Part 23

46.5K 863 174
                                    

(a/n: itong chapter po na ito ay para sa mga kinukulit akong mag ud na, haha, kahit sa FB nag po post pa sa wall ko, hahahaha, love you guys! kahit makulit kayo minsan! hahahahaha)

[Azrael]

"buddy anong gusto mong inu-- Genevieve?" may gulat sa mga boses ni adriel habang naka tingin sa pwesto nina genevieve kanina

nataranta ako ng biglang lumapit si adriel sa kinaroroonan nina genevieve

pipigilan ko sana sya ng maka rating na sya sa mesa nila

sa takot ko na baka ano pa ang sabihin ni adriel sa dalawa ay lumapit na ako

(natatakot ka nga ba sa sasabihin ni adriel o gusto mo lang lapitan si genevieve?)

"genevieve?" narinig kong sabi ni adriel, tumingin ako kay genevieve

mas gumanda sya ngayon, yung dating hanggang balikat na buhok niya hangang leeg na lang ngayon, at mas gumanda na din ang hubog ng katawan niya halata iyon kahit naka upo sya kasi hapit ang damit niya sa katawan niya

"goodness! is that you azrael?" napa balik ako sa huwisyo ng marinig kong binanggit ni Genevieve ang pangalan ko

napa kunot noo ako, hindi sya galit sa akin?

"ahh, yeah" pilit akong ngumiti, nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan ko ng bigla nya akong niyakap

"g-genevieve" may pag asa sa tono ng boses ko, damn,

"azrael, how are you?" tanong niya at bumitaw sa yakap sa akin

"im fine, ikaw?" sabi ko sa kanya, may pag asa pa ba? mahal pa ba niya a--

"mabuti din, nga pala, uhh, adriel, azrael, this is jeffrey, my boyfriend" ngiting ngiti na sabi niya

biglang nawala ang lahat ng pag asa na kani kanina lang ay nasa akin, biglang nawala ang inipon kong lakas ng loob, bigla akong nanghina

napa tingin ako sa mata niya, napayuko ako, damn gusto kong maiyak sa nakikita ko ngayon ah, tsk, shit, halata namang mas masaya na sya ngayon eh

"im jeff" napa tingin ako sa lalaki, inilahad niya ang kamay niya sa akin, napa kunot noo ako ng mapa tingin ako sa mata niya, galit? why? galit ba sya sa akin?

kahit napipilitan ay kinuha ko ang kamay niya at nakipag kamay, tangina, sakit ah!

"u-uhh, sige una na kami" sabi ko at tumalikod na, hindi ko na inintay si adriel, ayoko na munang maki sama sa kanila, lalo pa at nandoon ang bagong boyfriend niya, fvck,

bago pa tumulo ang luha ko ay itiningala ko ang ulo ko,

ganito ba kasakit ang naramdaman noon ni Genevieve? o mas masakit pa? siguro nga wala pa ito sa kalingkinngan  ng naramdaman niya noon

"you ok buddy?"  narinig kong sabi ni adriel sa likod ko

malungkot akong tumingin sa kanya

"mahal ko pa nga sya, si genevieve pa din ang mahal ko" sabi ko,

"eh bakit mo sya sinaktan? at ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" tanong niya, napa yuko ako saka nagsalita

"nacha challenge kasi ako sa kanya noon, sa school halos sya lang ang walang gusto sa akin, yung ibang babae halos mag hubad na sa harap ko, pero sya deadma lang sa akin, k-kaya siguro ganun, p-pero nung nakuha ko na sya, bigla akong nawalan ng gana, ewan ko ba, pakiramdam ko kasi noon hindi nya ako iiwan, at mahal niya ako, a-and i take her for granted"

napa upo ako sa gilid ng sasakyan

"t-then i met jenny, ka trabaho ko sya sa school dati, umalis din sya sa school para mag apply sa kompanya, hindi daw kasi niya gusto ng mag turo pa, i hired her, lagi kaming mag kasama noon, ilang linggo din akong umuuwi sa bahay namin ni genevieve, sa isip ko noon, what for? anong uuwian ko doon? si genevieve lang naman, wala naman kaming a-anak eh, then one night na hindi ako umuwi sa bahay namin, m-may nangyari sa amin ni jenny pagkatapos ng party ng company ko, after that night, ilang beses pa iyong naulit, hanggang sa isang araw sinabi niyang buntis sya,

dalawa lang ang naramdaman ko noon, ang takot at saya, takot kasi hindi naman sya ang asawa ko, at  saya kasi may anak na ako--

"paano mo nalamang anak mo iyon? hindi na--

"ako ang naka una sa kanya" naka yukong sabi ko

nagulat ako ng biglang may kamao na dumapo sa mukha ko

"what the he--

"gago ka azrael, ng dahil lang sa pag kakaroon ng anak kaya mo niloko si genevieve? damn it, bakit ba hindi ka makuntento? mahal mo ba talaga sya? alam mo sa tingin ko azrael, hindi mo mahal si genevieve, kasi kung totoo ngang mahal mo sya hindi mo sya lolokohin, kung mahal mo sya, tatanggapin mo sya ng buo, you would love everything in about her, kahit yung mga flaws niya mahalin mo din, at kung totoo ang pag mamahal mo sa kanya, kahit wala kayong anak makukontento ka na sa pag mamahal niya" may galit sa mga mata niya habang sinasabi iyon

sa sinabi niyang iyon, tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan

"ang tanga ko t-talaga diba? na sa akin na eh, pinaka walan ko pa, nanghangad ako eh, hindi ako nakuntento,, s- sana pwede pa" mahinang sabi ko

"wag ka ng umasa azrael, just move on already, halata namang wala ng natitirang pag mamahal si genevieve sa iyo eh" sabi niya

umiling ako

"hindi ako susuko adriel, asawa ko si genevieve hanggang ngayon, may karapatan pa din ako sa kanya, akin pa din naman sya ah , hindi ako susuko, kung kina kailangan na pumatay ako ng tao para makuha sya gagawin ko, hindi ako tanga para isuko ang asawa ko sa iba, mahal ko sya, at ma i babalik ko pa din ang pag mamahal niya sa akin, alam ko iyon, mahal pa din ako ni genevieve" na ma mag asang sabi ko

napa iling sya

"baliw ka na, you are being obsess with her buddy, may bago na si genevieve, wala ng kayo, just move on, humanap ka na lang ng iba" sunod sunod ang ginawa kong pag iling

"no adriel, baliw na kung baliw, pero aagawin ko ang asawa ko, akin lang sya, alam ko mahal pa din niya ako" sabi ko

.............................

halos ilang buwan na kami dito pero ni isang araw ay ni hindi ko man lang mailabas si genevieve putangina kasing jeffrey na iyon,

for pete sake! asawa ko si genevieve at mas may karapatan ako sa kanya

akin la---

KRRRIIINNGG

agad kong sinagot ang tawag

"hello? siguraduhin mong importante ang tawag na ito or else--

"sir, nakita na po namin si mam jenny" napa tigil sa narinig

"what? asan na sya? ang anak ko?" sabi ko,

"s-sir, patay na po si mam jenny, ilang buwan na ang nakaka lipas" bigla akong nanlambot sa narinig ko

.................................

~Shaniah Marie Lomboy

(hindi ko po alam kung kailan ang next na UD)


Owned By A Possessive Jerk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon