Naalimpungatan ako ng mga bandang 2 am dahil may naramdaman akong naglagay ng kumot sa akin, pagmulat ko ng mata ko aktong lalabas na si mama, ng nasara niya na yung pinto napaisip ako, napakabait at sobrang maaalahanin talaga ni mama kahit simula nung iniwan kami ni papa at sumama sa ibang babae na ngayo'y asawa niya na wala pa rin akong naririnig na masasamang salita na lumalabas sa bibig ni mama patungkol kay papa. Minsan kahit nakakainis na wala naman akong magawa dahil ganun na talaga siya, Galit din ako kay papa nung una pero natanggap ko na rin siguro na hindi sila ni mama ang para sa isat isa. Wala na eh andiyan na yan pinili niya na yung pangalawa kaya kahit mahirap lumaki ng broken family proud pa rin ako sa sarili ko na kahit di ako nakatapos ng college eh may magandang trabaho naman ako na marangal, Sa ngayon ok na kami nila papa, yung mga kapatid ko nakakasama ko din paminsan minsan, yes may mga kapatid ako, Sina Sheena at Sean kambal sila. Napahaba na pala ang pagmuni muni ko. Napagpasyahan kong matulog na muna.
Nagising ako ng tawag sa cellphone ko. "from unknown number" Hello? sagot ko.
"Gising na miss beautiful. sabi ng nasa kabilang linya.
"Hello sino ba to?
"Joereme to, sungit mo talaga saka tumawa.
"Oh napatawag ka joerem?
"Uhm wala naman gusto ko kasi ako ang una mong makakausap pag gising mo.. Sige bye. Im driving eh, you take care okay. and then he hanged up.
May sa pag surprise talaga si loko, umagang umaga tatawag para lang sa ganun.
Bumangon na ako dayoff na naman ng inday kaya hindi ako nagmamadali sa pagkilos, bumaba na ako nakita kong wala si mama baka namalengke yun.
Nag shower na rin ako dahil may plano akong puntahan para naman hindi masayang ang off ko,
Mabilis akong nakapagbihis bago tuluyang umalis tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, umalis na ako at nag iwan lang ng note kay mama,
"Ma, Alis lang po ako sandali baka hindi na ako dito mag lunch may puntahan lang po ako love you ma! ♥ Nilapag ko ito sa may center table sa sala bago tuluyang umalis.
Nag taxi ako papuntang marikina, andun kasi yung sikat na bookstore na pupuntahan ko, sa sobrang hilig ko sa pagbabasa kung saan saan ako nakakarating makabili lang ng mga limited edition na libro. Mabuti na lang at walang traffic, pagbaba ko sa taxi pumasok agad ako sa bookstore, namili ng libro na swak sa budget ko. Inaamin ko minsan na sobrang tight ko sa budget just because may mama ako na kailangan ko din ibigay ang pangangailangan.
Paglabas ko sa bookstore pumara na ako ng taxi, pero nung pasakay na ako may tumawag sa pangalan ko,
Shannen! boses pa lang kahit di pa ako tumatalikod alam ko ng si joerem ang tumatawag sa akin. Nag senyas ako sa driver na hindi na ako sasakay. Pagtalikod ko nakita kong napakalaki ng ngiti nito sa mga labi niya,
"Oh, Hi"? sagot ko nung nakalapit na siya sa akin.
"Hi din shann ,nagawi ka dito?
"Ahh yun ba? bumili ako ng libro eh, alam mo na, Hobbies. I smiled.
"Anlayo naman ng binilhan mo ng libro. komento niya
"How about you? Bakit andito ka? tanong ko.
"Dito yung isang office namin actually satellite office lang, yung main kasi nasa pasig. sagot agad naman niya.
"Ah okay, so san office mo dito?
"Ahm dun lang sa taas. Sabay turo sa taas ng bookstore. tara akyat tayo? Papakilala kita sa mga officemates/friends ko. Pag aalok niya.
Ng nasa office na nila kami ipinakilala niya ako isa-isa sa mga ka officemates niya, ngayon ko lang nalaman na business man pala siya, isa siya sa part owner ng negosyo na pinapatakbo nilang magkakaibigan. Nasa bpo business sila kaya di na rin ako nagtaka kung bakit medyo fluent si joerem sa ingles.
Ang babait ng mga ka office mate niya na sina chicco, alvin,sid, ema at kuya nya na si Jericho.
Inalok pa akong kumain bago ako tuluyang bumaba. Perp hindi pa ako nagugutom kaya sinabi kong next time na lang.
"Joerem sorry but I have to go, May nag aantay kasi sa kin sa bahay.
Agad namang tumalima si joerem at kinuha ang bag niya na nasa table niya.
"Guys, alis na si Shann sabi ni joerem sa kanila at itinuro ako.
"Bye po, Thanks sa pagpapatuloy sakin dito.
Nginitian naman nila ako lahat. Napaka gaan ng loob ko sa grupo nila. Parang antagal ko na silang kakilala.
Pinauna ako ni joerem sa baba dahil may kukunin pa daw siya,
Mabilis lang naman at nakasunod din siya agad sa akin, na parang nagmamadali.
"oh bakit bumaba ka pa? oras po ng work mo nakakahiya sa kanila. sabi ko
"Ihahatid kasi kita nagpaalam na ako sa kanila wag ka mag alala tsaka minsan lang naman ako mag undertime. he smiled."
Wala akong nagawa kung hindi sundin na lang ang gusto niya, niyaya niya ako kumain pero sabi ko mag take out na lang dahil minsan ko lang din makasama si mama ng matagal.
Mabilis magpatakbo si joerem ng sasakyan niya kaya isang oras lang nasa bahay na kami, saktong nagdidilig naman ng halaman si mama ng makita niyang bumaba ako sa sasakyan ni joerem.
Lumabas si mama ng gate para salubungin ako.
"Anak saan ka galing nagluto ako ng paborito mong bicol express sabi niya agad sakin pagkababa ko ng sasakyan"
Akala ko aalis na si joerem agad pagkababa ko pero bumaba din siya ng sasakyan at binati si mama.
"Good afternoon po tita."
Oh iho, kaibigan ka ba ng anak ko? tayo'y pumasok sa loob at para makakain kayo ni shann ng tanghalian. San ba kayo galing dalawa sagot naman ni mama habang pumapasok sa gate. Inaya ko na si joerem dahil alam kong mangungulit lang si mama kapag hindi ko siya pinapasok sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Casino Dealer's Love
RomanceThis is all about Shannen Morales Casino dealer sa isa sa mga malaking casino sa bansa. Abangan ang magiging takbo ng buhay pag ibig niya. Binigo siya ng kanyang ama ng lokohin nito ang mama niya na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.