Shelster Special Chapter Part 2

165 4 0
                                    

"Oh Eh bat napadaan kayo dito?" sabi ko kay Lester. Kasi ang aga pa eh. Eh galing pa silang San Pedro, mejo malayo yun ah.

Sinabayan ko sya maglakad papunta sa sala namin. At sumunod nalang yung iba samin habang nag uusap kami. "Napag isipan ko kasi na magswimming kasi ang init ngayon. Kaya ayun, eh natandaan ni Kath na dito din sa Calamba resthouse niyo." 

"Ha? Diba first time nyo pumunta dito? Pano nyo nalaman exact location nitong resthouse namin? Eh hindi din naman alam ni Kath." Sunod Sunod ko namang tanong kay Lester. Nakita ko namang pumasok na yung iba at may nakita akong isang babae na hindi ko naman kilala. 

"Eh kas--" Magsasalita palang si Megaface siningitan ko na sya.

"Sino yun??" Sabay turo ko dun sa babaeng kasama nila. Maganda yung babae. Mala-Anghel yung mukha. Tapos mejo matangkad pa saken. Naka white na dress pa. Odiba parang anghel talaga? Kinabog ganda ko -_-

"Ah yun. Kababata ko yun. Si Julienne. Bumisita kasi siya sa bahay namin kaya sinama ko na siya." Tapos tiningnan ko lang yung Julienne ba yun? 

"Ah eh yun na nga. Nagtanong tanong lang kami jan sa paligid kung san tong resthouse nyo:) Mejo ilang beses nga kami nawala eh xD hehe" Dagdag pa niya. Kaya nabalik ko tingin ko sakanya. Umupo na kami sa sala at hinihintay pa namin yung iba. nakikipagkilala pa ata yung tatlosa kababata ni Megaface. Mukha namang mabait eh. Chaka halatang madaling makasama kasi nakikipagtawaan na sila Gabby sakanya. Eh hindi naman ganyan yan sila Gabby pag may bagong nakikilala. Hehe.

Pumunta nadin sila dito sa sala. Lumapit sakin si kababata ni Megaface.

"Uhm Hello po . Good Morning. Julienne po pala:) You can call me yenne po" Andami nitong sinabi pede namang 'Hi, Yenne' arte eh. Haha ang hater ko :p Inabot nya kamay niya kaya nakipagshake hands nalang ako kahit mejo plastic. Plasticities. Haha.

Magkatabi kami ngayon ni Lester at tinitingnan kami nila Kath. Hmm o.O

"Uhm?" Tiningnan ko sila with matching taas ng kilay and tanong nun. Umupo sa kabilang gilid ni Lester si Yenne. Tas biglang nagtinginan tong mga to at tumawa ng mahina. Ano ba kase yon??

"Anong meron ba?" Tanong ko ulet. Walang sumasagot -_- Parang kinakausap ko sarili ko.

"Tara na nga!" Sabi ni Lester sabay tayo. Ano ba toooo. kaasar ah. May tinatago tong mga to saken. Nakakaasar! Ayaw pa sabihin eh. Nagtayuan na sila at ako na lang natirang nakaupo. Niyaya nako ni Kath na tumayo para umalis na.

"Ano ba kasing meron??" Tanong ko kay Kath sabay tayo nadin.

"Wala yun. Ano ka ba." Sabi niya tapos naglakad na kami palabas at dumerecho na sa kotse. 

Sa harap si Lester, nagdadrive sa harap din si Katsumi. Sa gitna, ako, si Seth, pati si Niña. Tas sa likod yung lima. Si Gabby, Annika, Kath, Julia, Yenne. 

Ang ingay nila sa likod. Tawanan ng tawanan. ano bang nangyayari dun?

"Ano meron? Bat ang ingay nyo?" Tanong ko sa kanila. Nagtuloy tuloy padin sila sa pagtawa.

"Nagkekwento kasi si Yenne tungkol nung mga bata pa sila ni Lester HAHAHA" Sumagot naman si Anikka tas tumawa ulet -___- Weirdo. 

Tiningnan ko si Lester at napansin kong tumingin sa rear view. Namumula. Siguro feel nyang mga kabalastugan nilang ginawa yun nung kabataan.

Lester's POV 

Ano ba to si Yenne kung ano ano pinagkekwento dun sa mga babae na yon. Nakakahiya! Tulad nung isang beses mga 5 years old ata kami nun ni Yenne. Gabing gabi na tas kumuha ako ng tubig sa ref. Pagkatalikod ko nakamaskara si Yenne na nakakatakot naihi ako sa shorts ko tas umiyak -_- tssssss. kahiyaaa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slow-Mo and Fast Forward :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon