[Azrael]
"oh my gosh, azrael! anak, what happened to you? bakit may mga pasa ka?" nag aalalang tanong ni mommy sa akin, umiling lang ako at saka umakyat na sa hagdan papuntang kwarto ko
bumalik na kasi ako dito sa bahay nina daddy, mula ng mag hiwalay kami ni genevieve, hindi na ako bumalik pa sa bahay namin o sa condo ko, ayoko, maalala ko lang sya
ibinenta ko na din ang bahay ko na binili noon na katapat lng ng bahay ni genevieve
napa buntong hininga ako, it's been what? 3 months, since we broke up, wala na akong balita sa kanya, huling nabanggit nina daddy ang pangalan niya noong sinabi niyang bumalik na daw sina genevieve at Jeffrey sa ibang bansa, yung annulment naman namin pinirmahan ko na, hindi ko alam kung na proseso na ba iyon, sa tingin ko oo, si uncle dennis ang nag lakad ng lahat ng iyon eh
hindi na nga din ako nanunuod ng TV para hindi ko sya makita doon, sa loob ng tatlong buwan na iyon, lagi syang nasa isip ko, walang araw na hindi sya ang nasa isip ko, nasasaktan ako pero anong magagawa ko mahal ko eh. sinusubukan kong mag move on na, pero tangina hindi ko kaya, lumalabas ako kasama ng ibang babae, pero tuwing hahalikan ko na, bigla na lang pumapasok sa isip ko ang naka ngiting mukha ni genevieve,
napa higa ako sa higaan ko ng maka ramdam na ako ng hilo, damn, lasing na lasing na naman ako, napa away pa ako kanina sa ilang grupo ng mga lalaki,
tumingin ako sa orasan, alas dose pa lang pala ng tanghali eh
"anak, azrael, it's your dad, let me in" narinig ko ang boses ni daddy sa labas ng kwarto ko
tumayo ako at pinag buksan sya ng pinto, agad na pumasok si daddy
nagulat ako ng bigla niya akong suntukin saka kwelyuhan
"d-dad" sabi ko, damn, nadag dagan na naman ang pasa ko sa mukha!
"ano bang nangyayari sa iyo azrael? napapa bayaan mo na ang sarili mo! pati ang kompanya mo, baka kapag hindi ka pa umayos, mawawala din pati iyon sa iyo!" galit na sabi ni daddy
"dad, ayoko na" mahinang sabi ko, napa upo ako sa higaan, tumabi sa akin si daddy
"what do you mean?" tanong niya
napa sabunot ako sa sarili kong buhok, bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko
"daddy, i miss her, miss na miss ko na si genevieve" umiiyak na sabi ko, daddy just pat my back
"unti unti na akong namamatay sa loob, para na akong robot, pa ulit ulit na lang ang ginagawa ko kada araw, daddy, wala ng patutunguhan ang buhay ko" sunod sunod ang pag patak ng luha ko
"son, madami pang iba--
"no, si genevieve lang ang gusto ko daddy, alam mo iyan simula bata pa lang ako, binabantayan ko na sya, bata pa lang kami binakuran ko na nga diba?"
"dad, do i deserve this kind of pain? tama lang ba na mangyari sa akin lahat ito? una namatayan na ako ng anak, ngayon naman iniwan na ako ng babaeng mahal ko, dad, ganun na ba kalaki ang kasalanan ko at ganito ka sakit at kabigat ang parusa ko?" i wiped my tears
"gago ka eh, na sa iyo na pinaka walan mo pa, di ba sabi ko sa iyo dati, mahalin mo sya, at wag na wag mong sasaktan? pero anong ginawa mo? nag hanap ka pa ng iba" paninisi pa ni daddy
napa iyak na naman ako sa sinabi niya
damn! imbis na gumaan ang pakiramdam ko mas lalo pa akong sinisisi ni daddy eh!
"i know, i am asshole, but dad! pinag sisisihan ko na iyon!" yumuko ako
"dad, i want to see her, alam kong pinaka walan ko na sya, but damn, hindi ko pala kaya, daddy, please help me, dad, i want to see her, kahit sa malayo lang, makita ko lang sya saglit" pumiyok ako ng sinabi ko iyon
damn it, hindi ko aakalain na para na akong namamalimos ng pag mamahal kay genevieve,
"are you sure? baka mas masaktan ka lang sa makikita mo" napa kunot noo ako ng marinig ang sinabi niya
"d-dad, what do you mean?" tanong ko
he smiled at me sadly
"genevieve is pregnant son"
.........................................................
~Shaniah Marie Lomboy
(ok!! I KNOW! BITIN ULIT! HAHAHAHAHA, sinasadya ko po iyan, sorry guys, BAKA PO BUKAS ANG NEXT UD)
(ANG BAGAL ng internet! kaurat! -,-)
BINABASA MO ANG
Owned By A Possessive Jerk (COMPLETED)
Fiksi UmumBY: SHANIAH_22 SHANIAH MARIE LOMBOY ~~~ GENEVIEVE AND AZRAEL ~~~
