WITHOUT YOU
Your POV
"Kamusta ka na?"
Hindi ko alam kung ano irereact o makakaimik ba ako ng maayos dahil hindi ko akalain na makikita ko ulit sya. Hindi ang mga taong walang pakielam sa akin ang bumungad sa pagpasok ko ng school kundi siya- si Youngbin.
Ngumiti ako at tumango ng tipid. "Ayos na ako." Ngumiti din sya at tumingin sa kapeng hawak nya.
"Gusto mo ibili kita? Mukhang nilalamig ka."
Agad akong umiling. "Pasok na ako." Mabilis akong lumakad at nilampasan sya pero natigil ako kasi may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko 'yun at nakita ang kamay nya.
"B-Bakit?"
Mas lumapit sya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin. Pero hindi ako nakatiis at tumingin ulit sa kanya. Ngumiti na naman sya bago lumuhod.
Lumaki naman ang mata ko dahil pinagtitingnan na kami dito lalong-lalo na ng mga babae.
Papatayuin ko na sana sya nang maramdaman kong may ginagawa sya tuhod ko. Tumayo na sya at kinuha ang kamay ko. Nilagay nya dito 'yung kape.
"Inayos ko lang. Natatanggal kasi, baka ma-infect. Sige."
Aalis na sya nang hawakan ko 'yung jacket nya. Nilingon nya ako. "Bakit?"
"Itong kape mo." Inabot ko itong kape pero hindi nya kinuha.
"Hindi. Kape mo 'yan. Huwag ka mag-alala, hindi ko ininuman 'yan."
"Pero-"
"Drink it well. See you." Bigla nalang sya tumakbo at iniwan ako dito.
Tumungo ako at feeling ko mukha na akong baliw kangi-ngiti. My morning had never been this good. Sana hindi lang umaga kundi buong araw ko sumaya na lagi. At gusto kong sya ang maging dahilan.
**
Iniumpog ko ang ulo ko sa desk matapos ubusin 'yung kape.
"Nakakainis!"
Tinatanga ko ang sarili ko kasi hindi na naman ako nakapagpasalamat: doon sa pagtulong nya sa'kin mula sa mga nangbubully, sa paggamot nya ng sugat ko, sa pag-aalaga sa'kin kahapon at ngayon, dito sa kape.
"Kinamusta ka nya kanina. Dapat nagpasalamat ka narin."
Ginulo ko ang buhok ko at natigil nalang 'yun nang marinig kong may kumuha doon sa cup.
"Akin na 'yan."
Pinilit kong kunin doon sa kaklase kong pinanggagawa ko lagi ng requirements pero inilayo nya.
"Huwag ka na magpumilit. Hindi ba masakit 'yang mga sugat mo?" Tiningnan nya 'yung cup. "What's so special with this at parang takot kang hawakan ko?"
"Alam kasi nyang sisirain mo, girl." Sabi noong isa sa mga nagpahirap sa'kin.
"Talagang sisirain ko ito. Itatapon na naman ito, diba?"
BINABASA MO ANG
Sense the Feeling of 9
FanfictionSF9 Imagines (each story has 9 chapters | chapter 1 serves as the prologue) English-Tagalog Open for requests! -아버님