II : Aviator Felicity

687 28 1
                                    

Yumayagpag ang aking bunganga sa pagkuha ng hangin kasabay ang paglaki ng aking mga dilat na mata. "Ugh! Huh! Huh! Huh!" Para akong umahon mula sa pagkalublob sa tubig. Kinapa ko ang aking katawan at napansin ko na hindi na ako basa. Muling bumalik sa aking alaala ang huling pangyayari na nawalan ako ng malay sa loob ng incubator pod. Nakita kong nilalagyan at pinupuno ni Anemone ang aking pod ng isang likido na kulay dugo. Naaalala ko din na kinapos ako ng hangin at nawalan ng malay.

Teka? Hindi na ako basa?

Sinuri ko ang aking mga kamay, katawan at muling kinapa ang sarili kong mukha. "Anong, a-anong, nang-yari? Huh! Huh! Huh!" Nagpupumiglas ako, natataranta at patuloy pa rin ang pag-aagaw ko ng hangin sa aking abaga. Nakaramdam kasi ako ng bigat sa dibdib na siyang nagpapakahirap sa akin na makahinga.

Bigla namang napansin ako ni Regulus nang ito'y kakapasok lamang sa sickbay ng aviator. "Whoee! Teka! Teka! Dahan-dahan lang!" Bigla akong inalalayan ni Regulus sa pag-ahon ko sa tuyong pod. Pinaupo niya ako ng maayos sa isang silya at saka hinas-hinas ang aking likod upang manumbalik ang normal kong paghinga. Nanlalaban pa ako kay Regulus. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito kahit tinutulungan na ako ng aking kaibigan.

Hinablot ko ang kanyang kwelyo at saka tinanong siya na may kaligkig na tono. "A-huh! Huh! A-anong, huh! Huh! Na-nangyari?" Napansin ko na nangangatal ang aking mga palad sa paghablot ng kwelyo ni Regulus. Damang-dama ko ang panginginig ng aking kaluluwa sa loob ng aking katawan.

May kung anong hiwaga o droga ba akong nainom?

"Pakiusap Stellar huminahon ka lang." Ang pagpipigil ng binata sa aking p'wersa.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ano bang nangyayari sa aking katawan?

Mabuti na lang at biglang dumating si Anemone sa sickbay at saka tinurukan ako ng heringgilya sa leeg. Ang heringgilyang itinusok sa akin ay may kulay berdeng likido at ito'y tahasang pumasok sa aking sistema. "Huwag kang mag-alala Stellar! Tranquilizer lang ito!" Paliwanag ni Anemone sa akin.

Agad kong nabitawan ang matinding pagkapit ko sa kwelyo ni Regulus at umupo ng maayos sa silya. Mabilis na umipekto ang bisa ng tranquilizer kaya nakaramdan na lamang ako ng katiwasayan. Unti-unting humina ang kabog ng aking puso at marahang bumalik ang normal na mekanismo ng aking paghinga.

"Grabe ka! Papatayin mo ba ako?" Ang reklamo ni Regulus sabay ayos sa kanyang buhok at nayuping kwelyo. Binigyan ko naman siya ng isang nakamamatay na titig. Akala mo hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa amin na pagtatrayidor? Isang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking memorya kung paano nagtaksil si Regulus sa aming lahat. Nakakainis! Bakit hindi ka pa namatay? Tuwing nakikita at nakakasalubong ko si Regulus dito sa aviator, nasisira ang aking araw. Kinasusuklaman ko siya! 

"Pagpasensyahan mo na si Stellar!" Wika ni Anemone sabay pag-abot ng isang bassong tubig sa akin. Kinuha ko ang baso na may tubig mula sa palad ni Anemone at inubos ko ang laman nito.

Nakakadagdag ng kaginhawaan ang pag-inom ko ng tubig. "Salamat." Ang handog ko kay Anemone. Ningitian naman ako ng dalaga saka pinahiran ang batok ko ng isang kremang gamot na nakakatulong sa pagpapababa ng init ng aking ulo. "A-ano ba talaga ang nangyari?" Pahabol kong tanong sa kay Anemone.

"Naku Stellar! Hindi mo alam na muntik ka nang maging mutant?" Ang pasupalpal na sagot ni Regulus.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko! Huwag kang epal diyan! Ungas!" Ang sita ko sa kay Regulus.

"Oo Stellar!" Ang kompirmasyon ni Anemone na tama ang sinasabi ni Regulus. "Ang sewage na nanggagaling sa pabrika ng ASTROBOTS Corporation ay may halong kemikal na nakakapagbago ng DNA ng isang organismo. Mabuti na lang at may sapat na pasilidad tayo dito sa aviator na nagpatigil ng mutation mo." Paliwanag ng dalaga.

Rings of Planet ArgonautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon