"Uggh! sambit ko habang hawak ko ang aking ulo, epekto to ng napakaraming alak na nainom ko kagabi, Hangover ano pa nga ba? kasunod na nito ang pagsusuka at pagsakit ng ulo ko maghapon. Hindi na ako naihatid ni celine kagabi dahil na rin sa sobrang kalasingan niya, hindi ko nga alam kung nakaya nya bang mag drive pa kahit lasing na lasing kami kagabi, matawagan nga ang babaitang yun,
After tatlong ring sinagot niya na ito
Celine: Hello?
Me: bes hello asan ka nakauwi ka ba kagabi?
Celine: oo Shan, Nakauwi ako sige na bes sorry hindi kita maeentertain antok na antok pa ako and it's our off so I need to sleep pa bye ..
yun lang ang naging usapan namin at nawala na siya sa linya, mukhang okay naman siya so hindi na ako kailangan mag worry pa.. Patayo na ako ng kama ng mag ring ulit ang cellphone ko, Nakita kong nagflash sa screen ang name ni matteo. At first kinancel ko yung call dahil ayaw ko na muna siyang makausap pero makailang ulit pa rin itong tumatawag. So I decided na sagutin yung call niya if he want's to talk I'll give it to him. I answered his call.
Matt: At last sinagot mo ang tawag ko babe..
me : So anong meron bakit ka napatawag?If this was about last time wag na natin pag usapan, Busy kasi ako so diretsahin mo na ako or else I will hang up.
Matt: babe naman about last time, Im so sorry hindi ko gustong saktan ka babe, basta nasabi ko lang, masamang masama lang ang loob ko sayo kasi halos wala ka ng time sa akin. Ewan ko nga kung girlfriend pa kita e.
me : Girlfriend mo ako oo pero sa issue mo sa time ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kailangan mamili in between sa trabaho ko at sayo! Importante ang trabaho ko matt alam mo yan.. Sige na diba gusto mo muna ng space. Sige ibibigay ko yun sayo.. bye.
*End of Convo*
Huminga muna ako ng malalim habang nakatingin ako sa kawalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay matt ganun ba talaga ako kawalang effort kaya naiisip niya na hindi siya importante at worst na hindi ko siya mahal. Siguro sa oras nagkukulang ako dahil hindi magkatugma ang schedule ng trabaho namin pareho. Si Matt ay isang Account executive sa kilalang office ng tuna brand at ako naman ay isang Casino dealer sa isa sa mga casino dito sa bansa. Mahirap iwork out ang relationship namin dahil kulang na kulang kami sa oras aminado naman ako dun. Six years na kami ni matt pero saka pa nagkakaganito.. Sana gaya pa din kami ng una how I wish..
Nag ayos muna ako ng kama ko bago ko napagpasyahang lumabas muna para bumili ng grocery supplies namin ni mama. Dahil sa dadalawa na lang kami ni mama sa bahay hindi ko siya pwede iwanan at sundin ang gusto ni matt na mag live in na kami sa condo niya. Hindi ko pwedeng iwan si mama. Bumaba ako sa sala at nakita ko si mama na naglilinis ng bahay,
"Ma, anong gusto mong lunch? bibili ako sa grocery diyan sa kabilang kanto tanong ko sa kanya na may paglalambing.
"kahit ano anak ikaw na ang bahala, anong oras ka pala nakauwi kagabi anak? tanong nito na may pag aalala.
"Hindi ko na rin alam ma, kasama ko naman po si celine kaya wag po kayo mag alala"
"Mabuti naman anak, sige na bumili ka na alas-onse na din baka wala ka ng mabiling sariwang karne at gulay niyan.
"Okay ma hinalikan ko muna ang mama bago ako lumabas sa pinto." Ewan ko kung ako lang ba ang ganito 22 years old na ako still sobrang lambing ko pa din kay mama.
Mabilis lang akong nakapagluto, Nilaga ang napagpasyahan ko iluto and masaya ako dahil sa mukha ni mama mukhang nagustuhan niya naman ito.
"Anak, gumagaling tayo magluto ahh pwede kana yata mag asawa niyan. saad nito habang humihigop ng sabaw.
"Ma naman eh, ang bata bata ko pa kaya. Tsaka ayaw ko nga kita maiwan dito mag isa , Alam mo naman si kuya minsan lang din umuuwi yun, kaya wala tayong aasahan dun sa mokong na yun" sabi ko ng parang may panunumbat kay kuya,
"Shan anak, hayaan mo na si kuya jacob mo, hindi pa siguro siya sawa sa pagiging binata kaya ine-enjoy niya pa to sa ngayon. pagtatanggol naman ni mama kay kuya.
Sanay na ako na ganyan si mama, kaya wala rin pakialam si kuya sa amin dahil sa sobrang bait niya dito, never nakarinig si kuya ng masasakit na salita kay mama kaya ayun napakadalang umuwi, Seaman si kuya jacob sa isang kilalang shipping lines sa buong mundo, Kahit alam kong minsan andito lang siya sa pinas hindi pa din niya magawang umuwi man lang sa bahay, kaya hindi ako masisisi ni mama kung magalit ako kay kuya jacob.
YOU ARE READING
Casino Dealer's Love
RomansaThis is all about Shannen Morales Casino dealer sa isa sa mga malaking casino sa bansa. Abangan ang magiging takbo ng buhay pag ibig niya. Binigo siya ng kanyang ama ng lokohin nito ang mama niya na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.