Chapter 7

299 11 5
                                    

Chapter 7
Never Been Kissed





Tyrone won't quit pacing the entire floor in his office. Panay pa ang sulyap niya sa wrist watch niya at sa cubicle ni Emerald mula nang umalis ito kanina pa. Kung pwede lang na hilain niya pabalik rito sa opisina ang dalaga ay sana ginawa na niya. Di siya mapakali sa kaiisip na baka dumidiskarte na ang kaibigan sa dalaga. Parang gusto niya tuloy kutusin na lang si Rafael.


Nang muli siyang sumilip sa cubicle ni Emerald ay nagulat siya ng makita ito na padabog na napaupo sa upuan niya at halos hindi maipinta ang mukha.



Why is she back so early? Sa pagtataka niya. Inayos niya ang kanyang composure. Di dapat siya magpahalata sa dalaga na since she went out ay hindi siya mapakali. Pasimpleng lumabas siya ng opisina.



"Emerald?" Pakunwa'y nagtataka siya. Nakaduko at mukhang upset talaga ang dalaga sa malapitan niyang pagtitig rito. "Ang aga mo yata nakabalik?"


"Bwisit yang friend mo." Iritang sambit ni Emerald.



"Ano bang ginawa niya sa'yo?" Tila di naiwasan ni Tyrone ang makaramdam rin ng pagkainis sa kaibigang si Rafael. Kasasabi lang niya na wag na wag niyang pagtitripan ang dalaga pero it's clear na yon ang ginawa niya. "Pinagtripan ba niya?" He bent one knee sa harapan mismo ni Emerald and rested his both his hand sa magkabilang arm chair. "Tell me, what did he do to you? Binastos ka ba niya?" Tuloy-tuloy at inis niyang tanong.



Nakaramdam ng gulat si Emerald, di lang sa biglang pagbabago ng tono ng pananalita ng binata, pati n rin sa gesture nito. Napatingin siya rito. "Relax ka lang friend, wala naman siyang ginawang kabastos-bastos." Di niya ata naiwasan makaramdam ng pagkailang. Pinagtitinginan pa sila ng mga kaopisona nila.



"Kung ganon, why do you look so upset?" Muling tanong ni Tyrone pero kalmado na.



Nagiinit naman ang pisngi ni Emerald. "Baka naman gusto mo ayusin yan get-up mo, Tyrone. Para kang nagpopropose sa gesture mo eh, pinagtitinginan tuloy tayo."



"Sorry." Sabay tikhim nito at tumayo na. Involuntary ang gesture na yon. Pagdating talaga kay Emerald, nakakalimutan niya na magkaibigan lang pala sila and no more than that. Kinuha niya yung chair sa tabi ng cubicle ni Emerald at sabay upo sa harapan nito.



"Nainis lang ako sa friend mo." Panimula ni Emerald matapos ang buntong hininga. "Nainis lang ako sa sinabi niya sakin."



"Ano bang sinabi niya sa'yo at naiinis ka ng ganyan?"



"He said na magpa-laser surgery daw ako to correct my eye vision." She said in a pissed tone.



Gustong matawa ni Tyrone sa nasabi ng dalaga. Pero baka masabawan din siya kapag ginawa niya yon. Sa totoo lang, walang masama sa nasabi ni Rafael. Sensitive lang talaga si Emerald yan ang napag-uusapan.



"Kung ako naman ang tatanungin mo... Why not try it right?" Pasimpleng sabi niya. Sa kaloob-looban niya ay nananalangin siya na huwag sana siyang masabaw.



"Mahal yon eh at yung contact lens naman masakit sa ulo." Reklamo ni Emerald. Tila hindi naiinis or nagtatampo. Pati tuloy kaibigan niya, yan din ang suggestion. Kung sa bagay, kumportable siya kay Tyrone eh at matagal na sila magkasama sa trabaho. Nag over-react lang siya kanina kay Rafael at aminado siya don.



He chuckled. "Kung sa bagay, maganda ka naman kahit nakasalamin ka."



"Di nga?" Reaction ni Emerald na di makapaniwala. She's studying his face and reaction carefully.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never been KissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon