Youngbin [2]

31 0 0
                                    

WITHOUT YOU

Your POV

"YOUNGBIN!"

Tumatakbo akong pumasok ng apartment ko. Kausap ko si Youngbin sa cellphone. Pinapapunta ko sya dito pero inaasar pa nya ako. Bakit daw hindi ko nalang i-entertain 'yung stalker na dahilan kung bakit ako natakbo.

"Ayoko ng sinusundan hanggang dito sa tinitirhan ko! Dalian mo na kasi!"

"Pero kapag ako ang sumusunod sa'yo dyan, okay lang. Sab-"

"Stop! Alam ko na sasabihin mo. And no, wala akong gusto sa'yo. Ikaw lang ang kaibigan ko, bagaman hindi kita payagan na sundan ako."

"Talaga ba?" Tanong nya sabay tawa.

"Ba't ka tumatawa? Pumunta ka na dito!"

"Eh ano ba kasing gagawin ko dyan? Wala naman atang gagawin na masama sa'yo 'yung stalker mo."

"Basta ka. Dinadaldal mo pa ako. Kung pumupunta ka na kaya ano?"

"Oo na. Pero dapat marami akong aabutan na tanghalian dyan ha. Bigla akong nagutom."

Napangiti ako sa dalawang dahilan: Una, pupunta sya dito at pangalawa, ang cute nya talaga kahit kailan.

"O sige. Bilisan mo! Malapit na 'yun makarating dito."

"Sige na. Mwa."

Palagi nalang may ganun bago matapos ang tawag. Tinanong ko sya about 'dun sa "mwa" nya. Huwag ko daw i-misinterpret. Ibig sabihin daw para sa kanya noon ay 'Mag-ingat Wag Paanga-anga' at hindi lang naman daw ako ang sinasabihan nya. Nakakainis. Ang corny 'nun pero kinikilig ako kapag naririnig 'yun.

Mula sa pagkakaupo sa sofa, tumayo ako at nilibot ang tingin ko dito sa loob ng apartment.

After I-don't-know-I-lose-count times of him being at my side whenever I need a hand, this is the day I'm going to give my thanks to him.

**

"Akala ko ba nandito stalker mo? Bakit ganito dito?" Mukha talaga syang walang alam sa nangyayari. Sabi ko nga, dapat in-expect ko na ganito magiging reaksyon nya kesa ma-touch agad.

Hinampas ko sya ng balloon. "Baka birthday 'nung stalker. Tss."

Tinaasan nya ako ng kilay. "Talaga? Eh bakit wala sya dito? Atsaka, bakit parang ikaw pa naghanda?"

Hahampasin ko pa sana sya ulit nang magsalita sya.

"Huwag mong sabihin na 'yung stalker eh boyfriend mo pala?"

Napairap ako. Talaga bang hindi nya naaalala kung anong mahalaga sa araw na ito o sadyang ayaw lang nyang maalala?

"Boyfriend mo nga? Tama ako, ano?"

Itinapon ko sa kanya 'yung balloon at umupo sa harap ng mga pagkain. "Oo! Para sa boyfriend ko ang lahat ng ito pero hindi nya alam na birthday nya."

Tahimik sya pero hindi ko nililingon kahit gusto kong malaman kung ano na ginagawa nya. Hindi manlang ba nya sisiguraduhin kung talagang meron kasi imposibleng magka-boyfriend ako?

Tinusok-tusok ko itong hotdog sa spaghetti para pigilan ang sarili kong tingnan sya. Para manlang may maibigay akong sign na nagtatampo ako sa kanya.

Tatayo na ako nang bigla-bigla nalang sya lumapit at hinipan 'yung kandila sa cake.

Lumaki ang mata ko at tiningnan sya. "Bakit?" Ngumiti sya. "Hindi ba ako 'yung may birthday ngayon?"

Kumisap-kisap ako atsaka narealize ang ginawa nya. Piningot ko tainga nya. "Nakakainis ka! Alam mo naman pala eh! Surprise kaya ito tapos ganyan ka. Akala ko kinalimutan mo o sadyang ayaw mo lang!"

"Surprise para sa akin na.. boyfriend mo?"

"Oo- ah- ano. Nasabi ko lang 'yun kasi-"

Nakapagmura na ba ako sa buong buhay ko? Kasi parang ngayon, mangyayari na.

Nakatayo na ako ngayon at nahihirapan na huminga dahil sa yakap nya. Putangina.

Nakita ko pa ang ngiti sa labi nya bago nya ilapit 'yung mukha nya sa gilid ng mukha ko. Naramdaman ko ang pagdait ng labi nya sa tainga ko. Kaunti lang 'yun pero mas lalong naging hindi normal ang paghinga ko.

"Huwag ka na mag-explain. Hindi naman ako nagreklamo, diba? Ayos lang naman sa'kin maging boyfriend mo."

Bago pa ako matuluyan, humiwalay sya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa tig-kabilang braso. Ngumiti sya ng malapad, "Randam ko naman na gusto mo na magka-boyfriend eh. Kaya ako nalang muna kasi kawawa ka naman."

Pinalo ko sya. "Sama mo. Kahit huwag na."

Tinawanan nya lang ako at dumutdot sa cake. "Ang sarap! Tara, kain tayo."

Umupo naman ako sa kaharap nya. Habang kumakain sya, nakatingin lang ako sa kanya.

Inaasar nya ako kanina pero hindi ako masyadong nainis dahil sa ngiti nya. Ngiting malapad na hindi nakakaloko kundi nakakapangiti din.

Natigil nalang ako sa kaiisip nang may ipinahid sya sa mukha ko. Inalam ko kung ano 'yun. Akala ko pa naman icing ng cake. Aba, sauce ng spaghetti!

"Napaka mo!"

"Napaka mo!"

"Ilapit mo mukha mo, lalagyan din kita!"

"Ilapit mo mukha mo, lalagyan din kita!"

"Huwag mo akong gayahin!"

"Huwag mo akong gayahin!"

"Ugh! Nakakainis ka!"

"Ugh! Nakakainis ka!"

"Umuwi ka na nga!"

"Umuwi ka na nga!"

"Kapag hindi ka tumigil, bubuhusan kitang juice!"

"Kapag hindi ka tumigil, bubuhusan kita ng juice!"

Akala siguro nya hindi ko gagawin. Tumayo ako at kinuha 'yung pitsel. Hinabol ko sya at nag-ikot kami dito. Ang kulitan na 'yun ay nasundan hanggang sa mapagod kaming kalatan itong buong apartment.

Pareho kami ngayong nakahiga sa sahig, umiinom at kumakain ng pulutan.

"Tulungan mo ako maglinis ha. Nahihilo na ako."

"Makauwi na pala-" Aalis na sana sya pero hinigit ko ulit pahiga.

"Umayos ka. Hindi porke birthday mo hindi mo na ako tutulungan."

"Oo na. Lagi naman kitang tinutulungan. Ano pa bang bago."

Natahimik ako sandali dahil sa narinig ko.

Tumalikod ako sa kanya at huminga ng malalim. "Bakit? Napapagod ka na bang tulungan ako?"

Bago pa sya makapagsalita, humarap ako sa kanya. Ngumiti ako, "Alam mo, hindi ko naman hawak ang buhay mo. Hindi sa lahat ng oras kailangan mo akong abutan ng kamay. Hindi mo responsibilidad na laging tangapin ang paghingi ko ng tulong. Kapag ayaw mo, sabihin mo lang. Hindi ako magagalit, wala akong karapatan. Kapag tinawag kita, pwedeng hindi ka lumingon. Pwedeng hindi ka lumapit. Alam kong sobra-sobra na. Pasensya na, binigyan mo kasi ako ng ibang dahilan para isigaw o sabihin ang pangalan mo."

Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak na ako. Medyo lumalabo na ang paningin ko pero kita ko parin sya na nakatingin sa'kin ng seryoso.

Ngumiti ulit ako, mas mapalad. "Happy Birthday sa'yo."

Unti-unti nang sumara ang aking mga mata bago ko pa man marinig ang sasabihin nya.

Kim Youngbin...

Maraming salamat sa lahat. Simula noong nakilala kita, ayaw ko na mag-isa.

Sense the Feeling of 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon