Chapter 8

22 1 0
                                    

Pinalipat lipat ko ang channel ng TV ko sa condo. Hindi sa wala akong magawa dahil sa totoo lang ay may quiz ako sa isang subject ko bukas pero kahit anong gawin kong pagbabasa kanina simula ng dumating ako sa condo ay parang walang pumapasok sa isipan ko.

I feel disappointed and betrayed at the same time. Hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko ngayon. Dahil ba yun sa biglaang pag-iwan sa akin ni Ares sa coffee shop? Ano bang big deal dun eh di ba unang una naman ay wala kaming relasyon kaya hindi na niya kailangan pa magpaalam sa akin.

Do I expect something from him? Dahil lang may nangyari sa aming dalawa? No. I shouldn’t obliged him and I should stop this crazy thoughts of mine. Hindi ko dapat isipin na kailangan niya akong ituring na espesyal dahil lang sa isang gabing yun. At dapat ko na din talagang tigilan ang pag-iisip sa lalaking yun dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo ko.

Yung sakit ng ulo rin na yun ang naging dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng kinabukasan. Migraine na nga yata yun kaya nagpahinga lang ako buong maghapon. Bumisita rin sa akin sina Kath at Quinn para tignan kung okay lang ako. Minsan kasi kapag inaatake ako ng migraine ay nagsusuka pa ako kaya I think it’s a good thing na may kaibigan ako na katulad nila.

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa university. Nakatanggap ako ng text kay Nadine na sabay kaming maglunch sa paborito naming restaurant sa tapat ng HU. Mga 11AM ako nakarating, mas maaga kaysa sa inaasahan ko kaya naman tumuloy muna ako sa locker ko at kinuha ang mga gamit na naiwan ko kahapon.

“Hey.” Nagulat ako sa lalaking nakatayo pala sa likod ng locker ko kaya naman ng isara ko ito ay tsaka ko lamang siya nakita.

“Hello.” Tugon ko naman sa kanya. He looks familiar. Iniisip ko kung saan ko siya nakita. Nakita niya siguro ang pagkunot ng noo ko kaya siya na mismo ang nagpakilala sa akin.

“Ezeckiel Bustamante.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman at nginitian siya. Nang tatanggalin ko na ang kamay ko sa kanya ay naramdaman kong hinigpitan naman niya ang hawak dito. Napatunghay ako sa kanya.

“Hindi mo na agad ako natatandaan?” Tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. Mukha siyang pamilyar sa akin pero hindi ko talaga matandaan kung saan ko siya nakita.

“Woah. That’s a news.” Aniya. “Ako yung nakatapon sa’yo ng juice nung Monday. Sorry nga pala ulit.” At nakita ko na parang sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. And I find it cute.

“Ah. Oo, naalala ko na. Pasensya ka na. Makakalimutin lang talaga ako lalo na sa mga bagong kakilala ko pa lang.” Binawi ko na ang kamay ko sa kanya at nakita kong muli siyang ngumiti.  Hindi ko makakailang magandang lalaki talaga si Ezeck. He looks friendly, too. Hindi siya katulad ng pinsan niya na mukhang misteryoso.

“May klase ka ba ngayon? Would you mind if I invite you for lunch?” tanong niya na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad. Pababa na kasi kami ng hagdan.

“Okay lang sa akin... pero...” ayoko siyang iturn down. Minsan ko na kasing naranasan ang kumain mag-isa at ayokong maranasan niya din yun.

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon