Guys finally Chapter 6 is up. Thank you for waiting! Sorry for the long wait! Overwhelming ang response sa last Chapter, sana mas magustuhan nyo po 'to! Enjoy it guys! :)
For Real or For Reel: A Love Story
Chapter 6
Sarah’s POV.
Ayoko na! Ayoko na talaga! Eto naman ako, wala ka na talagang kadala-dala Sarah! Dapat lang ‘yan sa’yo. Nagtiwala ka na naman sa isang lalakeng walang kwenta. Ang sakit-sakit ng ginawa nya sa akin, pareho lang pala sila. Tama magkaibigan nga pala sila, wala silang pinagkaiba. Eto ako, umiiyak ka na naman. Tuwing maiisip ko ang nakita ko parang gusto kong mabaliw. Ang sakit sakit talaga.
Pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng kilig eto pala ang kapalit. Ang sakit-sakit talaga. Ayoko munang umuwi, ayokong makita ako nina Mommy ng ganito. Ayokong bigyan ulit sila ng problema. Sinabihan ko si Kuya Don na hindi muna kami uuwi.
Nag-riring ang cellphone ko, tumatawag sya. Ayoko sagutin, ayoko marinig ang sasabihin nya. Ano naman kayang kasinungalingan ang sasabihin nya. Ayoko na talaga. Pinatay ko na lang ang cellphone ko. Maya-maya nagtanong si Kuya Don.
“Ma’am ok lang po ba talaga kayo? Iyak po kayo ng iyak? Ano po bang nangyari? San po ba tayo pupunta? “ tanong nya.
“Hindi ko alam Kuya, basta ayaw ko munang umuwi. Gusto ko sanang mapag-isa” sagot ko habang umiiyak.
“Sige po, gusto nyo ho pumunta tayo sa mga kaibigan nyo?” sabi nya.
“Sige po, pumunta tayo kala Maja, alam nyo ba yun?” sabi ko.
“Sige Ma’am, nakapunta na tayo run diba?” sabi nya.
Tinawagan ko si Maja. Alam nya naman ang tungkol sa amin ni Ge and close sya kay Kim. Gusto ko syang makausap. Nasa bahay lang daw sya, mukhang naistorbo ko pa ata. Maya-maya nakita ko na sya sa gate nila, sinalubong nya ko. Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak. Parang sasabog na ako kung wala akong masasabihan ng hinanakit ko. Ang hirap.
Umakyat kami sa kwarto nya, nakita ko ang Mom nya and bumati sa amin pero hindi na nagtanong kung anong problema.
Kinwento ko ang lahat ng nakita ko kay Maj, nakikinig lang sya sa akin habang umiiyak ako. After ng kwento nagsalita sya.