Eleventh Lesson : Love celebrates...

1.7K 29 1
                                    

After ng prom, Valentines Day naman.

Syempre dinala ko si Moo sa pinakaspecial na lugar para sa akin…

…sa puntod ng mommy ko.

Yes, wala na siya kaya si Tita, Dr. Imperial, yung nag aasikaso sa akin.

Ngayon lang ako nagdala ng girlfriend sa puntod ni mommy. Kahit si Swayze hindi ko nadala dito dati. Napakaspecial kasi ni mommy saken, parang si Tiffany. Gusto ko magmeet sila. Siguro matutuwa si mommy kung buhay pa siya kasi napakaswerte ko kay Tiffany.

Kumaen kami sa isang Korean Restaurant, request kasi niya yun. Okay naman yung pagkain kaso sobrang anghang. Ibang klase talaga trip ng girlfriend ko eh noh?

Syempre sinurprise ko din siya. Ginamit ko yung mga batang kalye sa Taft para mag-abot ng flowers sa kanya. Wala namang arte tong si Tiff eh saka everything I do, sobrang napapasaya ko siya.

At pinagtinginan lang naman kami ng mga tao.

Instant celebrity kami sa kalsada.

After ng Valentines Day, of course, BIRTHDAY na namin! TWINHEARTS kami remember?!

Sa totoo lang 5 years old palang talaga kami eh since nagcecelebrate kami every 28th, kaya 20 years old na kami. Cute di ba? Soulmate talaga kami.

Nagpunta kami sa bahay nila sa Tagaytay kasama namin doon sila Dom, Jeff, Anthony at KC.

Para kaming may children’s party. Pano ba naman, yung mommy ni Tiff nagrent ng clown. Haha! 5 years old na daw kasi kami.

Oo nga naman.

Pero kung ganito kami lagi tuwing leap year, habang buhay na kaming bata. Hehe.

Nagpafireworks display din kami pagtungtong ng 6PM kasi lagi nilang ginagawa yun pag birthday ni Tiff.

Masaya ako kasi kitang kita sa mata niya na masayang masaya siya.

As I told you, her smile is precious.

I’m really lucky to have this girl. Feel ko, siya yung kapalit ng mommy ko. Napakacaring niya kasi, mabait, hindi maarte, hindi maselan, makulit, maganda, minsan nga lang napaka slow nya gumets. Hehe natural na ata yun sa kanya.

Isang buwan na ang lumipas at March na!

4th YEAR NA KO! Haha! Sa wakas!!!

Sobrang salamat talaga kay TIFFANY ISHII kasi kung hindi ko siya nakilala, hindi ako magiging ganito kaswerte sa buhay.

Para siyang rainbow, Dahil sa kanya nagkaron ng kulay ang buhay ko.

Hindi doon natapos ang saya namin. Mas lalo naming chinerish ang bawat isa at sana wag na matapos ito. Wala na akong ibang mahihiling pa.

Ayoko na matapos yung panahong ito. Sana habangbuhay na. Hindi ko na ata kakayaning mawala sa akin si Tiffany. Siya na ang buhay ko.

Lord, simula ngayon magdadasal na ako…

Salamat sa lahat ng biyaya mo. Salamat kay

Tiffany. Wag mo hayaang mawala siya sa akin.

Just let me take care of her and love her forever.

 

 

I guess, this prayer is really my sincerest prayer ever.

I love her.

I can’t say anything except, I LOVE HER.

I AM IN LOVE WITH MY TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon