Chapter 4

54 1 0
                                    

"Morning."

Napabalikwas ako sa kama dahil sa bati na isang lalaki sa akin. Pagbangon ko ay ramdam ko pa rin ang bigat ng ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Kaya imbis na makatayo ako ay napaupo ulit ako pabalik ng kama.

"Teka lang. Saan mo balak pumunta? Magccr ka ba?"

"N-no. Gusto ko nang umuwi." Hindi ako makatingin ng ayos sa lalaki dahil hanggang ngayon ay magkatabi kami sa iisang kama kung saan alam kong wala pa ako ni isang saplot! Siya naman ay half-naked lang.

Napansin niya siguro na naiilang ako sa sitwasyon namin kaya naman tumayo siya at lumabas ng kwarto. Agad ko naman hinanap 'yung mga damit ko pagkalabas niya pero hindi din nagtagal ay bumalik din siya. Inabot niya sa akin ang isang tshirt.

"Suotin mo muna 'yan. Pinalabhan ko na 'yung mga damit mo pero baka mamaya ay dadalhin na rin 'yon dito." Naglakad siya palabas. "Lumabas ka pagkatapos mo magbihis, naghain ako. Kumain ka muna bago ka umalis."

Tumango ako bilang tugon sa kanya. Agad din naman siyang lumabas pagkatapos nun.

Inabot ko 'yung shirt na nakapatong sa kama at agad din itong sinuot. Hindi makakailang malaki ito sa akin. Ang haba nito ay hanggang tuhod ko.

Pagkabihis ko ay nahihiya akong lumabas. Hindi ako sanay na ganito lang ang suot ko, ni wala akong pang-ibaba! Hind iyon halata dahil sa haba ng suot ko pero hindi matanggal sa isip ko na alam niya iyon dahil wala naman siyang inabot sa akin na kahit shorts manlang.

"Umupo ka na para makakain na tayo." sabi nung lalaki nang makitang nasa may kusina na ako. Sinunod ko 'yung mga sinabi niya sa akin. Umupo ako at tahimik na kumain. Konti lang ang kinuha kong pagkain para mabilis din akong matapos pero nilagyan niya pa 'yung plato ko ng mapansing konti lang 'yon. Nilagyan niya pa ako ng bacon, hotdog at...  itlog?

"Kumain ka ng marami. Hindi maganda sa babae 'yung mga diet diet na 'yan." sabi niya sa akin tsaka sumubo ng pagkain.

"Thanks pero hindi naman ako nagdadiet e." sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Kung gayon, bakit ang konti ng nilagay mong pagkain sa plato mo?"

"W-wala lang." sagot ko.

"Psh. Bakit di mo kainin 'yung itlog? Masarap 'yan! Specialty ko kaya 'yan!" Napatunganga ako sa lalaking nasa harapan ko. May ganun ba? Special itlog? Parang wala naman!

"Gusto ko sana tikman 'yung espesyal mong itlog pero hindi kasi ako kumakain nun e. Allergic pati ako." Napakunot ang noo ko ng mapansing kinagat niya ang labi niya na para bang nagpipigil ng tawa. May mali ba dun sa sinabi ko?

"Ah, ganun ba? Sayang. Masarap pa naman 'yung itlog ko." Ngumisi siya sa akin.

Ako lang ba 'yung greenminded o sadyang nagpapaka-green 'yung bibig ng lalaking ito? Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Marahil ay namumula na ako ngayon na pinapanalangin kong hindi nya mahalata pero mali na naman ako.

"Oh? Bakit ka namumula?" Nakangisi pa rin niya akong inaasar.

"Ang bastos mo! Nasa harap kaya tayo ng pagkain."

"Bakit? Anong masama dun eh inaalok lang naman kita ng itlog ko!" at 'yun sumabog na siya kakatawa. Nakakainis! Hindi ko na maipagpatuloy ng maayos 'yung pagkain ko dahil nakakadistract na ang sarap pakinggan ng tawa niya. Hala! Ewan ko!

Nang hindi na talaga ako makatiis ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagtangkang lumabas na ng kusina.

"O-oy! T-teka! Saan ka pupunta?" ni hindi niya matuloy tuloy 'yung sinasabi niya dahil hinihingal pa siya mula sa pagkakatawa niya. Tumayo din siya mula sa pagkakaupo niya at naglakad papunta sa akin.

"Maliligo na sana ako. Kailangan ko na kasi umalis." sabi ko nang nasa harapan ko na siya. Nakita ko na naman 'yung mga magagandang niyang mata, 'yung mala-magnet niyang mga labi, 'yung matangos niyang ilong, in short, nakita ko na naman ang perpektong mukha na nakapagpawala sa sarili ko kagabi. Ooops! Scratch that! Nawala ako sa sarili ko kagabi dahil lasing ako. Dahil 'yun sa alak at hindi dahil sa lalaking 'to!

Nagising lang ako sa pag-iisip ng mapansin ang malawak ng ngisi ng lalaking ito. Nakasimangot, nakangiti, nakangisi at natawa - gwapo pa rin talaga siya. May ipapangit pa kaya ang lalaking ito? Hindi na din masama ang first night kung sakali dahil hindi naman ako minalas sa lalaki. Gwapo naman ito.

Pero mali pa rin 'yung ginawa mo, Karah! Ugh!

"Alam ko naman na gwapo ako, miss." at 'yun, tinawanan na naman ako. Ano bang nakakatuwa dun? Napipikon na ako e. Huminga ako ng malalim bago ulit makipagusap sa lalaking 'to.

"Kuya. Gusto ko ng maligo, saan ba 'yung banyo mo?" tanong ko na lalong nagpatawa sa kanya. Hawak na hawak siya sa tiyan niya habang tumatawa. Sayang saya si kuya, ha?!

"T-tinawag mo akong kuya? Really?"

"Oo. Ano bang masama dun?"

"May nangyari na sa ating dalawa tapos kuya ang itatawag mo sa akin?" Aniya.

Napaisip ako. Oo nga noh? "Pero... Ah! Basta, saan ba 'yung cr?" ngingiti ngiti siyang umiling sa akin at tinuro 'yung pintuan sa may kaliwa ko. 

"Diyan 'yung banyo. May towel na din sa loob. Ilalagay ko na lang sa kwarto 'yung damit mo kapag dumating."

"Okay. Thanks." Sagot ko sa kanya bago pumasok sa loob ng banyo.

Masarap sa mata ang kulay ng cr nung lalaking 'yun. Kulay blue ang tiles nito. Simple at malinis tignan. Chineck ko ang mga ginagamit niyang sabon, shampoo, body wash, mouth wash,  at kung anu-ano pang may -wash. Bakit kamo? Wala lang. Nacurious lang ako. Masama?

Naligo rin ako matapos kong tignan isa isa ang gamit sa banyo niya. Pero habang naliligo ako ay bumabalik sa alaala ko ang nangyari sa amin kagabi. Though, hindi ito malinaw lahat pero may naalala pa rin ako at ito ang dahilan kung bakit unti-unti ako nakakaramdam ng init sa mga pisngi ko. Binilisan ko na lamang ang pagligo para maitaboy ang mahahalay na kaisipan na pumapasok sa utak ko.

Dun ko lang narealize na nasa kabila nga pala 'yung kwartong tinutukoy niya kung saan niya dadalhin 'yung damit ko. Ibigsabihin, dadaanan ko pa 'yung living room bago ako makarating sa kwarto niya ng nakatuwalya lang! Tsk! Sana lang nasa kusina siya at kumakain muli o kaya'y sana lumabas siya para hindi niya ako makitang ganito! Nakakahiya!

Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni-muni ko ay napagpasyahan ko ng lumabas sa cr. Sumilip muna ako sa pintuan upang tignan kung nasa living room siya. Lord! Salamat! Wala siya sa living room! Yes! Dahan dahan akong lumabas sa cr at naglakad patungo dun sa kwarto niya ng nakatuwalya lang. No choice ako so please huwag niyo akong husgahan. Hindi ko ginustong maglakad ng nakatapis lang sa condo ng bastos na 'yun!

"Ares Immanuel!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sumigaw. Hindi ito basta sigaw dahil isa itong sigaw ng isang babae dahilan upang pumunta 'yung lalaki dito sa living room.

"Who is she?" tanong niya habang pinagbabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon