Chapter 5

40 1 0
                                    

"Is she your girlfriend, Ares?" Tanong muli nung magandang babae sa amin. Mukhang nasa mid-40's na siya at kitang kita sa pananamit niya ang pagiging sopistikada. Tinignan ako nung babae at ngumiti sa akin na para bang hulog ako ng langit. Kinilabutan naman ako dun!

"Oh my gosh! Sa wakas naman nagkaroon na ng mukhang matinong girlfriend ang anak ko! What's your name, hija?"tanong niya muli dahil ni isa ay wala pa ring naimik sa amin nung lalaki. Teka, anak ba 'yung sabi niya? Ibigsabihin mommy siya ng lalaking ito?! At inaakala niyang girlfriend ako ng anak niya.

Napatikhim ako imbis na sumagot dahil parang may nagbara bigla sa lalamunan ko. Marahil ay dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko dahil sa sitwasyon namin. Tinignan ko 'yung lalaki at umaasang tulungan niya ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong iparating.

"Ma, pagbihisin niyo na muna siya bago niyo batuhin ng kung anu-anong tanong." Ngumiti naman 'yung nanay niya at pinagtalikop ang dalawa niyang mga kamay upang ipakita na magandang ideya ang naisip ng kanyang anak.

"Oh sure! Oo nga naman! Sige na, hija. Magbihis ka na muna at mukhang natutuwa na 'yung anak ko sa nakikita niya." sabi niya at tumawa ng malakas. Namula naman ako. Magnanay nga 'tong mga 'to!

"A-ah. S-sige po." nabubulol pa ako dahil nahihiya ako sa pangyayari! Lumingon ako dun sa anak niya at nakita ko rin na nakangisi ito kaya naman inirapan ko na lang.

Agad naman akong nagtungo dun sa kwarto. Pagpasok ko ay nakita kong wala pa dun 'yung damit ko kaya naman lalabas sana ako ulit pero agad din naman bumukas ang pinto at niluwa nun 'yung lalaki.

"Ah... 'Yung damit ko, hindi pa ba dumadating?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang isarado 'yung pinto.

"Hindi pa e. Baka mamaya pa 'yun. Heto na lang muna 'yung suotin mo." sabay bigay sa aking ng isang shirt at isang boxer shorts.

"Ah. Ganun ba? Okay lang. Salamat." sabi ko sa kanya at tsaka kinuha 'yung damit na inaabot niya. Naupo siya sa kama niya na para bang may hinihintay. Tumaas tuloy yung kilay ko sa kanya. Hello? Magbibihis kaya ako!

"What? If you're going to ask if my mom's still there. Yes, nandiyan pa siya sa labas." sabi niya ng mapansing nakatitig ako sa kanya. Mahina ba sa communication 'tong lalaking 'to? Tsk!

"No. Hindi 'yun." huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy 'yung sasabihin ko. "M-magbibihis kasi ako. I hope you don't mind." tsaka nginuso 'yung pintuan.

Ngumisi siya sa akin at sinabing "So? Pwede ka nang magbihis diyan. Okay lang 'yun. Huwag ka nang mailang."

What a perv! Geez! Mukhang hindi ko naman mapagbabago 'yung isipan ng lalaking ito, so tumalikod na lang ako at sinimulang suotin 'yung boxers niya at 'yung binigay niyang shirt habang nakatuwalya.

"Alam mo miss, nakakatawa ka." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Anong nakakatawa sa akin?"

"Ikaw. The way you act. Well..." kinamot niya 'yung batok niya at pinagpatuloy 'yung pagsasalita niya. "Pareho tayong lasing kagabi nung may nangyari sa atin. At alam ko rin na... first time mo. So, yeah. Naiintindihan ko kung bakit siguro medyo weird para sa akin na ayaw mo magpakita ng balat sa harap ko or kahit na 'yung tinawag mo akong 'kuya'."

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon