Details

27 0 0
                                    

Napaaga ata ako ng pasok sa klase! Himala kasi wala pa ang babaeng iyon.

Hoy! Ikaw?

Ba..kiit?

Ang mga tao nga naman marinig pa lang ang boses ko takot na!.

Nasaan yong babaeng katabi ko ha?

Him..di.. ko po a la..m ei!

Anong hindi mo alam? Ginawa ko pang mas nakakasindak ang tono ko. Ang kawawang lalaki napaupo sa katakutan.

Him..di ko tala.ga Alam!

Wala kang kwenta tabi. Halos madapa naman ito pag tulak ko, hindi ko alam kung bakit naiinis ako at wala pa ang babaeng iyon.

Nasaan kana bang babae ka?

********************

DESTINY POV!

Salamat naman at nagising kana?

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin nagising na lang akong nasa ospital na.

Ma? Anong ginagawa nyo dito? Nasa ospital ba ako?

Ang una kong nakita ay si mama halatang hindi pa siya natutulog,halata rin ang pagaalala sa mukha niya.

Lintik kang bata ka? Sabay hampas nito sa kamay kung naka swero.

Aray ko ma!

Naku pasensya na! Ikaw kasi pinagalala mo kami ng papa mo, pati ung bestfriend mo at mommy niya! Ano bang nangyari sayo?

Ano nga bang nangyari?

Bigla namang bumukas ang pinto at inilabas si cass.

Bessy! Buti gising kana! At ayun nga niyakap ako ng mahigpit ng bruha.

Aray! Ko naman cass gusto mo na ba ako mamatay?

O sya iwan ko na muna kayo diyang dalawa, sasabihin ko lang sa doctor na gising kana.

Pagkalabas ni mama, niratrat na ako ng tanong ni cass!

Hoy babae talagang mapapatay kita! Ano bang nangyari sayo ni hindi kita macontact.

Hindi ko rin alam cass ang natatandaan ko lang papunta na ako sa inyo ng bubuksan ko ang pinto naka lock siya,tapos namatay ang ilaw biglang lumamig, hindi ko na alam ang nangyari hindi na kasi ako makahinga.

Wala ka bang napansin na kakaiba?

Anong kakaiba?

Alam mo dess tingin ko lang naman ito ha, palagay ko hindi aksidente lang ang nangyari sayo ei! Palagay ko may sadyang gawin ito.

Napuno ako ng pangamba dahil sa sinabi ni cass! Bakit mo naman nasabi iyon?

Kasi nung dumating kami walang malay yung guard na naka duty doon, may pumukpok daw sa ulo niya at ito tanda daw niya hindi niya na nilock nung library kasi nga mag7 pa lang nun at yun ung time na tumawag ka.

Dahil sa sinabi ni cass biglang pumasok sa isip ko yung mga yabag ng paa.

Possible kayang ang nagmamayari ng mga paa na iyon ang mY gawa ng lahat.

Bess? Anong iniisip mo?

Nung namatay kasi ang ilaw ng library may narinig pa akong mga yabag nun, kung sinasabi mong ang guard ay wala ng malay it means may iba pang tao doon.

Possible iyon bess, sino ba kasing nakaaway mo this past few days!

Wala naman akong nakakaaway
Bigla ko namang naalala ang makating hipon na iyon, wait meron pala nung isang araw may nakainkwentro akong mga hipon.

Hoy destiny nagpapatawa ka ba! Ang hipon nasa dagat! Paano iyon magkakapaa.

Ang slow naman ng isang ito!

Cassandra taong naging hipon ang tinutukoy ko.

Linawin mo kasi, sino ba yang taong naging hipon ang sinasabi mo!

Ang natatandaan ko steph yung name niya, yung laging kasamang babae ni renz.

Wait wag mong sabihing si si stephanie falcon yan?

Aba malay ko wala akong time na kilalanin pa siya. Sino ba iyon?

Siya lang naman iyong babaeng habol ng habol kay renz, feelingera a isang iyan palibhasa ama niya ang isa sa stockholder ng school.

Kaya naman pala mayabang!

Naku steph matagal na akong nagtitimpi sa babaeng iyan,possible talagang siya ang may pakana niyon, humanda sa akin ang malaking hipon na iyon.

Ano ka ba hindi pa nga tayo sure!

Sure o hindi makikita ng felengera na iyon.

Kilala ko si cass at alam kong hindi ko siya mapipigilan sa gagawin niya!

Bad Boy Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon