Bagong kaklase

35 1 0
                                    

Nagsitahimik ang lahat ng pumasok na ang aming prof! Si sir regalado. Lahat kami takot Sa kanya dahil bukod Sa nakakatakot talaga ang itsura nito ay  masungit pa talaga.

Pero may kakaiba sa kanya today, dati kasi pagpasok pa lang niya nagsstart na sya ng lesson pero ngayon nagkandahulog hulog na ang dala niyang gamit  halata sa mukha nito ang takot.

Hmmm class Simula ngayon may bago kayong makakasama, please come in.

Doon ko lang napansin na may kasama pala siya. Kapansin pansin din sa paligid ang tensyon maging si Cass. Muli kong tiningnan ang bagong dating.

Saan ko nga ba siya nakita? Pamilyar kasi ang mukha niya.

Si Mr. Renz Acosta siya ang bago ninyong kaklase.Hmm Let me see kung saan ka pwedeng maupo.

Infairness gwapo ha! Napatawa naman ako sa naisip ko. Hindi ako madaling mamuri ng ibang Tao pero ang isang ito iba sya.

Siguro mga 5/8 sya,maliit at neat tingnan ang maitim niyang buhok. Ang kilay niyang makakapal,ang hugis ng mukha niya kahit saang angulo mo tingnan perpekto, ang mamulamula at may kanipisang labi parang kaysarap mahalikan nito.

Kay mis Dimatibag kang tabi umupo.

Dahil sa tinuran ni sir regalado natigil ang pag dedayDreaming ko napatingin ako ng daretso Sa mga mata niya, noon ko lang napansin na nakatingin na rin pala ito sa akin.

Ang kanyang mga mata maiitim ito pero mapupungay parang ang sarap lang titigan.

Tapos ka na bang titigan ako?

Ha? Dahil sa nabigla ako hindi ko namalayang na sa harap ko na pala siya iyon lang ang nasabi ko.

Anong ha? Bag mo ba ito? Pwede bang pakitanggal at uupo ako!inis nasabi nito.

Mukha namang natauhan ako doon.

Grabe ha! Gwapo nga ang sama naman ng ugali. Halos mabali ata ang litid ko Sa leeg dahil sa inis.

May sinasabi ka ba? Paasik nito sa akin.

Wala! Binalewala ko na lang ang panget na lalaking ito kesa madala ako sa clinic dahil sa hypertension.

Nagtuloy na din naman si sir. Regalado sa pagtuturo, Pero napasulyap ako sa katabi ko na ngayon baka nasa mars na dahil Sa himbing ng tulog.

Natapos ang klase at ang lahat ay pumunta na Sa canteen.Naiwan ang panget na iyon sa room, buti nga Sa kanya wala rin naman nagtangkang gisingin iyon.

......................

Dess kamusta ka naman? Tanong ni Cass habang pumipila kami sa canteen.

Ok naman ako!

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Hmmmm sapalagay ko nga OK ka naman. Kompleto pa naman ang bahagi ng katawan mo.

Ha?ano bang pinagsasabi mo dyan? Gutom ka na nga siguro!ate pakibigyan nga ito ng maraming sabaw mukhang gutom na gutom ei.

Ay kalabaw!

Pagharap ko lang naman muntik ng matapon ang pagkain ko dahil Sa lalaking bumunggo sa akin.

Sinong kalabaw ha? Halos matanggal ang tutuli ko sa tenga sa lakas ng pagsigaw nito.

At dahil maliit na lang ang pasencya ko Hindi na ako nakapagtimpi, sumusobra na ang panget na ito.

Sino pa ba kung Hindi ikaw, hindi mo ba nakikita na doon ang pila, sabay turo ko sa kanya hindi dito Mr. Acosta.

Unang una sa lahat wag mo akong tuturuan dahil alam ko ang doon at ang dito hindi ako tanga at panget na kagaya mo!sabay tulak nito sa akin.

Buti na lang at hindi natapon ang dala ko at hindi rin ako natumba nasalikod ko kasi si Cass!

Hoy lalaking mukhang demonyo! Ikaw.....

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi tinakpan ni cass ang bibig ko..

Anong sabi mo ha sinong demonyo ha?

Ah pasensya na kayo, ako na ang humihingi ng sorry.

Ano ba Cass bakit ka hihingi ng sorry sa gag...hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi kinaladkad na ako ni cass palabas ng canteen.

Bad Boy Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon