kakilig moment

22 0 2
                                    

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, ayaw ko muna makita si renz, halos mahigit ko ang aking paghinga sa bawat studyanteng pumapasok sa pintuan ng classroom.

Dess ok ka lang ba?

Napatingin ako sa likuran ko kung saan nakaupo si cass. Puno ng pagaalala ang mukha nito..

Ang putla muna, masama ba ang pakiramdam mo?

Kung alam mo lang cass!

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya..  hindi niya dapat malaman ang namagitan sa amin ni renz.

ok lang ako medyo masakit lang ang tiyan ko!

Gusto mo dalhin niya sa clinic?

Naku hindi na kaya ko pa naman!

Sure ka?

Isang tango na lang ang binigY ko para tumigil na si cass sa pangugulit.

Maya maya lang dumating na si professor.

Nabunutan ako ng Rubik dahil walang renz na dumating..

Salamat naman mukhang absent,!

Oh! Mr. Acosta salamat naman at naka habol ka?.

Halos itago ko ang ulo KO wag lang niya Ko makita...

Dess anong nangyayari sayo?

Ha? Inaayos ko lang ang palda ko...

Ramdam ko ang pagupo ni renz sa katabing upuan ko.

Hoy babae maguusap tayo mamaya!

Ay kabayo! Halos mahulog ako sa upuan ng ibulong iyon sa akin ni renz.

Anong problema ms. Dimatibag,?

Wala po mam! Napatingin naman ako sa katabi ko ayun tulog again nakahinga ako ng maluwag.

Gwapo naman pala ang lalaking ito kung hindi nga lang masungit.

Hindi ko namalayan Navratilova na pala ako. Naulinigan ko pa ang guro namin habang tinatawag ang pangalan ko.

Ms. Dimatibag!

Yes mam! Sa gulat ki ay napatayo ako!

God nakatulog ako sa gitna ng klase!

How dare you natulugan ang klase ko ha ms. Dimatibag.

Mam pasensya na po, hindi po mauulit napuyat lang po ako kagabi .

Nagtitinginan na ang lahat sa akin.

No excuses ms. Pumunta ka sa labas at tumyo ka roon hanggang matapos ang klase.

Pero mam, hindi ko naman po sinasadya, napatingin ako sa kay renz na parang mantika kung matulog ni hindi man lang nagigising.

Mam bakit po siya araw araw siyang natutulog hindi nyo naman pinalalabas ah!

Nagtawanan ang lahat sa sinabi KO, bakit totoo naman un.

Shut up! Ms. Dimatibag GO OUT.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas, tumayo sa gilid ng room..

Nakakahiya talaga para akong batang elementarya.

Lumabas si mam na may dalang book.

Sideways!

Mam!

I said...

Ok mam!

Pinatong na nga sa mga palad ko ang tigdalwang makakapal na libro nilagyan din pati ulo ko.

Siguro naman magtatanda kana.

Halos maiyak ako..

Grabe 30 mins pa ako dito, nangangalay na ako, someone please help me.....

**********************

RENZ POV!

Bigla akong nagising ng magpopup ang mukha ng babaeng iyon sa utak.

Pati ba naman pagulog nanggugulo ka! Napatingin ako sa katabi ko.where is she?

Wala sa unahan wala kahit saan,napatingin ako sa labas.

What the hell is she doing outside? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng galit sa sunumang gumawa niyon sa kanya.. ako lang dapat ang magpapahirap sa babaeng iyon.

Padabog ako tumayo at nagtuloy sa labas. Alam kung pinagtitinginan ako ng lahat at wala ako ng pakialam.

Paglabas ko halata sa kanya ang ngalay hindi ko alam kung gaano na ba siya katagal doon, magkahalo na ang pawis2 at luha sa pisingi niya kaya lalo akong nains.

Anong tinitingin tingin mo diyan? Ano masaya ka na ha?

Ano bang klaseng tanong yan. Sarap batukan ng babaeng ito nahihirapan na nga nagagawa pang magmatapang.

Kinuha ko lahat ng librong nakapatong sa kanya at dinala sa loob.

Sandali anong ginagawa mo.

Pabagsak kong inihagis iyon sa walang kwentang gurong iyon. Hindi ako na nanakit ng babae, pero hindi ko alam kung bakit parang sasabog ako sa ginawa niya.

Mr. Acosta! Halos manginig naman ang tuhod ng kawawang guro.

Hindi pa tayo tapos!

Kailangan kong makaalis bago pa ako sumabog.. halika na!

Teka sandali lang, san mo ko dadalhin?

Ayaw ko ng magsalita ang gusto ko lang mailayo siya sa mga taong nanakit sa kanya.

Bad Boy Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon