Chapter 8 - Creepy

75.2K 1K 64
                                    

Miyu's POV

Kabababa lang namin mula sa sinasakyan naming taxi at ngayon ay nakaharap na kami sa isang napakalaking unibersidad sa lugar na ito. 

Ito na nga pala ang unang araw ko sa magiging school ko. 

"Uwaah!" As in napanganga talaga ako sa nakita ko. "School ba ito? Bakit ang laki naman masyado?" 

Nasa mga 13 ft ang taas ng gate at sa tuktok nito ay makikita ang mga salitang 'Meridelle University'.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng malaking school bessie ah. Walang-wala pa nga 'to sa mansyon niyo, hmp!" Ami.

Eh kasi naman, ngayon lang kaya ako makakapasok ng school. May private tutor kasi ako sa Japan at sa mansyon lang ako tinuturuan. 

Inirapan ko na lang siya. Na-eexcite na akong pumasok. Sana marami akong magiging kaibigan dito gaya ng gustong mangyari ni butler Cube sakin, hihi!

"Ang mahal naman ng pamasahe ng taxi huhu!" sabi ulit ni Ami. Binibilang niya ang sukli sa kamay niya. 

"Eh sino ba ang may kasalanan ha? Sino ba ang matagal gumising kanina? Di sana tayo nakapag-taxi kung maagang nagising ang isa diyan." Nakanguso kong sabi.

"Tse! Napasarap lang sa tulog eh." Nakanguso rin niyang sagot. "Tara na nga. Baka ma-late pa tayo. Ihahatid pa kita sa Principal's office." 

"Hai hai!" Inayos ko muna ang suot na uniform bago nagsimulang maglakad. 

Yep! May uniform ako at kompleto na ako sa gamit. Kahapon kasi nakita ni Ami na may malaking package sa sala na nakapangalan sa akin. Laman nun ay mga gamit na gagamitin ko sa school gaya nga ng school uniform, bag at iba pa. Kanino galing ang package? Syempre sa napakagaling kong butler Cube, hihi! 

Pumasok na nga kami sa loob ng school. At lalo ulit akong namangha nang makita ang nakapalawak na school ground. Sa gitna ay isang sementadong daan na may eleganteng street lights sa magkabilang gilid. Papunta ng main building na nasa dulo ang naturang daan.

Uwah! Ganito pala ang mga skwelahan? Parang mansyon na rin eh.

Pero napansin ko lang. Parang kakaunti lang yata ang mga estudyanteng naglalakad o parang kami lang yata ni Ami ang naglalakad sa ground ngayon. Di pa naman siguro kami late ano?

"Bessie, this is an elite school. Wala talagang estudyante ang maglalakad sa napakalawak na school ground na 'to. Kadalasan sa kanila ay nakasakay sa mga sasakyan nila." Pahayag ni Ami na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. 

Sa pinakadulo pa kasi ang main building. At doon ko lang napansin ang maya't maya'y datingan ng mga sasakyan. 

"Kung di natin bibilisan, talagang mali-late tayo, Miyu-chii," sabi ulit ni Ami. 

Ehh...

Wala akong choice, binilisan na nga namin ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa main building... na hinihingal. 

"G-Grabe... Na-nakakapagod naman yun, phew!" Napahawak ako sa aking dibdib habang habol ang aking hininga. Don't tell me, ganito palagi ang gagawim namin araw-araw?? 

"Masasanay ka rin," sabi ni Ami na para talagang nababasa ang iniisip ko. 

Tinignan ko siya. Ni hindi man lang siya hinihingal dun. Grabe! 

"Tara na. Aakyat pa tayo sa 3rd floor." 

"Eh??" 

* * *

"Pansin ko lang Ami-chan, bakit parang nakatingin sa atin ang mga estudyante dito?" Bulong ko kay Ami nang marating namin ang office ng principal. 

Simula kasi nung nakarating kami sa main building hanggang sa nakaakyat sa 3rd floor, lahat na lang ng mga estudyante na madadaanan namin ay napapatingin nalang sa amin at kung minsan naman ay nagbubulungan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon