Chapter 3

6 0 0
                                    

Habang  nasa mesa ako't nagdi-deal sa players, "hi players place your bets" habang naka smile, may isang lumapit na lalaki na parang nakita ko na somewhere,  nag bet siya ng banker at maswerte naman siya't lumabas ang natural 8 sa banker's side. Panalo agad ang loko na to ahh. Pero habang tinititigan ko siya, nakilala ko na siya sa wakas! Siya lang naman ang magaling na mang aagaw sa parking space. All of the people bakit ito pa ngayon ang naglalaro sa harapan ko. Nakakawalang gana napakapanira ng araw!

"natigilan ako sa iniisip ko ng nagsalita siya,

"Miss, you're supposed to deal na, pero nakatulala ka pa din diyan sayang ganda mo nakasimangot ka pa. I smirk. Etong mokong na to hindi ko ba alam kung nang aasar o nangpupuri eh, naalala ko na naman yung ngisi na ginanti niya sakin nung kinalampag ko ang kotse niya.

"Oh really? so ano naman sayo kung nakasimangot ako, tataya ka pa ba? kung hindi na umalis ka dito sa table ko at humanap ka ng ibang dealer na makukulit mo! Wag ako!

Miss Morales!! Is that how you treat players? ani ni Mam Santos mula sa likuran ko, nagulantang ang buong pagkatao ko, Malamang yari na naman ako nito pag out ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya sa likod ko para marinig lahat ng sinasabi ko, bakit ba kasi habang nag iikot siya e timing na sakin pa siya nakatapat ng sinabi ko yung mga salita na yun sa player na nasa harapan ko. Bwisit bwisit talaga tong lalakeng to kahit kailan.

"No Ma'am Sorry po. Pagkatapos ng sinabi kong sorry umalis na din siya agad at tumungo sa ibang dealer. Halos mangiyak ngiyak na ako namumuo ang pawis sa noo ko, alam ko kasing mamaya lang sesermonan na naman ako.

"Im sorry, I know it's my fault Miss Morales ani ng lalaking salot na nasa harapan ko.

Inirapan ko lang siya sa sobrang inis ko ng dahil kasi sa kanya posibleng hindi ko makuha ang best dealer award this year. Halos buong taon kong inalagaan na maging satisfied ang mga players na naglalaro sa table ko tapos ngayon na kung kailan november na tsaka pa ako malalagyan ng bad record, May kasalanan din naman ako dahil kung hindi ako sumagot sa pang aasar niya sakin edi sana hindi ako napansin ni Mam Santos.

"I'll make it up to you I promise". sabi pa nito bago tuluyang umalis sa harap ko.

Buong maghapon akong kabado kung magwa one on one kami na usap ni Mam Santos pero dumating na ang oras ng pag uwi hindi naman ako pinatawag sa office nito.

"Thanks god mukhang nakalusot ako sa ngayon pero next time siguro hindi na.

Habang nag aabang ako ng taxi pauwi, may tumigil na kotse na white sa harapan ko, tinted ang kotse kaya hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob.

Hindi ako natitinag kaya hindi ko ito pinapansin, pumapara ako ng taxi pero halos lahat may laman na, Geez monday nga pala ngayon. 

Finally bumusina ang kotseng nasa harapan ko. Maya maya bumaba na ang may dala nito, laking gulat ko na naman ng nakita ko kung sino ang may ari ng kotse na white na to.

"Ikaw na naman? kailan mo ba ako titigilan? angil ko agad sakanya.

Miss naman sorry na, ihahatid na kita diba sabi ko sayo kanina babawi ako, wala kang masasakyan ng ganitong oras ng taxi halos lahat puno na ihahatid na kita, ani niya habang nakatingin pa din sa akin.

"May pamasahe ako mister kaya wag mo akong gawing bata kaya ko mag antay kahit gaano pa katagal dito sanay na ako!"

Pero maya maya bumuhos ang malakas na ulan inakay niya agad ako papasok sa loob ng kotse niya, wala akong choice kundi ang sumama dahil wala din akong payong na dala dala, kung hindi ka ba naman talaga minamalas.

"Sabi ko naman sa'yo kanina sumakay ka na nabasa ka pa tuloy." ani niya habang hinihinaan ang aircon, nahalata niya din kasi siguro na giniginaw ako.

"Ok lang ako thanks. maikli kong tugon.

Maya maya pareho kaming tahimik sa loob ng kotse ng bigla siyang nagsalita na "Hi, Im Joerem Bautista and you are? bati niya na naghihintay na kamayan ko din siya.

"Shannen Morales matipid na sagot ko saka ako nakipagkamay.

"So san ka nakatira Shannen? seryoso ako sa sinasabi kong ihahatid kita. ani niya.

Sa may makati lang ako, sa olympia sagot ko sa kanya.

okay tara na baka gabihin pa tayo at lalong maipit sa traffic.

Habang binaybay namin ang edsa nasa malibay na kami sa pasay ng mag tanong siya..

Care to have some coffee? Para kasi talagang nilalamig ka sa itsura mo. ani niya.

Sumagot ako ng oo kasi parang pakiramdam ko kailangan ko din ng mainit na kape dahil sa panginginig ko. Huminto kami sa  coffee shop na halos dalawang kanto lang ang layo mula sa inuupahang bahay namin ni mama.

Nakakabingi ang katahimikan nasa iisang mesa kami pero hindi kami masyadong nag uusap.

So Miss shannen, gano ka na katagal as a dealer? basag niya sa katahimikan na sobrang nakakabingi.

"Almost 1 year na din" sabi ko.

"Ahh I see kaya pala ang galing galing mo na sa paghawak ng baraha, cute mo kanina nung naiinis ka sakin." sabi nito sabay ngiti bago humigop ng kape.

"Wala naiinis kasi talaga ako sayo kasi diba last time yung nangyari.

"Ha anong last time? teka wait nameet na ba  kita somewhere? nagtatakang tanong niya.

"So hindi mo pala talaga natatandaan? kami yung inagawan mo sa parking sa Leana's Coffee shop siguro mga 1 week ago na din.

"Oh snap! Ikaw ba yun? hindi ko na kasi talaga matandaan, ewan ko ba bakit di kita kinausap nung time na yun, siguro sobrang exhausted lang ako ng mga panahong yun.

"Oo kaya noh, nakakainis ka nung oras na yun" I chuckled.

"Im sorry Miss Shannen, di ko na po uulitin gumanti siya ng tawa, God bakit ang ganda ng ngipin niya pati pagkapantay pantay nito napansin ko pa.

"Miss ka diyan, Shannen na lang, Ang pormal kasi masyado hindi bagay parang ang tanda ko na."

"Ok shannen, tara na ihahatid na kita malayo ka pa ba from here?"

"Nope, dalawang kanto na nga lang"

"Okay tara na baka mapagalitan ka pa ng boyfriend mo pag ginabi ka lalo."

Gumanti lang ako ng matipid na ngiti. Mabilis namin narating ang bahay, alam kong tulog na si mama dahil pasado alas nueve na,

Bago ako bumaba nagpalitan muna kami ng contact numbers, pero hindi ko din alam kung bakit ko ibinigay sa kanya ang cellphone number ko na sobrang madalang kong ibigay sa mga taong hindi ko pa masyadong kilala.

"Bye Shannen See you" sabi niya bago tuluyang umalis.

Nagwave lang ako ng kamay tanda ng pagpaalam sa kanya.

Mabait din naman pala si joerem siguro wrong timing lang lahat ng pagkikita namin before.










Casino Dealer's LoveWhere stories live. Discover now