• c h a p t e r 4 •

1.9K 91 20
                                    

{ m a y m a y }

Nagising ako sa sunod sunod na tunog mula sa cellphone ko. Nakatulog pala ako sa sobrang pagod. Dumiretso na kasi ako sa condo pag katapos naming manuod ng game ni Kristine at kumain sa Sambokojin. Hahatid ko pa sana si Kisses sa Makati kaso inunahan na agad ako ni Mamang. Napatingin ako sa relo, 10:30PM na. Sino naman kaya ang text ng text sakin nang ganitong oras?

I quickly grabbed my phone at napa-buntong hininga na naman ako.

Hate tweets are flooding my screen.

@mayxhaterx
Wtf para kang linta @marydaleentrata wag ka nang lumapit kay Edo!

@MayWardOFC
Wahh! Nabuhay ulit ang MayWard Heart ko.

MAYWARD MulingIbalikAngTamisNgPagibig

At isang katerbang text messages at missed calls galing kila Kisses, Christian, Yong, Mama Ludy, Mama Lorna, Marco at Tito Boy

49 messages
28 missed calls from Kisses
10 missed calls from Yong
9 missed calls from Mama Lorna
8 missed calls from Christian
5 missed calls from Marco
2 missed calls from Tito Boy

1 missed call from unknown number.

Actually, normal na to. Sanay na ako sa bashers at sa hate tweets. Simula noong lumabas ako sa bahay ni Kuya, almusal, tanghalian, hapunan pati siguro miryenda ko na ang mga hate tweets.

Kagaya nga nang sinabi ni Tito Kevin, you cannot please everybody kaya dapat wag nalang daw pansinin. As long as my heart is pure and my conscience is clean at wala akong tinatapakan at sinisirang tao, that would be fine.

Si-nwipe ko nalang yung mga hate tweets sa screen ko. Wala akong panahong basahin ang lahat for sure naman kasi, isisisi na naman nila lahat sakin. Lagi naman.

Di ko na nga alam kung san lulugar. Lagi nalang bawat gawin ko may mali. Kaya mas pinili ko pang mag stop sa showbiz e, kase Nagkaroon din ako ng peaceful life.

Binuksan ko yung inbox ko, finlood ako ni kisses ng text at nang iba ko pang mga kaibigan. Mukang nabalitaan na nila yung mga hate tweets at alalang alala sila.

My Kisses
'Te May! Are you okay? Don't read tweets ha. Don't worry inaaway ko lahat ng bashers mo. Wala silang puso! Pupunta ako diyan tomorrow. Don't be sad ha. I love you te may!

Yongskiee
Grabe bai, yung mga haters mo! Upakan na natin ano?! Alam kong kaya mo yan Te May! Andito lang ako for u! Payt payt payt!

Mamang
Te May, sabi ko sa'yo e. May spark pa talaga kayo ni Edward kaya nababaliw ang twitter world. Ayiieee!

Napasimangot ako sa text ni Christian, siguro nag viral yung picture namin kasama ng isang fans kaya pinuputakte na naman ako ng hate tweets.

Binuksan ko yung twitter ko at grabe nga naman, umuulan ng mga nag su-support at syempre mga nang ba-bash.

I kept on scrolling hanggang makita ko yung isang picture na kinahulog ng puso ko.

Yung picture namin ni Edward kasama ni Ericka kanina. Yung napatingin ako sa kanya kasi inakbayan niya ako at ganun din siya sakin.

Pero teka, sabi ni Yong blurd. E mukang HD pa! Saka halatang inusod ni Yong yung pagka-kuha dahil kaming dalawa lang ni Ed ang nasa frame at kalati lang si Ericka.

That sneaky boy!

Dali dali kong binuksan yung inbox ko para itext si Yong, loko talaga yon. Grabe bai.

Pero isang unknown number ang napansin ko na nagtext sakin.

+639 **** ***
Maymay.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa text at si Edward ang unang pumasok sa isip ko.

Me And You, We Are Really Destined Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon