Chapter 2: first Encounter

5 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa napakaingay na alarm clock bagong araw na naman kailangan bumangon para sa trabaho. 3 am na, kailangan ko ng kumilos kung ayaw kong malate sa 6 am na duty ko. Sa tagal ko sa trabahong to nasanay na din ang sarili ko sa oras ng tulog at gising. Kinuha ko ang towel at agad tinungo ang CR. Pagtapos maligo nagbihis na agad ako. Habang nasa biyahe ewan ko ba kung bakit binuksan ko ang mga lumang messages sa akin ni matt, siguro namimiss ko na naman yung kumag na yun, kahit naman kasi ganun yun mahal ko yun.

Pasado mag aalas sais nakapag time in ako, Grabe sunday naman pero traffic pa rin well ano pa nga bang bago sa pilipinas.

pagpasok ko sa pit nakita ko agad si celine na nasa pokers table. Agad ako nitong tinanguan pagkakita sa akin siyempre bawal maingay sa loob ng pit baka bugahan tayo ng apoy ni mam santos bigla, ang napakasungit na pit supervisor namin sa gaming area. Mid 30's pa lang ang edad nito ngunit sa attitude na meron ito parang mga nasa 50's na. Sa sobrang sungit at standards nito sa trabaho. Halos lahat silang mga dealers eh takot kay Mam Santos.

Mabilis natapos ang oras tapos na naman ang 8 hrs. duty inantay niya si celine sa dealers quarter. Para makasabay sa pag uwi nito mahirap kasi kumuha ng taxi paglabas ng casino na pinagtatrabahuhan nila,
halos lahat punuan na.

Habang nasa kotse, nagkayayaan na naman kami ni celine na mag coffee muna bago umuwi, magpapark na sana kami ng may biglang sumingit sa dapat pagpaparkingan namin. Fuck! Saad ni celine dahil muntik na mabangga ang bumper ng kotse niya sa gilid ng white na honda civic na nang agaw ng parking space. Agad agad bumaba si celine para kumprontahin ang lalake pero hindi talaga ito nagbababa ng bintana, Aba aba sabi ko kay celine bago ko kinalampag ang pinto nito na hudyat para ibaba niya ang bintana ng kotse niya. What? Sabi ng lalaki na naka blue poloshirt na medyo malaki ang built ng katawan. Anong what ka diyan mister! Bukod sa inagawan mo kame sa parking space muntik pang mabangga ang bumper ng kaibigan ko sa gilid ng pinto mo!!" Tapos mag wa-what what ka? Pero sa haba ng litanya ko isang ngisi lang ang sinagot saken nito. Tsaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito.. "Uggh the nerve of that man celine!! Napakahambog niya wala man lang siyang sorry sorry."
"Hayaan mo na bes wala naman gasgas si wax e kung meron baka ganyan din ginawa ko, hamona yun. Tinuloy pa din nmin mag coffee kahit medyo panira ng araw yung lalaking naencounter namin kanina.

Habang nasa coffee shop.

Celine: bes ano na nga ba yung kay matt, sorry last time kasi hindi kita marinig tlaga sa bar eh, and I think this is the right time and the right time to talk about it.

Me: Eto na nga, I'll make kwento na, first nag away kami ini-insist na naman kasi niya na we should live together, eh alam mo naman na hindi ko maiiwan si mama hindi niya ako maintindihan talaga sa reason ko, kesyo hindi ko daw siya priority ganun.

Celine: So anong plano mo? sabi ko naman sayo diba. Wag na si matt ang sagutin mo dati sa dinami dami ng nagkakagusto sayo bakit yun pang Matteo na yun.

"Alam kong ayaw talaga ni celine kay matt umpisa pa lang dahil sa pagiging kilalang playboy nito."

Me: Wala akong magagawa celine, andito na to e, ayun humingi siya ng space sakin. Titignan niya daw kung kaya niya na daw na mawala ako.

Celine: Cool off niya mukha niya Shan, pag ganyan excuse na lang yan ng mga lalaking katulad ni matt para habang nagmu-move on sila kuno nakikipaglandian na kung kani-kanino. Naku hiwalayan mo na yan.

"Napaisip ako sa lahat ng sinabi ni Celine sa coffee shop, tama ang kaibigan ko, kung hindi ako kayang maintindihan ni matt sa sitwasyon ko so let it be, kung gusto niya ng cool off bahala siya."



Casino Dealer's LoveWhere stories live. Discover now