Youngbin [1]

72 3 0
                                    

WITHOUT YOU

Your POV

"Whenever you're in trouble, I'll be with you."

Hindi ba pwedeng kahit sa masasayang oras, kasama ko din sya? 'Yung hindi lang kapag kailangan ko ng tulong, saka ko lang sya makikita? Gusto kong baguhin nya 'yung sinabi nya— mas gusto kong marinig na nasa tabi ko sya lagi.

I don't know what's with me. These days, all I think about is him— na hindi ko pa manlang naririnig kung ano ang pangalan. I've met him twice pero hindi talaga ako dinadalawan ng lakas ng loob para tanungin kahit pangalan nya. Hindi nga rin ako nakakapagpasalamat. Why am I born like this?

"Are you done?"

Nilingon ko 'yung kaklase kong kanina pa ako tinatanong nyan. "Hindi pa. Sandali lang—"

Nahinto ako nang sipain nya ang upuan ko. "Kanina ka pa nagsasagot dyan ah. Why are you so bagal?! Dalian mo na. Kapag ako nalate sa date ko, alam mo naman ang mangyayari diba?"

Napahigpit ang kapit ko sa ballpen habang sinisipa parin nya ang upuan. Pinilit kong magsulat kahit mauga kasi ayokong madumihan or worse, masira na naman ang lahat ng bagay na dala at suot ko ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas, hindi ko parin tapos sagutan itong assignment at activity na 'di naman akin.

"You missed this girls, right?"

Halos lahat ng tao sa loob ng classroom ay napatingin sa pinto kung nasaan 'yung kaklase ko kanina, kasama sila— ang mga taong hindi binibigyan ng katahimikan ang buhay ko.

"Sa inyo na sya, girls. Mas pahirapan nyo naman para magtanda. Hindi na ata natatakot 'yan eh. Send me a video ha. I'll go na."

Humarap ako sa unahan. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang gamit ko at nagmadaling umalis. Hinintay ko nalang sila na lapitan ako at kung saan higitin.

**

"Hanggang dito ba naman, tahimik ka? Ang boring mo talaga."

"Hindi ka manlang sisigaw? Magmamakaawa? You're such a loser."

Yeah. Loser. Hindi na nga ata ako magbabago. Ako nalang lagi ang magiging laruan nila hanggang makaalis kami sa school na ito.

"Oh!" May narinig akong boses pero hindi ko hinanap 'yun kahit pa dahil doon ay tumigil sila sa pagbubuhos sakin ng pinaghugasan at hasang ng isda.

"Wait, diba sya si Kim Youngbin?"

"Oo, 'yung sikat na dancer!"

Halatang mga kinikilig na umalis sa palibot ko sila. Huminga ako ng malalim at sinubukang tumayo kahit nanghihina ako sa mga ginawa nila.

Pero...

"Miss!"

Napanganga ako sa sobrang sakit. Nawalan ng lakas ang binti ko at natumba ako. Malas ko at napatama 'yung tuhod ko sa basag na bote.

May lumapit sa akin at kinapitan ako sa braso. Agad akong nakaramdam ng kakaiba. Tumingin ako sa taong katabi ko.

Bakit- bakit sya nandito?

"Tulungan na kita tumayo."

Tulungan. Tulong.

Right, he's here because I need help— his help.

Ang galing lang. Kung kailan ko talaga kailangan ng tulong, dumating sya. Nagkakataon lang kaya 'yun?

Inalalayan nya akong tumayo atsaka sya tumingin sa mga babaeng nagpahirap sa'kin.

"W-We were just playing." Sabi 'nung gumupit sa uniform ko.

"Yeah. You don't need to do that." Sabi pa 'nung isa.

"Huwag mo sa akin sabihin 'yan, miss. Huwag sa akin kundi sa inyo." Nagulat ako nang bigla syang tumingin sa'kin. "Hindi nila dapat ginawa 'yun sa'yo, diba?"

Nakatingin lang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin. Pinunasan nya ang pisngi ko.

"Hindi ka nila dapat pinapaiyak."

Napahigpit ang kapit ko sa damit nya. Natatabunan ng kilig at tuwa ang sakit na nararamdaman ko kanina. Hindi mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na binibigay nila kundi dahil sa lalaking ito na hindi ako hinayaang tumayo at maglakad mag-isa.

Kim Youngbin...

Simula ngayon, pwede ko na bang tawagin palagi ang pangalan mo?

Sense the Feeling of 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon