Chapter 9

19 1 0
                                    

Hindi pa dun nagtatapos ang pagkikita namin ni Ezeck. Simula ng umamin siya sa akin ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas namin. Madalas kaming kumain ng sabay sa lunch at minsan ay sa dinner. Isang linggong ganun ang naging routine namin. At isang linggo ko na rin hindi na nakikita pa si Ares. Oo, may naririnig ako tungkol sa kanya pero yung magpakita siya o makasalubong ko manlang siya sa HU ay hindi nangyari.

Kaya naman nabigla ako ng makita ko siya sa labas ng room ko isang araw. Nandudoon siya sa railings at nakasandal. Mukhang hindi pa niya ako nakikita kaya naman nagdire-diretso na lamang ako maglakad papunta sa next class ko. Marahil ay hindi nga ako ang sadya niya dun.

Mabilis din naman natapos ang klase ko dun. Wala kasing prof at nagpapasa lang ng papel yung SA (student assistant) para sa attendance. Lininis ko na lang din ang gamit ko at lumabas na sa room. At laking gulat ko ng nandun na si Ares at diretso siyang nakatingin sa akin.

“Karah.” Sabi niya ng makalapit sa akin. Nakita ko naman ang patagong sulyap ng mga kaklase ko.

“Ares? Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko. Pero imbis na sagutin ako ay hinigit niya lang ang kamay ko at naglakad na sa hallway.

“T-teka. Saan ba tayo pupunta?” Hinahapo kong tanong. Ang bilis kasi niyang maglakad!

“Mag-uusap.” Tanging sagot niya. Mukha siyang badtrip kaya nanahimik na lamang ako.

Nakarating kami sa parking lot at pinasakay niya ako sa kotse niya. Pagkapasok naman niya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik ang naging biyahe namin. Hindi ko alam pero parang naiilang ako sa kanya. Or should I say, pakiramdam ko, ang layo-layo niya?

Muli ko siyang tinignan. Napakaseryoso ng mukha niya. Galit siya? Bakit naman siya magagalit? At kanino siya galit? Sa akin ba? Bakit naman siya magagalit sa akin? Nawala ang pag-iisip ko ng makitang tumigil na kami sa isang restaurant.

“Nandito na tayo.” Sabi niya at bumaba. Tinanggal ko na ang seatbelt ko. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.

“Thanks.” Sabi ko. Tumango lang siya sa akin at dumiretso na kami sa loob.

“Good afternoon, sir.” Bati sa amin ng isang lalaki na nagtatrabaho dun.

“Table for two, please.” Sabi ni Ares at giniya nga kami nung lalaki papunta dun. Agad din naman niya ibinigay sa amin ang menu. Pagkatapos namin umorder ay nagsalita na ako.

“Ares, galit ka ba? Hindi ko lang kasi matandaan na may naging atraso ako sa’yo. Pero kung may nagawa man akong mali, humihingi na ako ng sorry para dun.” Sabi ko sa kanya. Sa una ay plain lang ang mukha niya pero unti-unti ay nakita kong gumihit sa kanyang mukha ang isang ngiti.

“What? Bakit ka nangingiti diyan?” muli kong tanong. Pinapatawad na niya ako?

“Bakit mo naman nasabing galit ako sa’yo, Ms. Asuncion?” sabi niya at sumandal ng maigi sa upuan niya. Bakit nga ba?

“Eh kasi, napakaseryoso mo kanina pa. Tapos kung sumagot ka pa-isa isang salita lang.” Lumapad lalo ang ngiti niya.

“You know what? I like you. Nakakatuwa ka.” Sabi niya. Naramdaman kong parang sa isang saglit ay lalabas ang puso ko. Nagagalak ito. Ano’ng meron?

“At namumula ka pa.” Dugtong niya at tumawa na siya. Napahawak ako sa mukha ko na sinabi niyang namumula daw. So he’s in his playful side now?

Patuloy lang siya sa pagtawa at naiinis ako kasi napapahiya ako!

“Argh! Tumigil ka na nga!” sabi ko at hinampas hampas ko siya sa braso. Kaso ayaw pa rin niyang tumigil kaya hindi ko rin tinigil ang paghampas sa kanya.

“Oh! Tama na! Titigil na ako.” Sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko na kanina ay pinanghahampas sa kanya. Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahaway at tumingin ako sa kanya. Nakita kong katulad ko ay nakatingin din siya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano katagal yung pagtititigan namin pero natigil lang yun ng dumating na ang waiter.

“Excuse me, Ma’am, Sir. Here’s your order.” Sabi nung waiter. Automatic naman na binawi ko ang mga kamay ko na hawak niya sa ibabaw ng mesa. Nagbawi na rin ako ng tingin sa kanya.

Nagsimula na rin kaming kumain. Tinignan ko siya ngunit iniwas kong muli ang sarili ko ng makitang nakatingin na siya sa akin. Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang pagkain ko.

“Nagde-date na pala kayo ni Ezeck?” Napatunghay naman ako.

“P-paano mo nalaman?” tanong ko.

“Simula ng dumating ako ng HU galing Singapore ay yun na agad ang naririnig ko sa mga nakasalubong ko.” Sabi niya. Nanggaling pala siya ng Singapore. Kaya siguro matagal-tagal ko din siyang hindi nakita.

“So, is it true?”

“I don’t know. He just... He said that he likes me. But I don’t know.” Sa totoo lang, naguguluhan ako. Mabait sa akin si Ezeck but I don’t think I’m the right one for him. He deserves someone else.

“Mukhang naguguluhan ka pa. Pero kung sakaling maging kayo. I just want to say that I’m fine with it. Just enjoy the company of my cousin. “ Nakatitig lang ako sa kanya habang sinsabi niya ang mga salitang yun.

Okay lang sa kanya na maging kami ng pinsan niya sa kabila ng nangyari sa amin? Sa totoo lang, yun ang isa sa dahilan kung bakit sa tingin ko ay hindi ako karapatdapat kay Ezeck. May nangyari sa amin ni Ares na pinsan niya. Nakakailang ang sitwasyon na yun!

Pero heto siya ngayon at sinasabi sa akin na okay lang sa kanya na maging kami ni Ezeck. Binibigay na niya ang basbas niya kung sakaling magkaroon kami ng realsyon ng kanyang pinsan. Pero bakit? Bakit ganun kadali sa kanya yun? At bakit parang mahirap para sa akin ito?

“Just do me a favor.” Tumingin ako sa kanya.

“Karah, help me with Gabbe. Help me to court her.”

And that explains everything. 

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon