Chapter 10

47 2 0
                                    

“Karah, help me with Gabbe. Help me to court her.” His eyes darted on mine. Para bang sinasabi nito na ako lang ang makakatulong sa kanya. Pero bakit ang isang Ares Bustamante ay magpapatulong sa akin?

Alam ng lahat na parang addition lang ng Grade 1 ang babae para sa kanya. Marami ding babae ang nahuhumaling sa kanya. Eksperto na siya kung maituturing kung babae ang pag-uusapan. Pero bakit? Bakit kailangan niya ang tulong ko? At paanong naging si Gabbe? Alam ko ng magkakilala sila pero mas malalim pa kaya ang pagkakakilala nila sa isa’t isa?

“Bakit mo hinihingi ang tulong ko, Ares?” Hinipo ko gamit ang isang daliri ang baso na pinaglalagyan ng inumin ko. Ganito ako kapag natetense, gumagawa ako ng ibang bagay para mahati ang atensyon ko. Kung bakit ako natetensyon ngayon, hindi ko alam. Lumulutang ako ngayon sa napakaraming tanong at sa tingin ko ay hindi ko na kaya pang isingit ang isa pang tanong sa utak ko.

“She’s your friend. Sa tagal ng panahon na wala kaming komunikasyon sa isa’t isa ay parang hindi ko na siya kilala  nung muli kaming magkita a week ago.” A week ago? Nung isang linggo? Dun lang ulit sila nagkita? Bakit sila nagkita? At bakit nung isang linggo lang sila muling nagkita?

“But one thing’s for sure. Nanatili yung nararamdaman ko para sa kanya.” Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Muli kong nakita ang senseridad dito at kasabay noon ay may naramdaman akong pagkirot sa pagkatao ko.

“Ares, I don’t understand. Matagal na kayong magkakilala diba? Bakit nung isang linggo lang ulit kayo nagkita? No. I think, ang dapat kong itanong ay kailan mo pa nalaman na gusto mo siya?”

“Gabbe is my childhood sweetheart, Karah. Simula pagkabata siya lang ang sinasamahan ko nun. At nung mag-Grade 6 kami, dun ko naramdaman na hindi ko siya kayang mawala sa akin. Nagtapat ako sa kanya nung first year high school. Naging kami. Unfortunately, it didn’t work.” Tumungo siya. Halata sa boses at mukha niya ang lungkot. Ayoko siyang nalulungkot. Dahil mas nakakalungkot ito para sa akin. Naranasan niyo na rin ba yun? Na mas nakakaramdam ka ng lungkot kapag may malungkot na taong malapit sayo lalo na kung yung taong yun ay madalas mong nakikitang masaya? Ako, yun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil lagi ko nakikita si Ares na ngumiti at masaya pero dahil sa tuwing nakikita ko siya, he seems so tough. Para siyang isang pader na kahit kailan ay hindi matitibag.

“It didn’t work? Why?”

“I want her. She’s my priority that time. I gave her everything that I know that will make her happy. I want her to be the happiest woman in this world. I want her to feel the love that I can give. I prioritize her. Unfortunately, she said that she can’t do the same thing for me – that I can’t be her priority ‘cause for her it should be studying first that I understand but when she said that we were still young, wala akong masabi. Nablanko ako. Masakit para sa akin na nagsesryoso ako sa isang taong hindi pala seryoso sa akin.” Alam kong apektado pa rin siya kahit gaano ng katagal ang nangyari sa pagitan nila ni Gabbe.

“Masarap makita na gumagawa ng plano ang taong mahal ko. Pero masakit dahil hindi ako kasama sa mga yun.” Pumikit siya na para bang maalis nito ang sakit na nararamdaman niya sa loob.

Knowing Gabbe, she’s not the serious type of girl. Nakilala ko siya na malapit na talaga sa lalake. Hindi rin niya sineseryoso ang pag-aaral niya. Masaya na siya sa grade niya basta pumapasa. Pero sa sinasabi sa akin ni Ares ngayon parang hindi ko kilala ang Gabbe na sinasabi niya. Kilalang kilala ko nga ba ang kaibigan ko?

Napaisip ako.

“Pero... kung nasaktan ka na pala ni Gabbe, bakit binabalikan mo pa siya?” Dahil kung ako yun, kapag nasaktan na ako ng tao, hindi ko na siya babalikan pa. Well, siguro depende sa kasalanan. May kasalanan kasing mabilis lang mapatawad pero meron din naman na kasalanan na kung makasakit ay tagos sa buto.

“Hindi ko din alam. Ganun siguro talaga kapag mahal mo ang tao. Mamahalin mo siya kahit ano’ng kasalanan ang nagawa niya sa’yo noon.”

In some point, tama siya. Pero maliban na lang kung magpapakatanga siya diba? Okay. Okay. Siguro nga masyado ng lumalawak ang pag-iisip ko. He’s just asking me a favor. Gusto niya lang na tulungan ko siya para maibalik niya si Gabbe sa kanya.

“So, can you help me? Can you help me to take her back?” Tumingin siya sa aking mga mata. May pagsusumamo ang boses niya. And somehow nakaramdam ako ng inggit. Naiinggit ako kay Gabbe dahil may lalaking nagmamahal sa kanya ng ganito. Na handang magserysoso at gawin ang lahat makuha lang siyang muli.

And I came up to one decision. Syempre gusto ko rin maging masaya ang kaibigan ko. Yun naman diba ang ginagawa ng magkakaibigan?

“Sure, Ares. I’ll help you. I’ll help you to win her back.” Ang malungkot niyang mga mata ay napalitan ng pag-asa.

“Thanks, Karah. I owe you this one. Thank you.” Sabi niya sa akin. Nginitian ko siya.

Ngiti lang ang kaya kong ibigay sa kanya sa ngayon dahil wala pa naman kasiguraduhan kung magiging tagumpay ako sa misyon ko na magkabalikan sila. Sana ay matulungan ko siya. Ayoko nang makita siya sa lagay niya kanina – isang Ares na naging mahina dahil sa pag-ibig.

And here I am, trying to return the man I slept with one night to his one great love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon