• c h a p t e r 3 •

2K 89 19
                                    

{ m a y m a y }

Biglang may lumapit sa aming mga fans kaya napalingon sa kanan si Edward habang ako ay naiwang nakatitig sa kanya.

Ano daw?

Na-miss daw niya ako?

Palihim akong ngumiti, di mo lang alam Edward kung mas gano kita na-miss.

"Wow Mayward!"

Bigla akong napalingon sa isang babaeng fan na lumapit sa gilid ko. Kitang kita ko kung gano siya kasaya.

"Hi MayMay. Hi Edward! I'm Ericka! Number one fan ng Mayward! Sobrang gustong gusto ko yung mga teleserye nyo!"

"Thank you."

Tumayo ako at niyakap siya. I'm always grateful to our fans. Simula noon hanggang ngayon na wala na ang Mayward.

"Pwede bang mag-pa pic sa inyo? Sige na please Edward."

Bago pa ako makareact kay Ericka, isang mabilis na "sure" na ang nasabi ni Edward. Napaisip din naman ako kung tatangihan ko siya, baka ma-disappoint naman si Ericka kaya napapayag naman din ako.

Tumayo si Ed at pumunta sa side kung asaan kami ni Ericka. Well, kanya kanyang entertain ng fans yung mga kasama namin pero isang mainit na titig ang nararamdaman ko mula kay Heaven.

Nilabas ni Ericka yung cellphone niya para mag selfie. I'm expecting na ipapagitna namin siya ni Ed like what we used to during picture taking with fans pero ang ginawa ni Ericka ay hinaltak si Edward at pinagitna saming dalawa.

Bigla akong nakaramdam nang kakaibang kuryente na dumaloy sa akin ng magtama ang balat namin ni Ed. Hanggang ngayon iba padin ang tama ko sa kanya.

Ericka was trying hard to take a decent photo of us kaso nangangatog siya. Siguro dahil sa kaba o excitement? Sakto namang napatingin sa amin si Yong at kinuha yung cellphone ni Ericka para picturan kami.

"Oh game.. 1.. 2 .. grabe bai, mayward! 3"

Bago pa mapindot ni Yong yung camera, naramdaman ko na yung akbay sakin ni Edward kaya ako napatingin sa kanya at ganun din siya sakin.

Dug dug.. dug dug..

"Ay ay, blurd! Isa pa."

Tinignan ko ng masama si Yong at inalis na din ni Edward yung kamay nya sa balikat ko sa halip ay si Ericka nalang ang inakbayan niya.

"Okay.. one.. two.. smile!"

First picture after one year. Di ko ine-expect na ganito ang mangyayare sa unang pagkikita namin.

"Grabe! Thank you talaga Maymay! Thank you Edward! Wala ba kayong bagong teleserye? My gosh! Miss na miss na kayo ng boong Mayward Fandom!"

"Uhh.."

"Actually, Me and Edward are going to have a new teleserye, not them." Singit ni Heaven sa pagitan namin ni Ed.

Sumama ang muka ni Ericka at tumaas ang kilay niya, ganun din si Heaven sa kanya. I could feel the tension between them.

"Oh.. ganun ba?" Lumingon si Ericka kay Edward, "oh well, alis na ako.. thank you ha."

Muli siyang bumeso samin ni Edward at inirapan si Heaven. Muka naman palaban din itong si Heaven dahil tinaas niya pang muli ang kilay niya sabay murmuring of words I can't even understand.

Pabalik balik ang tingin ko sa kanila, habang si Edward mukang oblivious sa nangyare.

Ngumiti ulit si Ericka at umalis na, kasabay ng iba pang fans na lumapit sa mga kasama namin.

Me And You, We Are Really Destined Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon