 'ko ang mga kasamahan 'ko at na-alarma din sila doon.
Pupunta na sana ako ng hatakin ako ni Andrei at inunahang pumunta dun. "Ako na, boo." Mabilis na sabi niya at saka kumatok, bubuksan niya na sana ito ng biglang malakas na nagsara ang pinto, "LEAVE!" Kasabay ng malakas na pagsigaw nung manyak na kalbo. Tsk, ang sungit talaga nun.
Pinagpatuloy na lamang namin ang pagtra-trabaho at hindi na muling inistorbo ang isang 'yun. Natapos 'ko na ang order nung lalaki kanina kaya naman tumulong na ako sa iba.
"Uy, narinig mo na ba 'yung balita kanina? May namatay daw na babae kagabi!"
"Ano? Talaga? Saan? Sino? Ikwento mo nga!"
"Eto na nga eh, ikukwento na masyadong taeng tae eh! Basta dito lang din daw sa lugar natin 'yun. Hindi kalayuan pero ang sabi pa nila ay halos hindi na makilala ang babae dahil sobrang duguan ito. Hindi lang kasi basta basta mga galos at sugat ang natamo nito, kundi parang sinaksak ng mga kutsilyo yung dibdib at tsaka ang sabi pa daw ay wala na siyang puso at halos kalahati ng katawan niya ay nawawala!"
"Aysus ginoo, sino namang nilalang ang magtatakang gumawa nito? Tao pa ba yan? Wala na siyang awa! Hindi kaya aswang?"
"'Yun na nga eh, ang sabi ng mga kapitbahay ay may naririnig daw silang nasigaw ng halimaw halimaw kagabi!"
"Haruy jusko po! Nakita ba nila ang halima--ay jusko po naman ineng. Ano ba naman 'yang ginawa mo?"
YOU ARE READING
Her Everlasting Charm
FantasyCarah Evergreen thought that everything was normal and usual. A young lady who struggles to be a working student with many part-time jobs to help her family in financial crisis. But when she suddenly invade and appear on the other world - which she...