VI : Sa kuko ng mga Ispiya

438 24 5
                                    

Nakakamangha ang malinis na pamayanan ng Utopia 25. Sagana sa luntiang halaman ang mga gusali na nagtataasan, pilit inaabot ang mga puting pormasyon ng mga ulap sa kalangitan. Laparan ang mga holographic billboards at mga nakatayong advertisement adds sa mga gusali. Hindi mabilang ang mga lumulutang na parol na siyang nagbibigay liwanag sa kawat kanto. Samot-sari din ang mga madlang genocides na nagkalat sa buong siyudad. Dahil planeta ng mga genocides ang Rioté, lapanap ang mga kakaibang nilalang dito sa Utopia 25. May mga balyenang nagmamaneho ng mga sasakyan na humaharorot sa ere, may mga pumaparadang kulisap sa organisadong trapiko, may mga taong-isda na pagiwang-giwang sa paglalakad, may taong-uwak na sumasakay ng hoverboard at ang pinakakaiba na aking nakita ay ang taong lumalakad na ang paa ay galamay ng pugita — halos ng mga nakatira dito sa planetang Rioté ay mga genocides. Talagang masasabi na isang pambihirang planeta ang Rioté dahil sa mga nakatira dito.

"Bakit ang sasama ng tingin sa atin ng mga genocides dito?" Pansin ni Virgil.

"Kinamumuhian nila ang mga tao na tulad natin." Sagot ni Anemone.

"Bakit naman?" Sawsaw ni Jokai.

"Dahil sa deskriminasyon sa kanila ng mga tao. Nasa pook tayo ng kanilang lahing kinabibilangan. Ito siguro ang ganti nila sa atin dahil sa pamayanan ng mga tao, ang lahi nila ay kinukutya." Ang sagot ni Orion.

"Tama!" Ang sawsaw ni Anemone sa dalawang demons na walang alam sa deskriminasyon ng mga tao sa lahing genocides.

"Huwag n'yo na lang sila titigan sa mata dahil isang uri 'yan ng pambabastos sa kanilang lahi." Babala ni Orion. "Dumeretso na lang tayo sa istasyon ng mga hyperloops." Wani pa ng aming lider.

Hindi namin pinansin ang mga makahulugang-tingin ng mga genocides na aming nakakasalubong sa bawat pasilyo't gusaling aming nadadaanan. Sinunod namin ang mapa sa Nav Watch pagungo sa istasyon ng mga hyperloops. Pero hindi talaga namin mapigilan na masindak sa malalaking genocides na pumupuna sa amin. "Mga Homo sapiens, lahing ng mga mahihina!" Ang tahasang bulyaw ng isang higanteng buwaya na may galamay sa ulo. Hindi nin ito pinansin at nagmadali na iwasan ang mga gulo na katulad nito.

Tuluyan nang kinain ng dilim ang kapaligiran nang sumapit ang gabi. Ayon sa Nav Watch, malayo pa ang aming lalakarin dahil sa napakalaking kalakhan ng Utopia 25. Nang nakababa na kami sa metro subway na siyang pinakamaaiksing ruta na dapat naming dadaanan patungo sa istasyon, may napansin si Saturn na tatlong nakakapaghinalang genocides na sumusunod sa aming grupo. "Mga kapatid, may mga sumusunod sa atin sa likod." Marahang bulong ni Saturn sa grupo. Hindi ko alam kung papaano natuklasan ni Saturn ang mga sumusunod sa amin. Siguro sadyang mapagmatyag lang talaga si Saturn sa bawat nadadaanan ng aming grupo.

"Ano?" Wika ni Op-art, Virgil at Jokai sabay lingon sa aming likuran.

"Saan?" Pahabol na tanong ni Harriote sabay suri sa mataong metro subway. Hindi magkamayaw ang bilang ng mga genocides na abala sa paglalakad dito sa subway. Masyado kasing makitid para sa dami ng mga lumalakad na mga madla ang subway na ito. Ang hindi magkamayaw na tonog ng mga apak ng madla ang siyang nagsasabi na ang pasilyong ito ay para sa mga genocides na mas pinili ang maglakad kumpara sa sumakay sa kanilang mga sputnik.

"Meron nga!" Kumpirmasyon ni Op-art.

"Baka mga ispiya sila ng gobyerno?" Kongklusyon ni Harriote.

"Pero paano naman nila nalaman ang ating tunay na pagkatao?" Ang nagtatakang tanong ni Glitter.

"Huwag kayong mataranta at baka tayo'y mahinalaan!" Ang aking babala sa grupo habang sinusubay namin ang karagatan ng madla.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Trinity sa aming lider.

Rings of Planet ArgonautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon