Chapter 11 *Birthday Surprise!!!*

11K 254 11
                                    

Shirley's POV

1 week na ang nakalipas. 1 linggo na ring hindi nagparamdam sakin si Kent, di man lang siya nagtext, o tumawag. Sunday ngayon, nasa kwarto ko lang ako. Wala kasi akong magawa, si Lauren at si mama may pinuntahan daw. Si Victoria lang ang kasama ko dito sa bahay.

Birthday ko pa naman ngayon, ni hindi man lang ako ginreet ng mama ko, ni Lauren, o ni Victoria. Maski si Kent nga eh. At yun ang pinakamasakit! >.< Ayoko din namang ako pa ang magpa-alala sakanila na birthday ko. Makikiuso na lang din ako sakanila, kunwari di ko din alam kung anong date ngayon..

*BLAG!

Pumasok si Victoria. Napangiti ako, kasi nakaparty hat siya, tapos may hawak siyang cupcake, tapos may sinuot siya saking party hats.

Naalala pala ni Victoria na birthday ko ngayon. Ang saya saya ko :D Atleast may isang taong nakaka-alala ng kaarawan ko. ^____^

Ang laki laki ng ngiti ko nung ilapit niya sakin ang cupcake na may maliit na kandila. Hinipan ko ito.

"Kyaaaah! Alam mo bang birthday ngayon ni Hyoyeon? Yung member ng SNSD. Mwahahahaha~ Magcecelebrate tayo. Birthday niya ngayon! Bias ko yun. Tara kainin natin tong cupcake." sabi niya

Nawala naman ang ngiti ko. Akala ko pa naman naalala niya. Tch, birthday din pala ni Hyoyeon ngayon ng SNSD eh. Leche naman! -_-

"Ok" sabi ko na lang.

Hapon na, andito na si mama at si Lauren. Nasa sala ako ngayon, nanonood ng TV. Si mama at si Lauren nasa may kusina. Nag-uusap at nagkakantahan sila.

"~Happy birthday to you. Happy birthday to you~ Happy birthday, Happy birthday.. Happy birthday to you~" napalingon naman ako kay Lauren saka kay mama.

Napangiti ako.

"Did I sang it right mom?" tanong ni Lauren

Tumango na lang ako habang nakangiti sakanya.

"Yehey! Lola taught me how to sing it. Thanks for listening mom." sabi ni Lauren saka bumalik sa kusina.

Finding the Father of my Baby [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon