Sinopsis

909 36 3
                                    

Apat na manininta.
Tatlong propesiya.
Dalawa ang mabubuhay.
Iisa ang gemini prints.

Nagtagumpay ang lahat ng demon children sa rebolusyon na nangyari sa Sanctuary at nagkaroon ang lahat ng gemini prints

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtagumpay ang lahat ng demon children sa rebolusyon na nangyari sa Sanctuary at nagkaroon ang lahat ng gemini prints. Ang bawat demon children ay mayroon nang soulmate o kapares na nakatadhana para sa aming lahat. Hudyat ito na pinatawad na kami ng aming mga diyos at diyosa. Salamat!

Subalit napakalupit ng kapalaran sa aming apat...

Ako si Stellar Maxmillan, labingwalong taong gulang, anak ng isang gobyernador-heneral ng planetang Chrome na may katulad na gemini prints kay Orion...

***
Ako si Orion Tudor, labingwalong taong gulang, dating prinsipe ng planetang Exilon na may katulad na gemini prints kay Anemone.

***
Ako si Anemone Armstrong, labingwalong taong gulang, isang ulila na lumaki sa Sanctuary na may katulad na gemini prints kay Saturn.

***
Ako si Saturn Pryor, labingwalong taong gulang, anak ng Kapitan ng mga poganteng pirata dito sa Parthenon Galaxy na may katulad na gemini prints kay Stellar...

***
Oo! Apat kami ang may magkaparehas na gemini prints! Nakakagulat at nakakalito. Hindi ko lubos maiisip kung ano ang gustong iparating ng mga bathala sa aming apat na may iisang gemini prints. Sino kina Orion at Saturn ang nakatadhana sa akin? At sino naman ang para sa kaibigan kong si Anemone? Ang misteryo ng aming palad ay masasagot lamang ng aming mga magulang na nakakulong sa PAGAP o Planet Argonaut's Galactic Asylum for the Prisons. Iyan ang misyon naming apat — ang sagipin sila sa mapaniil na kamay ni Prime Ovi-van Hauten.

Sa aming paglalakbay, sakay ang isang dambuhalang sasakyang pandigmaan na mothership Aviator Felicity, hindi lang mga Star Cops at Legions ang aming maiinkwentro dahil pati ang mga poganteng pirata na namumukad sa Planetang Argonaut ay tinutugis ang aming buhay. Wala kaming ideya kung bakit gusto ng mga pirata ang aming mga buhay. Kasama ang aming resistance, kami ay handang makipagpatayan para sa aming kalayaan.

Ihanda ang inyong mga ray guns at force shield mga demons!

Ihanda ang starships, laser canoons at sputnik sa paglusob!

Ihanda ang sarili sa ikalawang Demon Children Revolution!

Dahil ako si Stellar Maximillan... ako ang anak ng diyos na umibig sa isang diablo!

Rings of Planet ArgonautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon