Hipon encounter

19 0 0
                                    

Hindi ko alam pero parang may kakaibang mangyayari ngayong araw na ito.

Bakit kaya ako kinakabahan? Mukhang tahimik naman!

Pero di ba sabi nga mas matakot ka pag tahimik ang lahat.

Nagsimula akong maglakad sa pasilyo para sana pumunta na sa unang klase ko ng madaanan ko ang grupo nina renz.

Ang walang hiyang lalaki sa public pa nakikipaglampungan at ang hitad na babae mukhang sarap na sarap pa.

Kasama rin pala nila ang manyak na si kai,si zach naman ayun parang may sariling mundo habang nakikinig ng  musika sa cp nya.

Hi rooftop girl!

Ang manyak na si kai ang bumati sa akin. Manyak talaga kasi nakuha pa akong kindatan habang may dalawang babaeng humahalik sa kanya.

Kadiri talaga ang isang to. Irapan ko nga.

Paalis na sana ako ng tawagin ako ng babaeng kahalikan ni renz..
Hey Rooftop girl? So baduy naman!

At nagtawanan na nga ang mga babaeng harot.

Hindi ba siya iyong girl na kasama mo kahapon renz? Tanong naman nung kasama ni kai.

Ah siya ba yon?

Tingnan ba naman ako mula ulo hanggang paa.

So tama pala ang nakarating na balita sa akin, hindi ka naman pala talaga maganda!

Hey renz! Where did you get that girl ba? Ei mas pretty pa si steph dyan ei.

Yes babe saan mo ba nakuha ang babaeng ito?

Babe mo mukha mo. Hindi naman siya pinansin ni renz.

Buti nga sayo may pa babe babe ka pa wahaha..

Hoy babae dont you dare na lumapit pa kay renz,hindi ka bagay sa kanya.

At sinong bagay sa kanya ikaw,ei mukha ka ngang hipon.

Hindi ko namalayang napangiti pala ako sa naisip ko.

Why are you smiling slut?

Para akong sasabog sa narinig ko itawag mo ng lahat sa akin wag lang ang salitang iyon dahil hindi ako cheap na tulad nila.

Ano pa tinatanga tanga mo diyan,umalis kana nga! Inis na baling nito sa akin.

Tinawag tawag mo ko tapos sasabihan mo ako ng tanga, sino kaya sa ating ang mukhang tanga.

Ang babaeng ito bagay nga silang magsama ni renz parehas silang may topak.

What did you say?

Hindi ko akalaing ang babaeng tulad mo na hindi naman kagandahan ay bukod sa tanga ay bingi rin pala!

Wala na akong pakialam kahit pagtinginan na kami sumusobra na ang babaeng ito.

Ano? How dare you?

Steph hindi ka yata kilala ng babaeng iyan ah!

Lumapit na rin sa akin ang iba pang babaeng kalampungan ni kai.

Tumingin naman ako kay renz pero parang wala itong pakialam na nilalaro lang ang libro na hawak niya.

Hoy lalaki hindi mo ba ako tutulungan, wala ka talagang kwenta.

Akala mo ba tutulungan ka ni renz, nanaginip ka ata babae ka!

Pwede ba hindi ko kailangan ng tulong ng lalaking iyan, magsama kayo parehas kayong may sira ang ulo.

Abat sumasagot ka pa!

Napapikit na lang ako ng makita kung papalipad na ang mga kamay ng babaeng hipon sa akin, pero ilang segundo pa walang galamay ng hipon ang tumama sa maganda kung mukha. No choice ako kundi ang magmulat.

Si zach pigil niya ang kamay ng hipon.

Bitiwan mo ko zach,  wag kang makialam dito tuturuan ko ng leksyon ang mayabang na babaeng yan!

Makikialam ako kung kailan KO gusto,kai isama mo na nga itong babae mo.

Tatawa tawa namang hinila ni kai ang dalawang babaeng kalampungan niya.

Steph kumpara sayo mas matino naman si rooftop girl kaya umayos ka.

Nagulat ako sa sinabi ni zach, mabait talaga siya kumpara sa dalawa niyang kasama bakit ba napasama ang tulad niya sa mag ito.

Whatever zach! Umalis na ito at hinabol ang papalayong si renz, hindi man lang nagpaalam.

Pasensya kana sa mga iyon. Pero magiingat ka sa mga iyon.

Salamat!

Wala iyon! Sige una na ako rooftop girl.

Dess na lang!

Ok dess see you when i see you! At umalis na nga ito.

Bad Boy Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon