WITHOUT YOU
Your POV
"Asan ka na?"
Mas umurong pa ako bago sumagot. "Sumakit bigla tiyan ko. Hindi ako makakapunta."
"Huwag kang bulaan."
"Pasensya na. Masakit talaga."
"Ganun ba? Pupuntahan kit-"
"Huwag!" Tiningnan ko siya na nasa loob ng isang cafe kasama ang isang babae. "Huwag na. Sakit lang ng tiyan ito. Kaya ko na ito."
"Sige. I-text o tawagan mo ako kapag okay ka na."
Pumikit ako at napahawak ng mahigpit sa cellphone nang hawakan nya 'yung kamay ng babae.
"Sige. Bye." Pagkababa na pagkababa ko ng tawag, agad akong pumara ng taxi.
Kasi hindi ko na kayang magtago. Ayaw ko sanang magsinungaling at biguin sya sa pagpunta ko. Pero baka mahalata lang nya na may itinatago akong mabigat kung makakaharap ko pa sila.
Kahit papaano, may totoo naman sa sinabi ko. Totoong may masakit sa'kin. Hindi na kailangang itanong dahil halata namang mata at puso ko ang nasasaktan. At hindi ko pa kayang ipakilala o sabihin nya sa'kin na 'yung babae kanina ay 'yung- babaeng hindi magiging ako.
Kaya pala iba sya mag-akit kanina. Ang tanga ko kasi. Masyado akong nag-assume na magkakape kami dahil sa pag-iinom namin. 'Yung kami lang dalawa. Akala ko mawawala sakit ng ulo ko, nadagdagan pa ng ibang sakit.
"Bayad po."
Pagkabayad ay bumaba na ako at sa gulat, muntik na akong matapilok.
"Huwag kang matakot."
"B-Bakit ka nandito?"
"Talaga bang stalker ang tingin mo sa'kin? Forever na 'yun? Hindi ba pwedeng kahit admirer? Bawal ba magkagusto sa'yo?"
"Ang galing mo sumagot."
"Sorry. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit iwas ka ng iwas sa'kin. Gwapo naman ako, laging naliligo-"
"Tama na. Oo na. Kinakausap na nga kita oh. Hindi na kita iniwasan."
"Pero iiwasan mo sana."
"Eh hindi na nga diba."
Napatingala ako nang biglang umihip ang malakas na hangin. Walang bituin. Mukhang uulan.
"Umuwi ka na. Papasok na a-"
"Ayoko."
"Bahala ka. Uulan na at wala kang masisilungan. Wala ka rin atang payong. Kung ako sa'yo-"
"Hindi ako aalis. Ilang beses na kitang inintay dito sa labas kahit umuulan pero ayos lang, hindi naman ako sakitin."
Walang ano-ano, bigla ko nalang naalala si Youngbin.
Naghihintay ako.
Ay bakit ba? Hindi naman importante na ipakilala nya sa'kin 'yung girlfriend nya o nililigawan o kung anuman gusto nya. Hambog 'yun. Hindi big deal 'yung paghihintay nya kasi may kasama naman sya.
BINABASA MO ANG
Sense the Feeling of 9
FanfictionSF9 Imagines (each story has 9 chapters | chapter 1 serves as the prologue) English-Tagalog Open for requests! -아버님