• c h a p t e r 9 •

1.7K 74 39
                                    

{ m a y m a y }

"Good morning 'Te May!" Sigaw ni Kisses pagkapasok niya sa kwarto ko. Ang aga aga ang hyper ng batang to.

"Ate May gising na.."

Dahan dahan niya akong inuuga habang nakatalukbong naman ako ng kumot. Ang kulit talaga! Ang aga aga!

"Ano ba Kisses, inaantok pa ako.."

Pero hindi siya natinag. Mas lalo niya pa akong inuga at hinaltak ang kumot na nakabalot sa akin.

" Ate gising na!"

Tinignan ko siya ng masama. As usual, ngiting ngiti na naman siya.

"Ate, hulaan mo kung anong araw ngayon.."

Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer at tinignan ang date. "Wednesday."

"Oo pero anong meron ngayon sa araw na to!"

Umupo ako sa kama at tumabi naman si Kisses sa akin.

"Bonifacio day?"

Umiling siya.

"Rizal day?"

Umiling ulit.

"Ah! Lapulapu day!"

"Ate MAAAYYY!"

Tumawa ako ng tumawa nang makita ko yung muka niya. Para siyang galit na siopao. Ang cute!

"Oo na, Aguinaldo day."

Hinampas na ako ng unan ni Kisses sa sobrang inis niya. Aray ha!

"Ano ba Kiss! Ang aga aga!"

Nakipag wrestling pa sa akin si Kisses. Ano bang poblema nito? Ano ba meron ngayon?

"Ate Maaay!"

Tumayo nalang at nag stretching. Di ako na-inform maaga pala ang showing ng WWE at saka ano bang meron ngayon at nababaliw siya?

"Oy, bakit ka umiiyak diyan?"

"Kasi naman ate." *sniff*

"Grabe siya oh, di na mabiro. Tara nga dito."

Lumapit naman kaagad sakin si Kisses at niyakap ko siya. "Happy Birthday, Kisses. Happy Birthday sa pinaka generous, mabait, caring, sweet at pinaka cute na siopao sa boong universe! Kahit ilang beses ko na sabihin to sa'yo, hinding hindi ako magsasawang pasalamatan ang Diyos dahil nakilala ko ang isang tulad mo. Nag iisa ka lang sa buhay ko."

Lalong humagulgol si Kisses dahil sa message ko kaya di ko na din napigilan ang maiyak. Sobrang sobrang mahalaga sakin si Kisses. Kalahati ng buhay ko, siya ang kasama ko. Marami siyang bagay na tinuro sakin at hinding hindi ako magsasawang pasalamatan siya.

"Ipikit mo yung mga mata mo."

Nag pout siya sakin habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya. We both remember our days inside the PBB House. Yung nagbigay siya ng message sakin sa loob ng girls bedroom.

"Sige na, pikit na."

Sumunod naman si Kisses kaya kinuha ko yung regalo sa ilalim ng kama ko.

"Ganyan din kadilim ang buhay ko kapag wala ka."

Inabot ko yung regalo ko pagka-bukas na pagkabukas ng mata niya. Maghalong saya at gulat ang nag register sa muka niya.

"Woah, Ate May! What's this?"

"Buksan mo na. I know you have all the things in the world, pero yang regalo ko? Nag iisa lang yan."

Umupo kaming dalawa ni Kisses sa kama at binuksan na niya yung regalo.

Me And You, We Are Really Destined Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon