Group Meeting Part 2

340 6 3
                                    

Thank you po sa pag-add ng HTYK sa reading list nyo, mga nagcomment !!

Many thanks to JebMontalban, PiaAngelareao, JeaineSubiate, dagawin, edbelles, mahinaymichelle, klainezz, angelinecamaeQB, JennyMecida, maritoniconcepion, Drizzlebitz, ivygrace23, Hanna chua2121, Marhamil, zpaskook and rosiechickspol!! (^-^)

Meron ba akong di nabangkit? Just pm me, and kung may wrong spelling, sorry po.. correct me na lang.

Eto na next chapter,!1


Diane's POV

Saturday

Katulad ng pinlano, ngayon ang araw ng paggawa namin ng project, ewan ko lang kung project ba talaga ang gagawin, I know James, hindi yun pumapayag na pumupunta  ang ibang tao sa bahay niya, lalo na mga clasmate namin, pwera na lang kung mga kaibigan niya. Ayaw kasi niyang naiistorbo. Bahala na, tutal grades naman namin ang nakasalalay dito, go go lang, madami naman kami.

Alas otso pa lang naman ng umaga, ang usapan ay alas-nuebe, kaya pwede pa kong maligo, may isang oras pa naman. Dali-dali nakong naligo para di ako malate,, kalahating oras pa kasi ang byahe papunta kina James, nasa isang subdivision din siya nakatira, katulad ng sa akin, hindi ka makakapasok kung wala kang kakilalang nakatira sa loob.

Nag-tshirt lang ako ng black at shorts na medyo mahabang konti, di ko na tinignan ang sarili ko sa salamin at di na rin ako nag-abalang magmake-pa, tutal project lang naman ang gagawin, di naman gogo-rabels, haha, 

Nagdrive na ko palabas ng subdivision, buti hindi trafic kaya agad akong nakarating, pagdating sa entrance, sinabi ko lang ang pangalan ko sa guard at nagdial lang siya sa telepono , pagkatapos ay tinanguan lang niya ang tagabukas ng gate.

Daretso ko ng pinaharurot ang kotse ko, medyo alam ko pa naman ang mga paliko likong kanto dito, isa o dalawang beses pa lang akong nakarating dito, dahil ayoko sumasama kay James, kung hindi lang siya kaibigan ni ate, hindi ako magtitiwala sa kanya.

Pagkatapos ng ilang liko,  nakita ko na ang isang malaking gate na kulay itim, bumusina ako at agad namang binuksan ng isang lalake ang gate, pagpasok ay agad mong makikita ang malaking hardin, siguro hardin ito ng mama niya, di naman mahilig sa ganitong disenyo si James, gusto noon mala architect ang itsura ng bahay niya, yung tipong stiff neck ka sa design. May ilang kotse na din ang nakaparada, siguro nandito na yung ibang klasmate namin.

Agad na kong bumaba ng kotse, pagpasok ko sa loob, nakita ko agad si James na nasa isang sulok, may kausap sa phone, kinatok ko ang gilid ng pinto para marinig niya ko. Agad naman siyang humarap, pagtingin sa akin agad siyang ngumiti, weird talaga niya, parang gusto kong umiwas sa tingin niya, nasa'n na ba kasi yung mga klasmate ko? bat si James lang andito"?

Narinig kong nagpaalam na siya sa kausap niya at dahan dahang lumapit sa kin.

"Hey, aga mo ah, Good Morning pala, you look really hot today lalo na gulo gulo yang buhok, are you trying to seduce me? " sabi niya habang hinahawakan ang ilang hibla ng buhok ko.

"Ofcourse not, di na ko nag-abalang mag-ayos, tutal project lang naman ang gagawin natin. Nasan na yung iba? "tanong ko, medyo lumayo ako ng konti  "Gusto ko ng tubig, meron ba sa fridge mo?" Pag-iiba ko ng usapan, ang totoo nauuhaw talaga ako, parang nag-init yata ang buong katawan ko sa titig pa lang niya. Parang iba yata, dapat kay Charlie ako makaramdam ng ganitong damdamin, pero ewan ang weird ah.

"Hmmm,," sagot  naman niya  "Meron diyan ,sandali pangunguha kita ng baso," agad naman niyang binuksan ang isang cabinet at kumuha siya ng baso doon.

"Thanks" sabi ko na lang nung inabot niya sa kin ang baso at siya na mismo ang nagsalin dito.

"Nasan na sila? Maaga ba kong masyado? Di ba 9am ang usapan?" sunod-sunod na tanong ko. Nakatitig lang siya sakin, umiwas uit ako ng tingin.

Harder than You KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon