Youngbin [5]

30 1 0
                                    

WITHOUT YOU

Your POV


"Kasisimba mo lang, puro kasalanan ka na agad."

Binatukan ko itong si Youngbin dahil kanina pa nagmumura.

"Aish! Sino bang kumulit sa akin na kumuha ng mga ganito?"

"Bakit ba? Sabi mo madali lang 'yan?"

"Eh malay ko bang nakakabadtrip pala ito?"

Nakangiti ko syang tiningnan habang buwis-buhay na syang naglalaro 'nung catch-a-toy. Kanina lang hagalpak na ako dito dahil hindi pa pala sya nakakatry at ang cute nya mainis.

"Oh!" Nabigla nalang ako nang may iabot sya sa akin. 'Yung mga natirang token. "Ayaw ko na."

Sinundan ko sya ng tingin palabas. Nilagay ko muna sa wallet itong mga token atsaka naglakad narin papunta sa labas.

***

"Ice cream?"

Kinuha ko 'yung inabot nya sa'kin na strawberry flavored. Kinunutan ko sya ng noo nang marealize na hindi ito 'yung gusto ko.

"Akin na 'yan." Sabi ko habang nakatingin doon sa hawak nyang chocolate ice cream.

"Eh bakit? Akin ito!"

"Kelan ka pa nahilig sa chocolate? Strawberry sa'yo!"

"Nagbago na isip ko. Chocolate gusto ko ngayon."

Inibigay ko sa kanya 'yung strawberry. "Bibili ako ng akin."

Lalakad na sana ako para bumili nang harangan nya ako. "Arte nito. Kinse din ang isang cone, ano."

"Edi dapat dalawang chocolate ang binili mo."

Sumimangot naman sya. "Ganun? Hindi mo manlang titikman ang paborito ko kahit na inagawan kita para matikman ko naman ang gusto mo?"

I sighed and dinilaan ng isa 'yung strawberry ice cream. "Okay na? Natikman ko na."

Kukunin ko na 'yung chocolate nang dinilaan nya 'yun. Ngumiti pa ng nakakaloko.

"Share nalang tayo."

"Bibili akong bago."

"Malaking halaga na ang kinse sa ibang tao kaya pwede ba? Makishare ka nalang kesa bumili ka pa ulit."

"Hindi nalang ako kakai-"

Natigil ako nang may malamig na dumampi sa labi ko. Malamig 'yun pero uminit ang pisngi ko.

"Ayan, share na tayo."

Nilapit nya 'yung kanyang mukha sa'kin kaya umiwas ako. Pakiramdam ko, namumula ako ngayon.

Shit ka, Youngbin. Kahit anong gawin mo iba ang epekto sa akin.

***

Late na pero nasa part-time job ko parin ako ngayon. Marami kasi ngayong customer kaya nag-extend ang business hours.

"Miss, padala naman ng tubig dito."

Ako 'yung pinakamaraming inaasikaso dito pero ako ang kanina pa kinukulit 'nung isang grupo ng mga estudyante. Hindi ko na sana sila papansinin nang si boss na mismo ng nag-utos sa akin na ako na daw ang magserve.

"Pahingi naman ng number mo, miss."

Sinasabi ko na nga ba.

Hindi ko sila sinagot at nang aalis na ako sa table nila, may narinig akong nabasag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sense the Feeling of 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon