Ang Demonyo

12 0 0
                                    

Para akong magnanakaw na takot mahuli,baka kasi makasalubong ko ang demonyong iyon.

Kailangang magingat! Cass asan ka na. Kung kelan kita mas kailangan saka ka wala. Kailangan ko ng magmadali 15mins na lang mag start na ang klase.

Bahala na.

Singbilis ng kidlat na tinakbo ko ang hallway.

Yes malapit na ako!

Papaliko na sana ako ng mabangga ako sa isang matigas na bagay.. Bagay nga ba o dibdib ng tao.

Dahil sa lakas ng impact paupo akong bumagsak Sa sahig.

Array ko ang sakit ng pwet ko! Hihilot hilot akong tumayo. Para akong mauubusan ng hangin ng mapagtanto ko kung sino ang nabangga ko.

Si renz at ang tropa niya.

Pasensya na di ko sinasadya! Aalis na sana ako ng hilahin ng kung sino ang collar ng damit ko. Pagtingin ko si renz pala.

Patay!

Pakiulit nga ng sinabi mo? Halata sa tono nito ang pangaasar.

Bwiset ka kung Hindi ko lang mahal ang buhay ko!

Pasensya na hindi ko sinasadya!nakatungo akong humingi ng sorry Sa demonyong to.

Narinig ko namang nagtawanan ang mga kasama ni renz.

Oi si ms. Sungit hindi na nagsusungit! Hahaha

Baka inlab na kay renz!

Tawanan na naman sila..

Halos masuka naman ako sa narinig ko..

Ako magkakagusto Sa lalaking iyan? Over my dead sexy body!

Tigilan na ninyo si ms.sungit at baka makaiyak pa..

Naramdaman ko na namang binitiwan na ni renz ang damit ko,Kaya tumakbo na ako papasok ng classroom.

Mamatay na ata ako!

Lumapit agad ako Kay Cass.

O bakit ang putla mo para kang uminom ng suka?
Ah Trish di ba gusto mo sa upuan ko? Gusto mo ba palit tayo? Doon kana muna!

Oo ba! Sabay alis nito.

Sabi ko na hindi ako magdadalwang isip na pakiusap ito ei.

Ano bang nangyayari sayo?

Sasagot na sana ako,kaso pumasok na ang demonyo este si renz pala. Napansin Kong pagtingin niya sa upuan ko kumunot bigla ang noo nito.Naging malikot  bigla ang mata nito at presto tama nga ang hinala ko ako nga ang hinahanap. Anong binabalak ng lalaking ito at papunta rito.

Alis!

Tatayo na sana ang lalaking katabi ko ng pigilan ko siya.

Ah renz doon ka na lang may nakaupo na dito ei.

Ngumisi lang si renz at walang kahirap hirap na naiangat ang lalaki sa upuan at naitulak palayo.

O bag mo! Sabay hagis sa lalaki.

Ano bang ginagawa mo? May inis para Kay renz at awa para sa lalaking napahamak dahil sa kanya.

Sabi mo kasi kanina may nakaupo, wala naman akong nakita!parang walang nangyaring naupo ito.

Gustong gusto ko na siyang sakalin pero nagtimpi na lang ako! Mahal ko pa ang buhay ko noh!

Bad Boy Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon