Part 17

55.2K 1K 39
                                    

[Genevieve]

"babe um oo ka na kasi! ano ba yan! promise sa susunod mag propopose ako sa iyo yung bongga! pero sa ngayon um oo ka na muna!" pangungulit sa akin ni azrael

pinandilatan ko sya ng mata

"naku azrael! tigil tigilan mo ako ah! wala pang isang buwan ng sinagot kita tapos ngayon kasal na agad?" sabi ko habang nag susuklay ng buhok

nag hahanda na kasi ako ngayon para pumasok, lunes kasi ngayon at kailagang maaga akong pumunta sa school

at eto nga sa gilid ko si azrael na nang bubulabog na naman, actually bihis na bihis na nga sya eh, ready na para pumasok pero talagang pumunta pa dito sa bahay ko,gusto kasing sabay daw kaming pumasok

"ano ba yan! ang arte mo naman! sige na kasi" dabog niya, parang abnormal talaga tong lalaking to

bumuntong hininga ako, hayys, lalambingin ko na nga lang muna itong baby damulag ko! hmmm

umupo ako sa lap niya at kumapit sa leeg niya, agad naman niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko

"babe, sige na" sabi niya, galing ah! parang humihingi lang ng candy kung maka request ang mokong na ito

"babe, bakit ba atat na atat kang mag pa kasal?" tanong ko,

napa tingin ako sa kanya, nanatiling naka subsob ang mukha niya sa leeg ko, at nakayakap pa din sya sa akin

bakit kaya atat na atat tong lalaking to na mag pakasal sa akin? i mean, yung ibang lalaki kasi na kasing edad niya, they want to enjoy being single, ayaw nilang magka roon muna ng responsibilidad, ini enjoy muna nila ang pagiging buhay binata

pero iba si azrael eh, kaya nag tataka ako sa kanya

"kasi naman babe ehhh!" parang batang sabi niya, natawa tuloy ako at nilaro laro ang buhok niya, he lifted his face

"kasi babe, baka maagaw kapa ng iba, mas mabuti ng mabakuran kita ng maaga, and besides, we are not getting any younger now, gusto ko na din namang bumuo ng pamilya kasama ka, i want to live in the same roof with you, i want to have children, i want to wake up everyday with you by my side, i want to grow old with you, and i want to spent my whole life with you" parang normal lang na sabi niya,

pero pusang gala!!!! kinikilig ako! letse! bakit ba napaka tamis ng dila nitong lalaking to! aahhh!! shemay! parang tatalon na mula sa dibdib ko yung puso ko sa sobrang bilis ng pag tibok nito eh! >.<

pinipigilan ko ang pag ngiti dahil sa kilig kaya niyakap ko na lng si azrael ng mahigpit

"hey! anyare sayo?" sabi niya, umiling ako habang naka yakap pa din sa kanya

"sumagot ka nga babe! pinapa kaba mo naman ako eh!" sabi niya kaya wala akong nagawa kundi mag salita

"ihhh,, kese nemen eh! kenekeleg eke! hehehhehe" sabay hampas ko pa ng mahina sa braso niya, eng teges telege ng brese nye, hehe, peste! para akong may sakit sa pag iisip nito eh! -,- haha

"babe! sabi ng itigil mo na ang pag da drugs eh! ghad! i hate drugs!" sabi ni azrael!

at pagka rinig na pagka rinig ko sa sinabi niyang iyon nawala agad ang kilig ko

sumimangot ako sa kanya at tumayo mula sa pag kaka upo ko sa lap niya, bwisit na to! ako? nag da drugs? sa ganda kong ito? mukha ba akong adik? hmmp!

"babe! saan ka pupunta?"

umismid ako sa kanya

"heh! babe mo mukha mo! bwisit ka!"

..........

Owned By A Possessive Jerk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon