Hi guyz namiss ko pagtatype.. hahaha, I'm Back!!!
Thanks glorycute for adding my story in your reading list!
________________________________________________________________________________
Cess' Pov
"You?" sabi ko medyo napalakas ng konti
"Yes, it's me, kumusta?" pagkasabi niya ay dahan dahan siyang lumapit sa 'kin
"Anung kailangan mo?" tanong ko, medyo bumubwelo na ko paurong sa kotse ko.
"Wala naman akong kailangan sa 'yo, baka ikaw ang may kailangan sa kin"and he smirk.
Gago na 'to, bakit siya nakangiti ng patagilid. Sa isip ko lang yan, di ko masabi sa kanya.
"Wala akong alam na ipinakiusap sa 'yo." sagot ko naman
"Balita ko umuwi na ang kuya mo, one of my friend is with his gang kaya alam ko"
"And?" pagpapatuloy ko, sigurado may kasunod eh.
"And your still with Lexy?"
"I broke up with her, pero wag mo na siyang pakikialaman, talagang makakalaban mo na ko" pagbabanta ko sa kanya.
"Look who's talking, una kong naging girlfriend si Lexy, pero di ko akalaing papatol siya sa babae, kaya pala ayaw niyang sumiping sa 'kin kasi babae ang gusto niya"
"Bastard" sabi ko na lang, ayokong pag-usapan si Lexy ngayon lalo na sa harap ng lalaking 'to.
Una nga niyang naging gf si Lexy, pero sinasaktan lang niya to, nakilala ko si Lexy sa isang hotel, noong pagkalabas ng kwarto, dumaan ako sa likod para makatakas din sa body guard na binigay ni kuya noon, pero nakita ko sa kabilang side na parang may nag-aaway. Nilapitan ko sila, matapang ako eh, haha. Nakita kong sinampal ng kumag na 'to si Lexy na hindi ko pa kilala noon. Ang dahilan pala ay pilit na niyaya ng kumag na 'to sa loob ng kwarto si Lexy, ayaw pumayag ng isa, kaya ayun sinampal niya. Pumagitna ako sa kanila and I kick his sweet balls, ayun namilipit siya sa sakit at napahiga . Dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Lexy at dumiretso kami sa loob ng kwarto ko.. At pagpasok e tumawag na ko ng security guard sa baba para mapaalis si Kumag, ako naman hindi na nakatakas sa body guard ni kuya, pero atleast nameet ko si Lexy at kasama ko siya sa kwarto ko. Pero syempre wala pang nangyari noon, kasi nga di ko pa siya ganun kakilala, Pero unang tingin pa lang sa kanya ay nagandahan na ko. And the rest was history.
"Maaari kong ibunyag ang namagitan sa inyo" patuloy pa niya, bigla akong bumalik sa kasalukuyan
"Ganun ba, diyan tayo may problema niyan, ayaw mo namang mapatalsik ng bansa hindi ba?" this time, ako ang napangiti.
"What do you mean?" biglang nag-iba ang expression niya
Akala niya siya lang ang may alas, alam na alam ko ang baho nito pati nunal sa talampakan alam ko dahil magaling ang detective ko. Illegal allien ang gagong to, magaling lang ang resbak niya kaya hindi pa siya pinapaalis ng bansa. Tignan ko lang kung makahirit pa 'to pag kinausap ko na ang friend ng papa ko. Hahaha
" Alam kong half pinoy ka lang, at may problema sa sarili mong bansa, ayaw mo namang mapatalsik dito at harapin ang kaso mo sa iyong bansa?" dugtong ko.
"This is blackmail" sabi niya
"Was it? Ikaw ang nagsimula, sinundan ko lang, anyway kung wala ka ng alam pang sabihin, paki tabi na lang yang sasakyan mo, baka masagasaan ko, paharang harang kasi."
BINABASA MO ANG
Harder than You Know
De TodoStory ng magkapatid na sina Princess and Dianne,,,a little bit true story Almost perfect na sana ang life nina Cess and Dianne...ang kaso nga lang madaming asungot---->boys(so hot and gorgeous).. na umaaligid sa kanila.....